Chapter 15

10.3K 150 3
                                    

I am not feeling well. School's out of the picture today. Gusto ko lang mag stay sa apartment. I'm afraid I might face my stalker kung meron man talaga.

Hindi ko pinaalam kay Pio ang tungkol sa natanggap kong package kahapon. I decided to tell him by tomorrow kapag nandito na sya. I'll let him see the pictures since it's he's forte. At ayoko din maging demanding girlfriend sa kanya na simpleng problema, mapupurnada pa ang shoot nila. I'll just rest for today and will wait for him to come home.

It's bugging me sa totoo lang. I didn't sleep well. Paranoia starting to kick in. I locked all the entry way in my apartment. I even double checked it in the middle of the night. That's how paranoid I got since I recieved that goddamn package with pictures of me!

It just creeps me kung sino man ang gumawa nun. The audacity of that stalker to send it to me! Anong gusto niya? Matakot ako? What's the purpose diba? I don't get it. I'm palaban naman and I can handle myself even before na wala pa sa buhay ko si Pio. But there will be times na I feel vulnerable.

I'm watching TV ng makaramdam ako ng gutom. I went to my kitchen and open the fridge to get whatever inside. I'm craving pesto ngayon, good thing I have chicken breast and pasta. Bad news forgot to stock some pesto sauce.

Napaupo ako sa dining chair ko, deciding kung lalabas ba ko to get it myself or have it delivered to me na lang.

May malapit namang convenience store. Maybe that will do kasi kung ipapadeliver ko pa, isang pack lang naman need ko. So I went to my room to get a change of clothes. Got my keys in hand and went out my apartment.

Walang mangyayari sa'yo Vianna, I tell myself over and over again habang naglalakad paalis ng building. Sa kabilang daanan ako dumaan hindi sa front building. Mas malapit kasing way to papunta sa convenience store.

Binati ako ng guard at tumango lang ako sa kanya. Knowing na may guard around medyo nabawasan ang pagka paranoid ko.

Pumasok na ako sa convenience store and look for pesto sauce. Unluckily, wala sila nung hinahanap ko. Ugh. May isa pang convenience store around pero mga 2 blocks away sa apartment ko. Nandito na din naman ako sa labas minabuti ko ng ituloy ang paglalakad ko papunta sa isa pang store.

There are few people around and cars passing by. It's 10 in the morning, I don't have anything to worry about am I? If ever I just ask someone for help.

Nagstop ako sa pedestrian dahil red signal pa. Nasa kabilang kalsada na yung convenience store. Tumawid na ko on green lights. Pumasok na ko sa loob at dumiretso to look for the sauce. Finally, meron sila. I get bottled water kasi nauhaw ako sa paglalakad at pumila na ko sa counter. May nauna saking guy sa pila.

Bumili lang ng pack of cigarette yung nauna sakin. After ko mabayaran ay lumabas na ko ng store. Tumabi muna ako sa daan to drink some water. Maglalakad na sana ako ng bigla akong mapatigil ng may maramdaman akong dumikit sa likuran ko at tumutusok.

"Miss, wag kang sisigaw. Ibigay mo wallet mo." bulong niya sakin.

Halos di ako makagalaw at hindi ko malaman kung ano bang gagawin ko dahil binalot na ko ng takot at kaba. In this broadlight may manghoholdap sakin? Puro sasakyan lang ang dumadaan. I tried to glanced at him pero agad niyang pinaramdam yung tinutusok niya sa tagiliran ko.

"Lakad dun...di ako magdadalawang isip itusok sayo to." sabi niya, habang tinutulak niya ko bahagya papunta dun sa medyo tagong lugar.

"Uhm...K-kuya..please..Wag mo po akong sasaktan." halos nanginginig kong pakiusap sa kanya.

"Akin na wallet mo! Dali!" demanding na sabi niya.

I have all my cards and ID's sa wallet ko. I'm hesitating na ibigay. Dati kapag nakakarinig or nakakapanuod ako ng ganitong mga eksena sinasabi ko pa na, 'di na lang kasi ibigay! gusto ata mamatay'

The third party (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon