Sobrang sakit ng ulo ko at giniginaw pa ako. Ayoko pang bumangon pero kanina pa tumutunog ang telepono sa tabi ko. Nakapikit kong kinuha 'yon at iritang sinagot.
"What?" Bungad ko. I didn't even glance to the screen of my phone to see who's calling.
"Where are you, Ms. Sevastian? Kanina ka pa hinahanap ni boss." Nangunot ang noo ko sa boses na narinig ko. Pakiramdam ko'y umurong ang antok ko.
My supervisor? Am I still inebriated or dreaming?
Madali akong napabangon because of shock after realizing that my supervisor is indeed calling me.
"Y-yes, Ma'am?" Wika ko habang kinukusot kusot pa ang mga mata ko.
"You have to go here immediately, Ms. Sevastian." May diin ang kanyang tono, napangiwi ako dahil sa kaba nang tuluyan niya akong babaan ng tawag.
I have no idea what's going on, but the fact that my boss has called me makes me nervous.
I didn't do anything!
I swear to God!
Wala sa sariling tumayo ako at nagmadaling pumunta ng banyo ngunit nauntog ako.
Where's the banyo?
And where are my clothes? Agad kong sinulyapan ang katawan ko sa salamin na nandito sa kwarto at laking gulat nang mapansing underwear lamang ang natitirang suot ko.
At saan naman nanggaling ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko?
Oh, it's the cold aircon.
"What are you doing?"
Nakagat ko ang labi ko. Naestatwa ako at sunod sunod na napalunok. Hindi ako makalingon.
Really, Sereia? You really have no idea what happened last night? Huh! I'm a complete idiot.
"D-Do we know each other?" Tanong ko ngunit maliit na tawa lamang ang isinukli niya sa akin.
"Why are you here in my apartment, sir?"
"My condo." Aniya.
Maliit ang paghakbang niya papunta sa akin habang ako naman ay paatras. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko.
Sandaling nilibot ng mga mata ko ang buong condo.
This isn't my condo; this is much larger and more comfortable than mine. Sa lamig pa lamang ng aircon ay nagkakatalo na.
"Do you want me to tell you what happened last night because it seems like you don't remember anything."
Napakamot ako sa sarili kong buhok dahil sa kahihiyan. This is quite likely the worst day of my life.
"N-No. Thank you."
Gustuhin ko mang malaman ang nangyari kagabi ay wag na lang. I'm aware that I've done something worst ever.
Napaka iresponsable ko talaga kapag nakakainom and I hate that.
"So, who are you? Why am I here?" Nahihiyang tanong ko.
"Killian. You really don't remember anything?"
Napailing ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at dahan dahang pinasadahan ng tingin itong lalaking nasa harapan ko.
Oh, I see why I'm with this guy now.
"D-Did we.." napailing ako
Say it, Idiot!
"D-Did we.. uhmm you know.."
He chuckled and looked at me.
"Yes." Bulong niya
"Buti naman." Agad kong sagot. Huli na nang takpan ko ang bibig ko.
Traydor!
"What did you say?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"S-Sabi ko nasaan ang banyo?"
He grinned and grabbed both of my shoulders. Nakaramdam ako ng panlalambot ng tuhod. This is the first time that my heart is pounding very hard.
"It's in your right side, Miss."
"A-Ah Hehe." Nanginginig ang kamay kong nilingon ang kanan ko at napagtantong naroon nga ang hinahanap ko.
Hindi ganito ang nagiging epekto ng mga naka one night stand ko. It's quite odd. Ano ba ang mga naiisip mo r'yan, Sereia?! Wake up! Keep in mind that you have a list of priorities! Focus!
"You should eat first before you go. I cooked" Aniya, at tinalikuran ako.
Even his back is so sexy. God! I'm having a hard time focusing!
Mabilis kong inayos ang aking sarili. Napatulala pa ako habang pinagmamasdan ang nagkalat na eyeliner sa aking mukha. Irita akong napahilamos sa sarili kong palad.
Pagkatapos mag-ayos ay agad kong hinanap ang mga gamit ko sa ibaba. Wala iyon.
"I've already taken care of your things. Let's eat, shall we?" Nakakrus ang kanyang mga braso habang nakasandal sa pinto. Maliit na ngiti ang isinukli ko.
"But I'm in a hurry."
"I don't care." Aniya at mabilis akong tinalikuran.
Mariin akong napapikit at naging sunud sunuran sa kanya.Pagkaupo ay agad niyang nilagyan ng pagkain ang pinggan ko. It's egg omelette and cheese bread. This is the first time in my life that someone has prepared a breakfast for me.
"Eat well."
Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang namumuong luha sa mata. Yes, I cry over the smallest things.
Sa totoo lang ay masarap ang mga inihain niya ngunit paano ako makakakain ng ayos kung palagi ang pagtitig niya sa akin!
"You prepared all of these?"
He nodded.
Binilisan ko ang pagkain ko dahil sa paulit- ulit na pagtunog ng telepono ko. Muntik ko nang makalimutang may oras nga pala akong dapat habulin.
"Thanks for the breakfast, Kevin." Tumaas ang kilay niya sa akin.
"It's Killian, baby."
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at agad na umalis. Maaga pa. Sana'y hindi ako abutan ng traffic sa lagay kong 'to.
May mga spare clothes naman ako sa cubicle ko sa office kaya doon na lang ako maliligo.
Pagkarating ko ay agad akong tumakbo papasok ng elevator. Muntik pa akong maunahan dahil sa dami ng tao.
Pagkarating ko sa office, nakaramdam ako ng matinding kaba dahil nandoon ang boss ng pub house at ang supervisor ng area namin.
Because of their stares, I know something bad is going to happen.

BINABASA MO ANG
To My Dahlia
Fiksi SejarahThis novel is written collaboratively with @minervadeluxe