"Ma,Nagugutom na po ako"Lumuluhang sambit ng kapatid kong nangangatog nasa lamig. Itinaas ng aking ina ang hawak niyang payong at hinubad ang basa na rin niyang jacket na suot at ipinatong sa ulo ng kapatid ko.
"Eto na 'nak, saglit lang ha?"wika ng ina kong nanginginig na rin sa lamig ng hangin at basa niyang kasuotan. Pinunasan niya ang ibabaw na bahagi ng naputikang lata ng sardinas gamit ang laylayan ng Basa niyang kamiseta at saka ito binuksan at nilagyan ng kutsara.
"Pagpasensyahan mo na muna yan 'nak ha? Wala kasi tayong maisaing na bigas e" nilahad niya ang lata sa kapatid ko sabay sulyap at alok din sakin. Nginitian ko siya sabay umiling.
Kitang kita ang sobrang pagod sa mukha ng aking ina. Awang awa ako sa kanila pero wala rin akong magawa kasi pare-parehas lang naman kami ng Sitwasyon.
Walang liwanag sa bahay namin kahit kandila. Basa na rin ang mga damit namin at kumalakalam ang tyan.Kahapon pa kami naghihintay ng tulong pero wala paring dumadating.
Nababalot kami ng katahimikan ng mga pagkakataong 'yon. Alam kong ang aking ina ay umiiyak ng tahimik maging ako'y hindi na makatiis. Biglang nagsalita ang kapatid ko.
"Kuya, diba birthday mo na bukas? Reregaluhan kita ng cake!" masaya niyang banggit. Nginitian ko siya at niyakap ng mahigpit.
Ramdam kong Walang Masabi ang aking ina dahil Sa Sobrang hiya nito.
"Pasensya na anak ha? Walang Masabi Si Mama Wala na kasi tayong Pera ehhh wala na yung Mga Gamit natin Pero Susubukan ko 'nak ha? Mahal na mahal ka ni Mama."Kita ko ang namuong luha sa magkabilang mata ni Mama.
Ngumiti ako at Saka sya niyakap."Okayyy lang Ma."Umakyat na lamang ako sa bubungan ng aming bahay at iniwan sila sa baba. Humiga ako sa yerong bubong namin at saka pinagmasdan ang langit na napupuno parin ng maiitim na ulap. Ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking kayumanging balat. Naalala ko, kaarawan ko na pala bukas.
Maya maya pa'y binuksan ko ang pintuan. Kitang kita ang malaking ngiti sa mata ng ina ko't kapatid habang hawak ang isang maliit na cake.
Pinahid ko ang luha sa mata at dahan dahang Yumakap sa kanila. Hahalik na sana ako sa aking ina ng may sumigaw.
"Tulong! Ayoko pang mamatay!" sigaw ng matandang babae.
Nagising ako sa pagsigaw niya at doon ko lang napagtanto na umaga na pala.
"Gusto ko pang mabuhay ng matagal"
"Mahal ko pa ang pamilya ko, marami pa 'kong pangarap" kaliwa't kanang hiyawan nila. Nataranta ako nung naalala ko si Mama at ang kaisa-isa kong kapatid.Tuluyan na 'kong bumangon mula sa kinahihigaan ko at tila nawala lahat ng lakas sa tuhod ko ng makita ang tubig na halos maabot na ang bubong namin.
Tila napako ako sa kinatatayuan ko't hindi agad nakapagsalita. Unti-unti ng kumawala ang mga luha sa kabilaan kong mga mata kasabay ng malakas na agos ng tubig na pataas pa ng pataas. Iyak na 'ko ng iyak hanggang sa may naghagis sakin ng tali.
"Tumalon ka na, sakay na dito sa rescue boat" alok sa'kin ng lalaking rescuer sakin. Halos wala parin ako sa sarili.
"Y-yung M-mama ko po pati y-yung kapatid k--" nauutal kong usal sa kanya na hindi natapos dahil nagsalita na agad siya.
"Bilisan mo na. Sasakay ka o iiwan kita dyan? Andami ko pang isasakay!" sigaw niya kaya dali dali narin akong lumundag at lumangoy upang makasakay sa maliit na bangka.
Nung naisip ko ulit 'yung mama at kapatid ko, naisipan kong tumalon at balikan ang bahay namin pero baka tangayin naman ako ng malakas na ragasa ng tubig. Hindi na 'ko mapakali at Nawalan ako ng malay.
Nagisnan ko ang sarili kong luhaan ng magkamalay ako sa loob ng isang evacuation center. [ Cagayan Valley Covered Court ] Agad akong bumagon at nilibot ang mata sa buong lugar.
"Ale, nakita niyo po ba yung mama ko pati yung kapatid ko?" tanong ko sa babaeng nakaupo sa tabi ko. Pinunasan niya ang luha niya at nagsalita.
"Tignan mo lang banda roon" sabay turo sa tumpukang mga tao.
Habang naglalakad ako'y nanginginig ang paa ko. Hindi ko maipaliwanag pero kinakabahan at nalulungkot ako ng sobra. Hinawi ko ang iilan sa mga taong nakaharang at agad nakita ang ina kong yakap ang kapatid ko at ...
Agad Akong napahagulgol sa pag-iyak. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig ng makita ang putla nilang mga labi at putikang mga damit. Hindi narin sila humihinga. Wala na, wala na ang pamilya ko.
Niyakap ko ang malamig nilang katawan at hindi matawaraan ang paghangos at pighating nararamdaman ko. Habang hawak ko ang malamig na kamay ng kapatid ko ay may nakapa ako. Isang basang papel na agad ko itong binuksan at Binasa ang nilalaman.
"Happy Birthday kuya, pasensya na. Eto lang regalo ko. I love you."Mumunti niyang mensahe na may nakaguhit na makulay na cake at mga kandila.
BINABASA MO ANG
ULYSSES
Short Story⚠️HEAVY RAINFALL The background cover came from the Pinterest and was just edited by the Author.