Ice's Pov
Nandito na kami sa mall and nag habanap ako ngayon ng mga libro na magandang basahin.
"Hoy! Ano na? Napakatagal mo naman pumili ng libro"sabi sakin ni ash, na halatang inip na inip na.
"Teka lang! Konti pa"sabi ko at nagpatuloy sa pag hahanap ng libro.
"Oh my god!"napatingin naman kaming dalawa ni ash kay cassy ng mag salita ito.
"Bkt? Anong meron?"tanong ko sa kanya.
"Hoy! Mga mare! Diba yun yung ex mo ash?!"sabi ni cassy sabay turo dun sa tatlong lalaking nakatayo sa harap ng bookstore.
"Huh? Yung tatlo ex nya?"tanong ko.
"Gaga"sabi ni cassy sabay batok sakin.
"Aray ah"angal ko.
"Yun yung nasa kaliwa"turo nya ulit..
Tiningnan ko naman at fairness gwapo din."Hoy! Ang gwapo naman pala ng ex mo! Bat di mo balikan!"sabi ni cassy.
"Tanga! Sya nag loko ako babalik?"tanong nya kay cassy.
"Well! Sa bagay"sabi ni cassy at naghanap na lang ulit ng libro, samantalang si ash ay nakatingin pa din dun sa ex nya.
Siguro mahal pa nya! Gusto nya siguro yung balikan kaso, di naman sya yung nag loko. Siguro iniintay lang nyang balikan siya nito!
Naalala ko kasi noon nung nakipag break si Jake yung ex ni ash sa kanya. Halos mabaliw sya. Ni hindi nga namin sya nakausap, at ayaw din nyang kumain.
Lagi lagi lang din syang nag iinom.
Pero dati lang yun no, kaya kalimutan na lang natin.
Naghanap na lang ako ulit ng libro, and yan tapos na akong mag hanap ng libro at mag bayad na kami.
Parang ayaw pa ni ash umalis kasi nandun pa din yung tatlo sa harap ng bookstore, siguro nahihiya si ash dun.
"Tara na"sabi ni cassy sabay hila samin.
"Wag kang mag aalala ash! Papakita natin jan kay jake na ito na ngayon ang sinayang mo!"sabi ni cassy at dire diretso palabas.
Napatingin ako dun sa tatlo at halatang nagulat si jake ng makita nya si ash. Si ash naman ay naka tungo lang.
Nalag lag yung librong hawak ni ash, lilimutin na sana nya yun ng limutin yun ni jake.
"Ay ay ay ibaba mo yan, hayaan mong si ash ang lumimot nyan"saway ni cassy kay jake.
"Ha? Nalaglag nya so dapat limutin ko"sabi pa nito.
"Kahit na no! May kamay naman si ash"sabi pa ulit ni cassy. Bigla na lang kinuha ni ash yung libro sa kamay ni jake at tumakbo.
"Hoy! Wait lang"sigaw ni cassy.
Hinabol ni cassy si ash, at ako naman ay nilimot yung iba pang librong nalaglag.
"Uhmm! Hi ice"bati sakin ni jake. Pero di ko yun pinansin at sinundan na yung dalawa.
Jake's Pov
Jake Lee Garcia 17.
Di padin talaga ako napapatawad ni Samantha.
Kahit tatlong taon na ang nakalipas nong nakipag break ako sa kanya.
~Flashback~
"No, please. Wag mo kong iwan jake. Please!"pag mamakaawa sakin ni Sam.
"Sorry sam, but i dont love you anymore!"sabi ko sa kanya. Lalo naman syang umiyak.
"Bkt? Ano bang kulang sakin? Huh?"tanong nya.
"Walang kulang sayo! Nawala lang talaga yung feelings ko sayo"sagot ko.
"Bwiset kasi yang Anna na yan! Bat ba kasi sya sa Crystal university nag aral? Bat ba kasi kayo nag kakilala?"sabi nya sakin habang umiiyak.
"Im sorry! Mas mahal ko sya kesa sayo!"sabi ko pa ulit.
"Minahal kita jake! Minahal kita ng higit pa sa buhay ko pero anong ginawa mo, sinayang mo yun! Ano bang nakita mo sa babaeng mukhang clown na yun ha?"sabi nya, at nasampal ko sya bigla.
"Wala kang karapatan para laitin si Anna"sabi ko ulit sa kanya.
"Wahhh!"sigaw nya habang sinasabunutan ang sarili nya.
"Paalam na Sam. Break na tayo"sabi ko at iniwan syang umiiyak don.
~end of flashback~
"Hoy! Ano na?"sigaw ni Vince sa mukha ko, kanina pa pala nila ako tinatawag.
"Nako nako nako! Iniisip mo na naman yung ginawa mo kay Sam ano? Ayan kasi"sabi nya sakin.
"Bkt mo kasi sya hiniwalayan, eh mas matino pa naman si sam kesa kay anna na yun eh"sabi nya ulit.
"Malay ko bang may boyfriend pala si anna"sabi ko sa kanya.
"Sa susunod kasi wag kang tanga!"sabi nito sakin, tama naman sya "siguro jake! Di pa din nakakalimutan ni sam yung ginawa mo sa kanya. Kanina nga nung binubungangaan ka ni cassy nakatungo lang sya"saad pa nya,kita ko yun, at ramdam ko yun.
"Tsk"singhal ni kurt tapos tumayo na at umalis na din kami don.
YOU ARE READING
That Nerdy Girl
Romanceso, basahin nyo na lang po kung ayaw nyo naman di wag. charot