Ako'y Tagahanga [TULA]

1.1K 12 14
                                    

Sa bawat saknong ng inyong tula,

Damang-dama ko sa tuwina,

Istorya niyong kakaiba,

Walang maihahalintulad na iba.

Sa bawat pantig na aking narinig,

Puso ko'y may malakas na pintig,

Mga salitang puno ng himig,

Mga pangyayaring nauukol sa pag-ibig.

Sa bawat taludtod , ito'y aking pinagmasdan,

Marahil ito'y aking makaadikan,

Punom-puno ng matainhagang kasabihan,

Bansag ko sayo'y kapurihan.

Sa bawat tulang aking nabasa,

Ikaw ay isang mahusay na makata,

Sana'y umayon sayo ang tadhana,

DAHIL AKO'Y IYONG MAGITING NA TAGAHANGA! 

--------------------------------------------------------------------------------

Dedicated to: TheFrustratedPoet

I love all of his Poems! 

He's a great poet!

Talagang nagalingan po ako sa inyo. 

Kaya ginawan ko po kayo ng tula.

Sana'y magustuhan niyo,

kahit di ako isang makata.

FIGHTING!  Thumbs Up! times two!

Ako'y Tagahanga [TULA]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon