AUDREI CRESCENT'S (Point Of View)
~ So light the fireworks
Sing like no one's heard
Dance, it's us against the world, oh...
They don't know, they don't know, they don't know
They don't know about us
They don't know, they don't know
They don't know about what we do
Yeah, it's true, ~
"Ang ingay!" muntik ko nang mabasag ang radyo sa loob nang sasakyan sa pangagalaiting mai-off ito. Sino ba namang hindi tataas ang sungay kapag ganitong kakaidlip ko pa lang ay bigla namang gugulatin?
I may like the song since it was They Don't Know by Ariana Grande, pero kapag ganitong kailangan kong patayin ang oras sa sobrang boring kakahintay na makarating sa destinasyon namin, mabilis umiinit ang ulo ko! Ang sarap lang balatan ng buhay nang kung sino mang gumawa nun!
Which is of course, non-other than the only person I am with inside the car—ang damuho kong Kuya Jethan.
I gave him my deadliest stare, "Kuya!" nanggagalaiti kong sigaw.
Patay-malisya siyang nagkibit-balikat pero halatang-halata naman ang pagpipigil ng tawa. Ang sarap lang talaga nitong... ugh! Kung hindi lang talaga ito ang nagmamaneho!
I took a deep breath to calm myself. Sumandal nalang ako sa upuan at pinagmasdan ang mga dinadaanan namin. Ang lakas ng ulan sa labas. Buti nalang nakatulong ang ganda ng dagat sa malayo para maibsan ng konti ang galit ko. Hindi na pamilyar sa akin ang mga tanawing nakikita. Mukhang nakalabas na yata kami sa lungsod. Ang bilis naman yata? Kakaidlip ko pa nga lang eh.
Tiningnan ko ang relo ko sa bisig upang alamin ang oras at laking gulat ko nang makitang alas tres na pala ng hapon. Akala ko mga seven pa lang ng umaga kasi parang kakaalis pa lang namin mula sa apartment nina Tita Chen. Ganun na pala kami katagal bumibiyahe? Ibig sabihin ang layo na pala talaga namin sa lungsod. Siguro nga nakatulog talaga ako kanina. Hindi ko lang napansin.
"Nasaan na ba tayo?" tanong ko kay Kuya.
"Malapit na tayo sa lilipatan mo," aniya. Ang layo ng sagot.
"'Mo'? Bakit ako lang?"
"Ididiretso na kita sa lilipatan mong paaralan."
"Ano? Hindi ko man lang malalaman kung saan tayo lilipat ng tirahan?"
"Hindi na kailangan."
"Bakit?"
"Basta."
"Bakit basta?"
"Basta, basta."
"Hay naku! Sagutin mo nalang kasi ng maayos!"
"Gusto mo talagang malaman?"
"Oo, syempre."
"Kasi... kinausap ako ni Tita Chen..."
"Tapos?"
"Tapos... ang sabi niya..."
"Ano?"
"Ang sabi niya..."
"Ano nga?!"
"Ang sabi niya... uhm... ano nga ulit yung sinabi niya? Nakalimutan ko na."
Damuho talaga! Akala ko naman may sasabihing maayos.
Ang sarap talaga kausap nang damuhong 'to eh. Laging may sense, oo. Letchugas!
Bahala na nga siya sa buhay niya. Kahit kulitin ko pa siya ng tanong, wala pa rin akong makukuhang maayos na sagot mula sa kanya. Yes, ganyan katino ang kuya ko.
YOU ARE READING
Mercurus Academy
FantasyBe careful with what you don't believe... They might be the real one. Welcome to Mercurus Academy! ---- The cover photo used is credited to the rightful owner.