PROLOGUE

6 0 0
                                    

*Kumukulog at kumikidlat*

Ala sais y punto nang takipsilim. Si Eullysia ay abala sa paghuhukay ng lupa. Hindi iniinda ang napakalakas na ulan kasabay nang matinding kulog at kidlat na umaalingawngaw at nagsisilbing ilaw sa madilim na paligid at sa pagpatak ng kaniyang mga luha. Nasa tapat niya ang isang kahon na nababalutan nang packing-tape. Nasa loob nito ang pinakamamahal niyang pusa na nangangalang Ulysses. Gusto niyang iburol ito sa likod nang kanilang bahay kung kaya't naroroon siya ngayon.

Panay hikbi habang naghuhukay. Naaalala ang mga araw na kasama nito ang alaga. Ito nalang kasi ang meroon siya ngunit iniwan din sa huli. Wala nang mga magulang si Eullysia dahil sa trahidyang naganap sa buhay nila. Mag-isang naninirahan sa malaking bahay na ipinundar nang kanyang mga magulang noong nabubuhay pa ang mga ito.

Sabay na nasawi ang mga magulang niya dahil sa naganap na car accident noong apat na taon na ang nakakalipas. Ang pusang si Ulysses ang naging kasama niya sa loob nang apat na taong pangungulila. Inirigalo lamang nang ina ang pusa sa kanya noong ikalabing-apat na kaarawan niya.

Basang-basa siya nang pumasok sa mala-mansion niyang bahay. Iginala ang paningin sa mga sulok nito at doon niya naramdaman ang pag-iisa niya sa buhay. Namuo ang mga luha sa mga mata niya at napaiyak. Umiyak siya na parang bata, humahagulgol at kinakapos ng hininga na parang batang iniwan sa madilim na bahagi. Wala nang pamilya si Eullysia.

Hindi nito alam kung may kamag-anak pa ba siya. Simula no'ng magkaisip siya ay hindi nito nakilala ang mga relatives niya both sides kaya nasa isip niya na wala na siyang kamag-anak. Dahil kung meroon man, siguradong may kukupkop sa kanya.

'I am all alone' ang nasambit niya sa isip habang humihikbi. Makakaya niya pa ba na mabuhay? Makakaya niya bang mag-isa ngayong pati ang kanyang pusa na kasama niya ng mahigit tatlong taon ay iniwan rin siya. Mabigat ang kaluoban ni Eullysia habang pinapasadahan ng tingin ang parte ng bahay kung saan madalas niyang nakikita ang alaga. Hindi niya mapigilan ang nararamdaman. Lungkot, matinding lungkot ang namutawi sa kanyang damdamin.

Araw nang lunes at unang araw ni Eullysia sa kulehiyo de McFerrin. Isang napaka kilalang kulehiyo sa lugar nila. Naglalakad si Eullysia sa tapat mismo nang gate nang paaralan. Pumasok siya rito at binaliwala ang mga sasakyang labas-pasok at dinadaanan siya. Nasira ang kaniyang sasakyang ginagamit kaya't kailangan niya itong dalhin sa talyer malapit sa lugar kung saan siya nasiraan.

Ang kulehiyo de McFerrin o kilala bilang De McFerrin College ay matatagpuan sa bayan ng Venistacio. Isang bayan na kalapit lamang nang kanilang baryo. Ang kanilang baryo ay nasasakupan ng ibang bayan kung tawagin ay ang bayan ng Dellania. Nasa iisang Lungsod ngunit hindi niya pa nagagawang puntahan ang bayan ng Venistacio. Ngayon pa lang nang mapag-desisyonan niyang mag-aral sa Kulehiyong iyon.

Habang naglalakad sa corridor sa ikatlong palapag nang establisyementong inakyatan, ay may nakita siyang isang napaka puting pusa sa kabilang dulo nang hallway. Swabing naglalakad ito patungo sa kabilang hagdan papunta sa ikaapat na palapag. Ang establisyementong ito o ang building ito ay nabubuo sa limang palapag.

Bigla niyang naalala ang alaga kaya't sinundan ito at hindi ininda ang oras nang kanyang unang klase. Dahil maaga pa naman para sa unang klase. Sa pag sunod niya rito ay namalayan niyang nasa ikalimang bahagi na siya ng building. Hindi maalis ang kanyang titig sa puting pusa na sa pagtingin mo pa lamang dito ay masasabi mong inaalagaan ito nang maayos.

Walang tao ang ikalimang palapag. Napatingin siya sa paligid at nagtataka kung bakit walang tao ang buong lugar. Hinanap niya ang pusa at nakita niya ito sa pinaka dulong espasyo. Naglalakad ito na parang bang hindi makabasag pinggan. Tuluyan nang nakapasok ang pusa sa isang pintuan at agad niya itong nilapitan.

Lost Soul: CATALLIONWhere stories live. Discover now