Chapter 5

2 0 0
                                    

(Kean's POV)

Hi! I'm Kean Dale Lim. Aware naman kayo siguro na gwapo ako? De joke lang.

Hindi ko maiintindihan si Ken. Kaibigan ko si Ken kaya dapat mas naiinitindihan ko siya pero kahit anong pilit ko, hindi talaga eh.

Oo alam kong medyo may kayabangan ang kaibigan kong yun at daig pa ang babae kung mag ka PMS pero sobra kaya yung ginawa niya kay Chloe. First reason, ang babaw niya para gawin yun kay Chloe. Pangalawa, dapat hindi na niya pinatulan si Chloe dahil babae yun. At pangatlo, bawas pogi points yun dahil kaibigan ko si Ken at alam ng mga girls na kampi ako kay Ken. Dapat mabait na ako dahil oo crush ko si Ron Sierra Soo. Crush pa lang naman pero alam kong doon na rin yun pupunta kaya ngayon magpapakabait na ako. Good boy kaya ako :")

So anyway, nandito na ako ngayon sa parking lot at hinihintay yung tatlo dahil nga sabay-sabay kami kung pumasok sa room.

Habang hinihintay ko sila, nahagilap ko ang isang pamilyar na kotse. Hmmm, parang kilala ko tong sasakyan na to eh. Nagpark siya sa tabi ng kotse ko at bumaba at nakita ko si Ron. Kaya pala familiar. Kotse pala ni misis. Bumaba rin ako sa sasakyan ko at tinawag siya.

"Ron!" Humarap siya sakin at nilapitan niya ako.

"Uhmm? Kean right?"

"Wow ha. Parang hindi ka pa sure sa pangalan ko eh?"

"Hindi eh. Sinisigurado ko nga diba?"

"Yes. I'm Kean Dale Lim. Friend ni Ken." Sabay abot ng kamay ko kaso tiningnan niya lang. Pa hard to get pa. Amp.

Napahiya naman ako kaya binaba ko na lang yung kamay ko.

"Ah, ikaw pala ang kaibigan ng gagong yun." Bulong niya na narinig ko naman. -.-

"Hindi naman gago si Ken ah."

"Hindi pa gago yun eh grabe na nga yung ginawa niya sa kay Chloe."

"Hehehe. Hindi niya naman siguro sinasadya."

"Tanga ka ba o bobo lang? Hindi sinasadya? Eh mas malala pa sa sinasadya yung ginawa niya eh."

"Sorry naman. Di bale pagsasabihan ko si Ken na tigilan na niya yung pag-aaway niya kay Chloe."

"Ha? Ikaw? Duh asa pa. Alam kong kinukunsinte niyo ang pinang-gagawa nang kaibigan niyo."

"Hindi ah. Sinasabihan siya namin kaso ayaw niya talagang tumigil hindi kasi siya nakikinig sa amin."

"Ewan ko sayo Intsik ka. Una na ko."

"Uy sabay tayo."

"Bahala ka."

Yessss!! Bahala na ang tatlong yun. Lagi naman kami magkasama. Grab the oppurtunity ika nga nila.

Lumapit ako sa kanya at sinabayan siya sa paglalakad.

"Uhm. Kamusta na ba pakiramdam ni Chloe?"

"Well alam kong hindi. Pero mas ok na siguro nagantihan niya si Ken eh."

"Sorry talaga sa ginawa ni Ken ha. Sana hindi niya na gagantihan si Chloe."

"Hindi natin alam. Pero susuportahin namin si Chloe. Dahil bilang kaibigan namin nandito kami para sa kanya."

"Hehehe. Ang sweet mo naman."

"At tsaka nasa tama si Chloe. Pero kung nasa mali naman siya, pagsasabihan rin namin siya."

"Yun. Yun ang pinapaintindi namin kay Ken dahil mali talaga siya."

Galing talaga ni misis. Mabait siya, mabait rin ako. Maganda siya, pogi rin ako. Bagay na bagay.

Campus Princesses meets Heartthrob GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon