Chapter 3

3 0 0
                                    

(Bae Suzy Photo Above)

(Chloe's POV)

Okay naman ang first day ko as a transferee at ng mga kaibigan ko dahil dito naman sila nag-aaral. Ako lang naman ang trasferee. Close na kasi kami nila Yannie, Anicah, and Ron kaso nag migrate ako sa Korea, actually ako lang kasi naiwan dito yung bussiness ni mama kaya tumira lang ako sa Korea sa lola ko and duon ko tinapos ang pag-aaral sa elementary hanggang 3rd year high school at ngayong summer lang uli ako nakabalik ng Pilipinas. 

Well sabi ko nga, okay naman ang first day ko except sa Ken Sky Scott na yun. Akala mo naman, kung sinong gwapo, tss. Well gwapo naman siya, kaso ang pangit naman ang ugali. Tsaka sabihan ba naman akong cheap? Mas cheap siya, lalo na yung ugali.

Andito na ako sa bahay. Hindi na muna kami namasyal kasi first day pa lang naman siguro sa susunod na lang. And nandito lang ako sa room ko, wala naman kasi kaming klase kase normal naman talaga na tuwing first day, eh pakilala lang at ang mga lesson for the whole year. 

Ma'open nga facebook ko.

123 Friend Requests * 56 Messages * 99+ Notifications

Hayaan ko nalang ang notifications, mapunta nga sa chat. Sino to ang isang nag message request sa akin?

KEN SKY SCOTT: Hoy Park.

Aba't ang bastos talaga ng lalaking to. Tingnan natin.

KRISLYN CHLOE PARK: Hoy Scott huwag mong murderin ang napakagandang apelyido sa balat ng lupa. Pero nakalimutan ko pala, mukha mo pa lang mukhang mamamatay tao na. HAHAHA
KEN SKY SCOTT: Hoy Park ako ang pinakagwapong nilalang na nabubuhay sa mundo. Alam mo bang nung umulan ng kgwapuhan eh gising na gising ako kaya sinalo ko lahat. Eh ikaw? nang umulan ng ganda eh tulog ka kaya yan tuloy ang panget mo. HAHAHAHAH ang dami kong tawa.

KRISLYN CHLOE PARK: Hanapin mo pake ko. My middle finger salutes you. ./.

KEN SKY SCOTT: Aba't. Lintek lang ang walang ganti. Makikita mo bukas.

Hindi na ako nagreply kasi sa kanya kasi wala naman akong pake. Ako pa takutin non. Asa siya. Ang yabang talaga, akala mo naman kung sinong gwapo eh nuknukan naman ng suplado. Hays matingnan nga ang friend requests. Hindi ko naman kilala yung iba pero may taong nakakuha ng atensiyon ko.

Ken Sky Scott

Accept * Decline 

Pinindot ko ang Decline. Asa pa siyang maging friend kami sa facebook no. Hays makatulog na nga lang.

(Ken's POV)

K-R-I-S-L-Y-N C-H-L-O-E P-A-R-K. Humanda ka talagang babae ka.  Hah, at hindi mo pa ako kilala. Tingnan natin yung hanggang saan ka dadalhin ng kayabangan mo. Mali na kinalaban mo ang isang Ken Sky Scott.

Naalala ko naman kanina yung napag-usapan naming apat sa tambayan. 

*Flashback*

(Sa Tambayan)

"Drake ano nga pala ang pag-uusapan natin?" sabi ni Chad habang kumakain ng cookies.

"Malamang magpapatulong yan para maka diskarte kay Yannie." sabi naman ni Kean na kung magsabi parang may kasalanan si Drake. Tss.

"Natumpak mo Kean. Tulungan niyo naman ako. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng chance na pormahan si Yannie kasi ngayon lang naman tayong walo magkaklase except kay Chloe na transferee."

"Ako rin. Tulungan niyo rin ako kay Anicah. Shet ayokong maunahan ng iba."

"Ba't ba gusto niyo ang mga yon? Ang papangit naman nun, lalo na si Chloe Park ba yun?"

Campus Princesses meets Heartthrob GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon