Chapter 2

16 0 0
                                    

AUDREI CRESCENT'S (POV)

"Hey, wake up!" I felt someone shaking my back kaya ako nagising. I was greeted by a yellow haired man with a kind smile.

"Kuya Nate?"

"Ang hirap mo palang gisingin," natatawa niyang sambit.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. I am in a small room that looks like a conference room dahil tanging isang mahabang mesa at sampung upuan lang ang laman nito aside from my baggage na nasa sulok. I remembered staying here while waiting for the headmistress to call me back. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"I think I just have a strange dream... pero nakalimutan ko na," I uttered.

"Wag mo munang isipin 'yang panaginip mo. Pinapatawag ka na ng headmistress. You will be having an entrance exam right now."

"Exam?!"

"Don't worry, no need to study or review. Even stock knowledge is not needed."

Anong klaseng exam 'yan?

"Nasaan po si Kuya?" I asked.

"Umalis na kanina lang but don't worry about him, he's fine. Here, suotin mo ulit 'to," Iniabot niya sa 'kin ang puting hood, "Now, let's go?"

After kong maisuot ang hood ay umalis na kami doon.

It's very quiet outside. Tanging ang tunog ng bawat paghakbang namin ang maririnig sa hallway. Wala man lang kaming nakakasabay o nakakasalubong na estudyante.

"Nasaan na sila? Ba't ang tahimik?"

"Nasa kani-kanilang dorm na sila, natutulog."

Natutulog? Anong oras na ba? Mabilis kong sinilip ang suot na relo. Alas tres. Nang hapon? Nang madaling araw? Teka, parang kanina pa 'to ah? Is it broken? Sayang naman, last month pa 'to binili ni Kuya eh.

"Anong oras na po ba?" tanong ko nalang sa kasama ko.

"Oras? Uh, I dunno, basta madilim na sa labas."

Exam in the middle of the night? Sabi ko na nga ba weird ang paaralang 'to eh!

Pagkarating namin sa dulo ng hallway ay lumiko kami pakaliwa. Magtatanong pa sana ako kasi naalala kong sa kabila ang office ng headmistress pero naisip kong baka sa ibang room ko ite-take ang test. Wait, ilan naman kaya kaming magte-take ng exam ng dis-oras ng gabi?

Marami pa kaming dinaanang corridors at nilikuang hallways hanggang sa tuluyan kaming nakalabas ng paaralan.

Gabi na nga. Sobrang dilim na ng paligid. And dilim pa ng langit. Wala man lang akong makita ni isang kumikislap na bituin. Ang lamig din ng hangin.

Doon na tuluyang kumunot ang noo ko.

"Bakit po tayo nandito sa labas?" I asked. Tingin ko nasa likurang bahagi kami ng paaralan.

"Dito gaganapin ang entance exam mo," smiling, he answered.

Sa hindi kalayuan ay mayroong bonfire. The Headmistress was already there, waiting.

Habang papalapit kami doon ay may naririnig akong mahihinang bulong. Hindi ko lang alam kung saan galing dahil sa sobrang dilim.

"Good evening, Audrei," the Headmistress greeted me with a warm smile, "Have a seat. You can also take off your hood if you want."

Umupo ako sa maliit na log na nandun at binalot ang hood sa katawan ko. Muli ko na namang narinig ang mahihinang bulong kaya napalingon ako pero kadiliman lang ang bumati sa 'kin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mercurus AcademyWhere stories live. Discover now