PROLOGUE

1 0 0
                                    

"Tine!"

"Ken!"

Umalingawngaw ang aking sigaw sa kalsada. Nasa kabilang banda kasi ang hinayupak kong kaibigan at kanina pa kami nag sisigawan para lang magkarinigan. The sun is at its peak. Pinagtitinginan narin kami ng mga tao pero wala akong paki.

"Klaud Benjamin! Isa pang sigaw sa pangalan ko at hindi ka parin tumatawid ay makakatikim ka ng sapak sa akin. Sinasabi ko sayo."

May topak kasi to may sasabihin daw siya sa akin pero ayaw naman tumawid. Timang talaga!

"Fine. Tatawid na."

"Bakit ba kasi ang tagal mo tumawid? Pasigaw-sigaw ka pang demonyo ka!" Nakakairita.

Nakatitig lang si Ken sa akin na parang nagdadalawang-isip sa kanang sasabihin.

"Hoy, bayot! Anong nangyari sayo?" Tinatawag ko talagang bayot (bakla) iyong mga kaibigan kong lalaki kahit straight pa kasi trip ko lang. Nakasanayan na din. Sanay na rin naman sila sa akin kaya ayos lang.

"W-wala to. I'm fine. Ayos lang talaga ako." Huminga ng malalim si Ken. Kinabahan tuloy ako. Hindi ko alam kung bakit pero bumilis yung pintig ng puso ko.

"Kasi ano."

I stared at him and wiggled a brow urging him to continue what he's about to say.

"Ano yun?" Ang tagal naman magsalita nito, naiihi pa naman ako. Badtrip talaga! "Pag di mo parin sinabi sisikmuraan kitang bakla ka. Ihing-ihi na ako dito. Utang na loob, Ken. Sabihin mo na please."

" Kasi ano, yung crush mo sinagot na raw." He muttered these words while staring at me intently as if assessing my expression.

"Good for him." Sabi ko nalang at nagpaalam sa kanya. Bigla kasing bumigat ang pakiramdam ko. It's been months since our last meeting. Hindi pa kami nakapag-usap. Coincidence lang kasi na nagkita kami noon.

No matter how hard I convince myself that I'm happy for him may parte parin sa akin ang humihiling na sana ako ang kasama niya habang unti unti niyang inaabot ang kanyang mga pangarap. Sana ako ang nagpapangiti sa kanya. Sana ako nalang ulit ang nasa puso niya.

I went home directly after that short conversation with Ken. I was not in a good disposition. Tinarayan ko pa ang pamangkin kong gusto lang manghiram ng cellphone. I went into my room.
I hugged my big pillow hotdog to seek comfort. In times like this when I feel down, I always took a nap if I fail to find distraction. Sleeping really helps a lot for me. I tend to temporarily forget my current dilemma. It also lessens the hurt, in my case. Kagaya ng nakagawian ay pinilit ko ang sarili kong matulog kahit papaano. I closed my eyes but my mind keeps on wandering around. I am preoccupied with so many what ifs and what if nots.

I woke up at around 4 PM. Gutom na gutom ako. Hindi kasi ako nakapagtanghalian kanina dahil nawalan ako ng gana. Pumasok ako sa kusina namin para kumain. Naglilikot na ang mga alaga ko sa tiyan dahil sa gutom. Pagkatapos kumain, nagpaalam akong may pupuntahan saglit sa kabilang barangay. Pumayag naman si nanay kaya goods na. Dadalaw ako sa kaibigan kong magaling mag advice.

“Tao po? Nandyan po ba si King?” tanong ko sa Papa niyang nagbukas ng pinto para sa akin.

“Nako hija, may nilakad saglit si bunso pero pabalik na rin yon. Inutusan ko lang bumili ng uulamin mamaya. Halika, pasok ka muna at nandiyan naman si Duke para hindi ka ma buro. Upo ka hija.”

I took my seat. I am sitting across Duke, King’s older brother. Sumulyap siya sa akin at tipid naman akong ngumiti sa kanya. Ewan ko pero nahihiya talaga ako sa kanya kahit wa naman akong kahiya-hiya. Siguro dahil mas matanda siya sa akin at gwapo? Ewan ko kung ano ang koneksyon. Nababaliw na yata ako.

I cleared my throat to strike a conversation with Duke.

“Uh, Kuya-“

He glanced at me with dagger eyes. Yumuko nalang ako dahil sa talim ng kanyang tingin sa akin.

“S-sorry. Pwede mang magtanong, Kuya?”

“Nagtatanong ka na.”

I face palmed dahil sa sungit ng lalaking ito. I wonder kung kanino ito nagmana. Mabait naman si Tito Craig na daddy nila at si Tita Krista na mommy nila.

“Ipinaglihi ka po ba sa sama ng loob? Ang sungit mo po kasi e.”

“None of your business.” Napaka talaga ng lalaking ito. Kaya hindi kami close e kasi ang sungit niya palagi.

“May mens ka po ba?” I smiled cheekily.

“What are you talking about?”

I suppressed a smile seeing how annoyed he was. This is my forte. I can always make Duke annoyed and angry anytime I want. Plano ko pa sana siyang inisin ng todo kaya lang ay bumukas ang main door nila pagpasok ni King. 

“King!” I greeted him cheerfully. He smiled at me.

“Ipapasok ko lang muna to sa kitchen.” He went in to their kitchen. Sumunod naman ako at tumulong sa kanyang ginagawa. Pagkatapos ay naghugas kami ng kamay.

He stared at me for a while.

“What?” I inquired.

“I know something’s bugging you. Come on, you can tell me.”

“No, I mean nothing’s bugging me. Na miss lang kita kaya bumisita na.” I said, avoiding his gaze.

He gave me a meaningful look at nang hindi na nakatiis ay kinabig nya ako para mayakap. I hugged him back and smiled. Napakasweet talaga ng lalaking ito.

Nasa ganoon kaming posisyon ng pumasok si Duke sa kitchen. He glanced at our position and stared at me in between his brother’s arms.

“Tss.” He looked away and walked out. Mukhang nakalimutan niya ang sadya niya sa kitchen. Anong problema non?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HER ACEWhere stories live. Discover now