Kailan mo kaya ako sasagutin?
Kailan mo kayang masasabing Iloveyoutoo?
Ako nalang ba lagi? Sana ikaw din maging akin. Hindi lang ako ang nagpapakatanga Para sayo.Matutuwa ba ako o masasaktan?
Kapag sinabi mo na ang dapat Kong marinig Yan lagi Kong iniisip kapag kasama Kita. Nakakabobo na nga eh.
"Oy. Ano na???? Bakit natulala ka nanaman diyan ? Ganda ko ba masyado?" Natatawang sabi mo.
"E-eh... Wala nagiisip lang kung kailan mo ko sasagutin." Sabi ko.
"sira Hindi ka pa naman matagal na nanliligaw ah. Atat ka naman masyado. Wala pa nga akong nararamdaman sayo." Seryoso mong sabi na tumusok naman sa puso ko.
"Hindi matagal? Hindi pa ba matagal sayo ang 5 taon ha? Kahit na puro ibang lalaki ang sinasabi mo. Nandito pa rin ako minamahal pa rin Kita. Ang tanga ko na nga Kasi minahal Kita Ng ganon. Hindi ba matagal ha? Gaano pa ba katagal nang alam ko naman kung kailan mo ko mamahalin." Umiiyak Kong sabi sayo.
"Bakit? Di mo na kaya? Madali lang naman ang gagawin mo. TUMIGIL KA NA. Ang arte mo pa eh. ITIGIL MO na kung Hindi mo na kaya wag ka na MAGPAKATANGA yun Lang yun.Sorry kung sinayang ko ang limang taon mo" sabi mo saakin. Ng paggalit na Para bang may pinaparating.
"Kahit kailan Hindi nasayang ang mga taong yun, dahil ikaw ang minahal at pinagkatangahan ko alam mo yan handa ako maghintay." Lumuluha Kong sabi.
"Bakit mo sinasabi yan? ITIGIL MO NA KASI ITIGIL MO NA OKAY? Masyado nang matagal Hindi ba?"
Galit na galit mong sabi. Ano ba ang ipinaparating mo? Ano yang sinasabi mo? Naguguluhan na ko. Tama na masakit na."Itigil mo na, Hindi ba masakit na? Tama na to. Itigil mo na okay? Wag ka na magsalita itigil mo na." Seryoso mo pang dagdag. Ano ba talaga? Bakit parang nagpapaalam ka na at Hindi na babalik?
"Matanong nga Kita, mahal mo ba ako? O kahit minsan lang minahal mo ba ako? O Hindi? Sagutin mo."
Tanong ko sayo Ng dahan dahan.Tumingin ka saakin sa Mata at sinabing,
"OO,
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.DI KITA MAHAL. Kahit kailan Hindi, pinaasa Kita, niloko Kita, OO,DI KITA MAHAL." Sabi mo at iniwan na akong tuluyan.
Masakit umasa. MASAKIT-------------------------
Para sa mga paasa:
"Wag mong paasahin ang Tao na umaasa sayo lalo Nat kung mahal na mahal ka nito" "Umasa ako na may pag-asa yun pala tatalikuran mo lang."
Para sa mga umaasa:
Note to yourself:
WAG KA NANG MASYADONG UMASA. Or WAG KA NA LANG MUNANG UMASA. Masakit diba?"Wag ka nalang umasa Ng umasa. Uso din magtanong at makiramdam."
-----------_--------------
Salamat sa pagbabasa!