MAA 1: Newbie

16 1 0
                                    

Alliums are known as flowers that like a spot under the full sun. They grow just like that. And the sun, of course, is one of the basic needs for the plants to grow. It serves as their source of energy to produce the nutrients they need. Lahat naman siguro ng eskwelahan itinuturo ang bagay na yan. Even an elementary student knows about it. Plants and their source of nutrients.

"New Thitipoom! I've been calling your name a hundred times now and all you did was to ignore me!"

That is Gun Atthaphan Phunsawat. My best friend. Well, I don't have a choice anyway. He's been lurking here at my place since morning. Bakit? Hindi sya makalabas. Another bakit? Because all the reporters are now outside my house waiting for us to come out. I did expect it anyway after nya kong babaan ng telepono pagkasabi nya na pupunta sya dito. Hanggang ngayon hindi parin sya marunong tumakas sa mga paparazzi. A simple cap and mask won't be enough to hide his identity lalo na kung ang gamit naman nyang sasakyan ay ang famous python green Porche 718 Boxter/cayman nya. Bukod sa agaw pansin ang kulay, sya lang naman ang may ganung sasakyan na pumapasok sa subdivision namin. Alam na alam na ng buong sambayanan ang plate number ng sasakyan nya. Hayst. Araw araw tuloy kaming may bagong issue at araw araw din kaming pinagpepyestahan ng mga tao. Can't they just leave us alone? No? Kfine. My peaceful life has been pestered by this little dude early in the morning and now may gana pa syang sigawan ako? Great! Just great.

"Tigilan mo ko. I have no interest sa kung ano mang sasabihin mo kaya pwede ba? Manahimik ka nalang"

I was busy looking out for alliums to buy online when I felt a human in his 20's jumped on my back. Of course, my initial reaction was to stand up and shake up my whole body to get away from that annoying human.

"What the hell, Gun?! Umalis ka nga sa likuran ko!"

Para tuloy kaming tangang nagpaikot ikot sa buong unit ko. Hindi ba sya aware na sa liit nyang yan eh ang bigat bigat nya? Walangya naman talaga! Ano bang trip ng isang to?

"No! Not unless you talk to me!" Napairap nalang ako kahit hindi nya nakikita.

"Kinakausap na nga kita diba? Baba na! Ang bigat mong walangya ka!"

Nagkanda untog untog na kami sa pader pero hindi padin sya bumibitaw. Mas lalo lang humigpit ang kapit nya sa leeg ko. Ang lakas talaga ng kapit ng isang to. Dinaig pa ang tuko. Kainaman naman talaga!

"Atthaphan! Ano ba?! Unggoy ka ba ha? Makakapit ka sa likuran ko wagas!"

Just when I was about to drop him on the floor, saka naman bumukas ang pinto ng bahay ko. What the heck?! Napatigil ako sa paggalaw. Our manager, P'Jack is now standing in front of me with someone I do not know and I don't have a plan to know who. He is familiar yet unfamiliar. Gets nyo ba? Ako din eh. Hindi ko din nagets yung sinabi ko. Basta, I felt like I have seen him somewhere before but I can't remember when or where. I didn't bother to confirm it though. I'm freaking exhausted for god sake! Ikaw ba naman mapaikot ikot ng may buhat sa likod. Makukuba ata ako walangya.

Bumaba na si Gun sa likuran ko. Agad ko naman syang sinamaan ng tingin saka pumunta ng kusina para kumuha ng maiinom at makakain namin. All I have is a fresh juice and a chocolate cake. P'Jack eyed the dessert on my hands and I just shrugged. I like sweets and there will never be a time that I would give them up. Umiling nalang sya saka tinulungan akong magbuhat ng tray.

"Nahandle ko na yung mga reporters sa labas ng bahay mo. Myghad! Araw araw nalang ganto ang bungad nyo sakin! Ano bang sinabi ko sa inyo? Pag lalabas kayo-"

Hindi ko na pinakinggan pa ang kung ano pa mang sasabihin ni P'Jack. Paulit ulit lang naman sya ng sinasabi. At paulit ulit lang din namang nagbibingibingihan si Gun. Isa pa, labas naman ako dyan. Ako ang laging pinupuntahan ni Gun so wala akong kaso. Bumalik na ako sa harap ng laptop ko at nag scroll nalang ulit dun. Bakit ba ang hirap humanap ng legit na seller? Hayst.

My Agonizing Alliums (TayNew au)Where stories live. Discover now