Case 1-i (School)

75 6 0
                                    

8/20/20   10:32 AM

"Tumahimik ka! Wala kang karapatang pagsabihan ako ng mga bagay na ako ang namumuno! Isa kalang hamak na tauhan!"

"Haha, wala akong pakealam kung sino kaman! Dahil aalis na ako sa grupong ito!"

"Gawin mo ang gusto mo, hahayaan ka namin! Pero kapag gagawa ka ng bagay na hindi kanais-nais! Ikasisisi mo yan!"

Huling sigaw ng boss ko sa akin, oo gaya nga ng sinabi niya, wala akong pakialam, isa lang akong tauhan, pero sobra naman ata ang ginagawa nila sa mga tao, nambibiktima sila ng mga inosente para lang sa sarili nilang kapakanan, hindi ito makatarungan.

Umalis ako sa HQ ng Gang namin at umuwi, hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko ginagawa ang bagay na ito.

Ako nga pala si Luke Martes, tatlumpot-apat na taong gulang, may isang anak na kami ng asawa ko, si Mizu Martes, labindalawang taong gulang, ang nanay ni Mizu, o ang asawa ko ay namatay nung ipinanganak si Mizu.

12:21 PM

"Dad, ang aga niyo po ata?", tanong ni Mizu sa akin

"Papasok ako sa Galia University, kailangan kong makahanap ng bagong pagtatrabahuan anak", sabi ko kay Mizu, sa Galia University din nag-aaral si Mizu.

"Hala dad! Mag-aaral po kayo?', inosenteng tanong ni Mizu

"Hindi, magtatrabaho ako doon, kahit janitor lang o hardinero, guard ba o tagabantay sa canteen", hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko nababantayan si Mizu, baka madamay pa siya sa gulo. Hindi kasi alam ni Mizu na myembro ako ng isang gang.

"Bakit dad? Diba nagtatrabaho ka na sa isang kompanya?", tanong niya

"Ah eh, nabankrupt kasi ang kompanya anak, at kailangan ng magbawas ng trabahador ang kompanya, at isa ako sa mga napiling matanggal, kailangan ko agad makahanap ng trabaho para sayo", ansabi ko nalang

Tumango lang naman siya at bumuntong-hininga.

Bukas na bukas kailangan kong umapply sa Galia.

-----
8/21/20   8:28 AM

Nasa Galia na ako ngayon, total may experience naman ako sa kahit anong trabaho, noon nga eh halos lahat ng sidelines ginagawa ko, ang kailangan ko lang gawin ay kombinsihin ang principal ng paaralang ito.

"Dad sigurado kaba dito? Ambilis naman ata kung ngayon din agad-agad ay pwede ka ng matanggap?", tanong ni Mizu

"Magtiwala ka sakin Mizu, hindi ka ba nagtitiwala sa daddy mo?", tanong ko

"Naaah syempre meron dad! Haha sige pupunta na ako sa classroom ko sa fourth floor", sabi niya sabay halik sa pisngi ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mystery LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon