Prologue

20 2 2
                                    

Prologo

Isang umaga pinatawag ako ng adviser namin. Kinakabahan akong nagpunta sa faculty. Pag-pasok ko palang ay hinanap ko na ang table ni Ma'am Carlos.

"Ma'am, nandito na po ako. Bakit po?" tanong ko dito

"Buti naman nandito ka na, nitong mga nakakaraan ay napapansin ng mga co-teacher ko na tulala ka sa klase at ang mga quizzes mo ay bumaba na. May problema ba?" nag-aalalang tanong ni ma'am.

"Okay lang po ako, ma'am." pagsisinungaling ko

"Magkukuhanan na ng card para sa first grading. Ang baba ng mga grades mo pero kasama ka pa naman sa honors."

"Sige po ma'am, thank you po." at umalis na doon. Medjo bastos ang pag alis ko doon pero diko na pinansin. Kinakabahan ako dahil paniguradong pagagalitan ako ni mama nito.

Dumating ang araw ng kuhanan na ng card. Madami kaming nasa honors halos lahat den. With honors lang ako, 91 average. Hindi natuwa si mama sa grade ko na iyon.

"Ano Leah! Bat 91 lang average mo!? Nag-aaral ka ba talaga ng mabuti ha!?" dismiyadong sabi nya sakin.

"Sinabi ko naman sayo, kailangan mo maging una, pero ano? Ha? Muntik ka pa mawala sa honors!"

Hindi ako makasagot kay mama, naka yuko lang ako. Naiiyak na ako pero pinipigalan ko.

"Ano ba nangyayari sayo ha?! Baka naman lumalandi ka na sa school mo kaya nagpabaya ka na sa pag-aaral!?"

"Sinasabi ko sayo Leah pag ikaw di mo pa den inayos yang pag-aaral mo. Ano nalang sasabihin ng mga tita mo? Yung mga pinsan mo ay laging una, samantalang ikaw! Pumasok ka na sa kwarto mo, mag-aral ka doon!"

Sinunod ko ang sinabi ni mama, hindi ako sumagot sa kanya. Sobrang napeperessure na ko.

A/N: Hi, hello, kamusta, This is my first wattpad story hihi. Sana di kayo ma bored basabin to, tulad ng pagaka bored ko kung bakit ko naisulat ito. Kung mapapansin nyo 'Short Story' lang ito hehez. Gang Chapter 10 lang ito. Please do support my story and do not forget to vote hihi, follow nyo na din ako para happy HAHAHAHAHA. Thankyouuuuuu!!

PahingaWhere stories live. Discover now