YOU

3 1 1
                                    


Hinayaan mo akong masaktan
Handa kang ako'y pakawalan
Masasakit na salita mo'y aking dinamdam
Hanggang sa puso ko na ang nawalan ng pakiramdam

Ikaw na dating saya ang hatid
Pero ngayon nasa dilim at puno ng paghihinagpis
Dating mga salita mong nakakakilig
Ngayon parang kutsilyong winawarak ang aking dibdib

Pagmamahal mo'y tila naglaho
Bakit? Anong nagawa ko?
Ako ba'y nagkulang sa pagpaparamdam sayo?
O meron ka na lang talagang bago?

Damdaming handang limutin
Ngunit hindi kayang patawarin
Masakit man pero aking iintindihin
Na hanggang sa dulo ay siya at siya pa rin

AnthologyWhere stories live. Discover now