Ice's Pov
Hi sa inyo, im Irene Chloe Elise Madrigal. Haba ng name ko diba? HAHAH...tawagin nyo na lang akong ice for short, im 16 years old.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko kasi....kasi wala lang, nabibored lang ako. Wala kasing magawa ngayong araw.
Kakaenroll ko lang kanina and sa susunod na linggo eh pasukan na.
Matawagan nga muna yung mga kaibigan kong panget.
~calling Panget 1~
[Oh hello?]
"Hi"
[Anong kailangan mo?]
"Bat parang galit ka? Papapuntahin ko lang naman kita dito ah"
[Eh bat parang galit ka din?]
"Che!...punta ka dito ah, tatawagan ko pa si panget 2 este si sam"
[Ok]
"By-"
*Toot toot toot*
Ay bastos.....
Pero wait, di ko pa pala nasasabi sa inyo kung sino si panget 1 HAHAH.
Pangalan nya is, Cassandra Xyren Lopez, pwede nyo syang tawaging Cassy,17 din sya. And yung panget 2 naman eh si Samantha Ashley Reyes, tawagin nyo na lang syang Ash, ayaw nya kasing tintawag syang Samantha kasi yun daw yung tawag ng ex nya sa kanya.
Si cassy medyo masungit pero palabiro. Then si ash naman eh sya yung pinaka masungit at napaka warfreak nya.
~calling panget 2~
"Hello?"
[Oh?]
"Uhmm... punta ka dito sa bahay, pupunta din dito si cassy!"
[Geh]
"By-"
*Toot toot toot"
Tsk! Pinatayan pa nga.
Nagbasa na lang muna ako ng libro habang iniintay Sila.
And yes! Im a nerd, di naman totally nerd pero PARANG ganun na nga. Di ako katulad ng ibang nerd na nakasalamin, kasi di ako komportable na may salamin ako.
Tsaka malinaw naman ang mata ko.
Maya maya pa ay may kumatok na sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko naman yun agad at pumasok na silang dalawa.
"Hoy! Di nyo man lang ba ako babatiin ng hello?"tanong ko sa kanila. Inirapan lang nila ako.
"Tsk... sungit nyo talaga"saad ko pa.
"Ano bang gagawin natin?"tanong ni ash.
"Oo nga eh, ang boring... tapos sobrang lapit na ng start ng school, at yun yung sobrang nakaka BORING"sabi naman ni cassy, kahit kailan talaga, ayaw na ayaw pumasok sa school.
"KAYA ko nga kayo pinapunta dito kasi nga nabibored din ako no!"sabi ko sabay upo sa sahig.
"And hoy nga pala! Nasan nga pala kuya mo?"tanong sakin ni cassy. Napailing na lang ako.
"Hay nako! Bat kasi di mo na lang sabihin sa kuya ko na crush mo sya?"tanong ko sa kanya.
"Tsk! Pakipot ka pa"saad naman ni ash.
"Che tumahimik nga kayong dalawa! Di ko crush yung kuya mo no! Tsaka diko sya type"saad pa nya sabay irap, kaya napatawa na lang kami ni ash.
"Che!"sabay naming sabi ni ash.
Nagkwentuham kami ng nag kwentuhan and nung na bored ma kaming mag kwentuhan eh, napagpasyahan naming gumala na lang.
Pagbaba namin nakita ko si kuya na nanonood ng tv.
"Hi kuya"bati ko at lumapit sa kanya tapos kiniss sya sa pisngi.
"Hello! Aalis kayo?"tanong nila. Napatingin naman ako kay cassy na parang kamatis sa pula, di nya kasi ine-expect na nandito si kuya.
"Yes kuya! Labas lang kami"sagot ko pa.
"Oh! Ok ka lang ba cassy? Bat namumula ka yata? May sakit ka ba?"sunod sunod na tanong ni kuya kay cassy, na dahilan para mas lalo itong mamula sa kilig.
"Ay nako kuya! Wala yang sakit! Nakita ka lang nyan kaya ganyan yan!"sabi ko kaya natulak ako ng mahina ni cassy. Tumawa naman kami ni ash.
"Hoy! Hindi ah! Tara na nga! Para kayong timang"sabi ni cassy sabay labas ng bahay. Napatawa na lang kami pati si kuya natawa na din.
Pero ship ko silang dalawa, ayoko namang mag karoon ng sister-in-law na baliw pero ok na sakin kung si cassy yun!
Lumabas na din kami ni ash at nakita namin si cassy na nakatayo dun sa labas ng gate na hanggang ngayon ay pulang pula pa din.
"Ano ba naman yan Ice! Bat mo sinabi yun?"inis nyang tanong sakin.
"Tsk! Ayaw pa mo! Nalaman na ni kuya"sabi ko sabay sakay ng kotse. Sumakay na din silang dalawa.
Tapos pinaandar ko na yung kotse.
YOU ARE READING
That Nerdy Girl
Romantikso, basahin nyo na lang po kung ayaw nyo naman di wag. charot