The Nerds, the girls,and the gangsters

60 1 0
                                    

....Nakarating na sila sa school. Habang papasok sa kanilang bagong classroom sila ay pareparehas na tahimik at walang kakibo-kibo dahilan siguro na sila ay mahiyain.Umupo sila sa second row sa may badang gilid, at sila ay tabi-tabi.Parehas ang kanilang mga reaksyon, sila ay kinakabahan at parang takot sa tao.

"Kinakabahan ako....." wika ng si mahiyaing Mae kina Kat at Nerd."Para ngang ako rin" sagot ni Nerd."Ano ba kayo pati ako pinakakaba niyo!"pagpipigil ni Kat sa dalawa."Panu kung mataray yung magiging adviser natin, pano kung may bagong kaklase tayong masama ang ugali??"katakot-takot na wika ni Mae."Teka nga! tinatakot niyo lang ang mga sarili ninyo THINK POSITIVE.!" pagpapakalma ni Kat kay Mae.

Habang naghihintay ang tatlo sa pagsisimula ng klase,onti-onti ring dumadami at napupuno ang upuan ng kanilang classroom,pare-parehas nilang pinagmamasdan ang ibang nilang mga kaklase,ang iba ang iingay at tila galak na galak na makita uli ang isa't-isa, sa likod nila ay hindi nila mawari kung nagyayabangan o naguusap lamang ang mga babaeng nagkwekwentuhan tungkol sa mga mamahaling lugar na pinuntahan nila,mga lilibohing bag,sapatos,at tungkol sa kanilang boyfriend na nasa unahan at puro kagaslawan at payabangan,nakita rin nila ang mga lumilipad na papel,eraser,at chalk, na muntikan ng matamaan ang ilan nilang bagong kaklase.

Mayamaya ay dumating na si Ms. Roberts,ang kanilang magiging adviser.Si Ms.Roberts ay isang 28yrs. old na guro, maganda,nakasalamin,lagi nakatali ang buhok,mabait pero sa unang tingin akala mo mataray siya,at magaling sa Science.

"Mabait kaya siya?"tanung ni Mae."Mukha lang sana oo....."ani ni Nerd."Pero parang mabait din siya"habang pinagmamasdan ni Kat ang guro.

"Good Morning Class!"nakangiti at magalak na pagbati ni Ms.Roberts."Ako si Ms. Kay Roberts,ako ang makakasama niyo buong taon at sana ay ang taon na ito ay magiging isang masayang taon para sa lahat"wika ni Ms.Roberts sa mga magaaral."Panu magiging masaya, eh nakakatamad pumasok,*"ani ng isang babae sa likod nila Nerd."Gusto ko sana makilala kayong lahat" sabi ni Ms. Roberts"Unahin natin sa mga bagong mukha dito"pahabol niya."Let*** anu to grade1?"pabulong na sabi ng mga babae sa likod.

Pumunta sa unahan ang isang may itsurang lalaki at nagpakilala,"Hello ako si Jay Bolt anak ako ng isang engineer.Sana makilala ko kayo agad lahat"medyo mahiyahiyang tinig ni Jay.

Sumunod naman ay isang babae na nakatirintas at may maamong mukha."Uhmm.. Hi.....ako si Shamcey Curls,ikagagalak ko ka ngayong makilala at sana maging kaibigan ko kayong lahat"medyo nakangiting ani ni Shamcey.

Sumunod na ang apat na babae sa likod nila Nerd sila ay sina Charm,Glaire,and Cadeth.Sila ang mga mahahangin,plastik,at maarteng mga babae sa klase nila, lagi sila nagpapayabangan,at minsan kung anu-anong masasamang salita ang sinasabi nila sa likod ng tao.Isa-isa silang pumunta sa unahan at medyo hindi halatang plastik na ngiti ang ipinakita sa kanilang guro at mga kaklase,puro ang nasabi nila ay kung gano sila kayaman,at kung gano karaming tao ang humahanga at sinabihan silang maganda(katulad nga ng sinabi ko "puro kayabangan lang")

Pagkatapos nila ay ang mga gwapong lalaki na parang mga gangsters pero matitino naman at mahilig sa sports,sila ay sina Mark,Lance,Matt,and Steffan.Patay na patay sa kanila ang mga maarteng babae at walang sawang nakinig sa pagpapakilala nila,ng si Steffan na ang nagsalita ay mahinang tumili ang mga babae dahil bukod sa mga boyfriend nilang sila Mark,Lance, at Matt,pinagaagawan parin nila si Steffan dahil siya ay single sa magkakaibgan at siya ang sinasabing "hunk" sa kanilang school,hindi siya nag-gi-girlfriend basta basta dahil gusto niyang piliin ng mabuit ang kanyang magugustuhan, mabait siya at napaka-gentleman,pero dahil lalaki ay masutil rin kapag minsan.

Natapos na rin ang kanilang iba pang kaklase at oras na upang magpakilala nila Nerd,Kat at Mae.Unang nagpakilala si Mae.

"Hello ako si Mae Cann"sa sobrang hiya ni Mae ay hanggang doon lang niya napkilala ang sarili niya.Sumunod ay si Kat "Hello ako si Kat Rene, at mahilig ako sa Math,sana makilala ko kayong lahat agad"medyo kompanteng ani ni Kat.Sa likod ni Nerd narinig niya ang pinag sasabi ng mga maarteng babae "kabored naman pakinggan itong mga walang kabuhay-buhay na ito,buti na lang at ipinanganak tayo na maganda"yabang ni Cadeth, dahil sa narinig ni Nerd ay kinabahan tuloy siya at baka pagtawanan siya ng mga babae at mahawa ang buong klase kaya sa mahinang boses nagpakilala si Nerd" Hello sa inyo, ako si Nancy Emily Rae Durff,o NERD"nakita niyang natawa ang mga babae at narinig niya ang ani ng isa sa kanila" hahaha bagay sa kanya Nerdy the four eyed girl hahaha", kaya nadagdagan ang kaba na nararamdaman  ni Nerd at tumigil na siya sa kanyang pagpapakilala,at mangiyakngiyak siya sa kanyang pagupo dahil narinig niya sa babae na" Nerd-ing pagkapanget-panget and her ugly duckling sisters hahaha" tsismisan ng mga babae.

Sinundan ng tingin ni Steffan si Nerd at nakita niya kung gano kakabado si Nerd,napansin rin niyang pinaguusapan at pinagtatawanan nang mga babae at medyo nahabag din siya at sinabi sa mga kaibigan" Hoy patigilin niyo nga mga girlfriends niyo wala namang ginagawa sa kanila yung mga babaeng yun"ani ni Steffan."Anu ka ba bro ayos lang yan bakit totoo naman sila mga panget naman talaga sila at ang mundo nila ay sa upuan lang hahhaha" ani ni Matt, nagtawanan at nakiayon ang mga kaibigan,tumahimik at wala ng nagawa si Steffan kung hindi hayaan na lamang.

TO BE CONTINUED...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

N.E.R.D.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon