Kabanata 1

77 3 2
                                    

Zacklyn's POV

*ring, ring*

Waaah! Grabe! Tumatawag na naman siya. Teka.. sasagutin ko ba o hindi? Kapag hindi ko naman kasi sinagot, malamang sa malamang, magagalit siya sa akin. Pero kapag sinagot ko naman yung tawag nita, tatalon na naman ang puso ko. Baka atakihin ako nito sa puso eh -_-.

Pero, okay.. sasagutin ko na.

"Good Morning, Pare!," bungad niyang bati sa akin. 

"G-Good m-morning din, Pare." Huwaaahh! Nauutal Ako, bakit?

"Oh? Bakit ka nauutal? Hahaha," sabi niya sa akin. H-Huh? Napansin niya?

"Uhmmm.. ano.. tawag nito.. nilalamig ako! Oo, nilalamig nga ako! Hooh!" Sana naman umeffective ang palusot ko.

"Ah.. ganun ba? Bakit kasi hindi ka nagkukumot? Baka magkasakit ka niya," pag-aalala niya. Naku. Ayan na naman ang pag-aalala tone  na yan. Nakakahumaling talaga. Oh, tukso, layuan mo ako!

"Hahaha! Alam mo namang malakas ako diba? Atsaka, wag ka ng mag-alala, I can take care of myself." Wahaha! English yun ha.

"Oo na. Basta pumasok ka ng maaga, huh? Kung hindi," bigla siyang tumigil. Homagayd! "Kakaladkarin kita palabas ng bahay niyo. maliwanag?" 

"Opo, TATAY," talagang diniinan ko yung salitang yan. Totoo naman kasi eh. Parang tatay ko yan sa ginagawa niyang pag-aalala. Oo, parang lang dapat.

"Hahaha! Oh siya, paalam na. Baka anong oras ka na naman makapunta sa school. Ge, bye na Pareng," at inend niya na ang call. Ni hindi man lang hinayaang magpaalam. -_- 

Bumangon na ako. Ayaw kasi akong malate ng tatay/bestfriend ko. Oo, bestfriend ko yung Aldrin na yun. At tama rin kayo sa mga hinala niyo. Matagal na akong may pagtingin sa kanya. Argh. Nakakainis nga eh. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, sa kaniya pa talaga? Eh di wow.

Okay, tama na muna yan. Kailangan ko ng mag-ayos at natatakot ako dahil baka totohanin ng pare ko yung warning niya kanina.

Ligo, bihis, ayos, kain at tadaa! Tapos na ang paghahanda. Kinuha ko na ang bag ko. Wala naman siguro akong nakalimutan, diba? 

Pumunta akong kusina kung nasaan si mama. Nagpaalam na ako sa kaniya na pupunta na akong school. Paglabas ko ng bahay, aba't! Bakit siya nandirito?

"Oh. Bakit ka nandito?," bakas sa tono ng pagsasalita ko ang pagkagulat.

"Huh? Bawal ba? Akala ko kasi malelate ka na naman."

"Tss. Sabihin mo, wala ka lang tiwala sa akin na hindi na ko malelate."

"Hah? Wala naman akong sinabing ganun ah?" Rinig ko ang yapak ng mga hakbang nya palapit sa akin.

"Oo na. Tara na!," at hinila ko na siya sa paglakad.

—-

SCHOOL

Kaagad kaming pumasok sa loob ng school. Naiilang nga ako eh. Eh pano ba naman nakaakbay sa akin si Aldrin? Edi pinagtitinginan kami ng mga estudyante rito. Isang gwapong nilalang nakaakbay sa isang hamak na katulad ko? Isang dakilang Boyish? Yes, boyish po ako.

"Uy, Zack, una ka na pala. Pupuntahan ko lang si—"

"



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pare, Mahal Mo Raw Ako? [KathNiel FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon