PROLOGUE

8 0 0
                                    

Tunog ng musika at malakas na hiyawan ang kaagad na bumungad sa akin nang makapasok ako sa Villa Grande.

An exclusive subdivision here in bulacan na kung saan nakatira ang pinsan kong si Dianne. Ang pinsan ko sa side ni mama.

At dahil common na sa isang subdivision ang maging mahipigt sa mga stangers na pumapasok, muntik pa akong hindi papasukin ni Manong Guard dahil wala akong maipakita na proof na invited ako sa party ng sarili kong pinsan. Buti na lang nadaan ko sa matinong usapan si Manong Guard.

Sinabi ko lang naman sa kan'ya na hahatiaan ko siya ng mga pagkaing maiuuwi ko mamaya. Kaya... ayun! Mabilis pa sa alas-kuwatro ako pinapasok.

Actually, all of my relatives. Isa si Dianne sa masasabi ko na maganda ang pakikitungo sa akin. At sa tingin ko ay ka-close ko na rin. Even if she's three years older than me. Sa side kasi ni papa ay wala akong gaano kasundo, lalo na at ilang taon na rin ang lumipas noong nakapunta ako ng reunion sa side ni papa. Natatandaan ko pitong taon pa lamang ako no'n noong last na punta ko sa reunion. At hindi na nasundan pa iyon kahit kailan.

Tumigil muna ako sa paglalakad upang ayusin ang aking sarili.

Kaba na may halong excitement ang aking nararamdaman ngayon.

First time ko ito.

Ang dumalo na ako lamang mag-isa. Nasanay kasi ako noon na lagi mayroong kasama.

Sila mama at papa.

Napatingin ako sa aking suot na dress. It's a dark green off shoulder plain dress na maikli ang manggas with A-Line style and ang haba ay hanggang sa ibaba ng aking tuhod. This is one of Dianne's old fancy dresses, ngunit maayos pa naman at walang kahit na anong sira o bakas na kalumaan.

Ugali rin kasi talaga ni Dianne na ipamigay ang mga napaglulumaan n'ya na mga gamit. Kaya kalahati ng aking mga damit ay galing sa kaniya, except lang sa mga panty at bra.

Syempre pinagiipunan ko na 'yon ano!

Kuntento na ako sa mga second hand na damit, h'wag lang sa mga panty at bra. Hindi ako komportable.

Bumuntong-hininga ako upang maibsan man lang ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Paniguradong puro mayayaman at sosyal o feeling sosyal ang mga naroon sa party ni Dianne. Mabuti na lang talaga magaganda ang mga dress na nabibigay ni Dianne sa'kin, hindi halatang mga second hand.

Mukha yata nagkakasiyahan na sa loob, mula kasi rito sa aking puwesto ay naririnig ko na ang mga malalakas na tugtugin at sigawan, kahit tatlong bahay pa ang pagitan nito sa akin.

Nang makuntento na sa sarili ay naglakad na ako muli.

Halos mapanganga ako dahil sa pagkamangha nang tuluyan na ako makapasok ng mansion nila Dianne. Although, this is not the first time I've been here, minsan na rin ako dinadala ni Dianne rito para samahan s'ya  mag-movie marathon, o sa t'wing natatapos siya magshopping. Pero kahit na gano'n ay hindi ko pa rin maiwasan na mamangha... lalo na ngayon. Kung noon ay maganda na, mas lalo pang gumanda ngayon! Mistula akong nasa isang bar dahil sa mga nagkikislapang mga ilaw na iba-iba pa ang kulay.

Yung mga high class na bar like sa bgc. Well, hindi pa naman ako nakakapunta sa bgc. Sadyang may ideya lang ako sa itsura ng bar sa bgc dahil sa mga social media.

At gano'n nga ang itsura ngayon ng bahay nila Dianne. Lakas maka-bgc. Idagdag pa ang malakas na tugtugin.

At mas lalo pa itong umingay nang sumunod na tumugtog ang isang familiar na kanta.

Halik by Kamikazee.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa biglaan nitong pagkabog na tila ba'y sinasabayan ang bawat beat ng kanta.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHEN DESTINY PLAYS TOO MUCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon