Biro

12 1 1
                                    


May ginahasang dayuhan sa isang siyudad sa timog. May mga nagluluksa, at may lalaking galit na galit sa harap ng telebsiyon. Napapaligiran siya ng mga mikropono. Sa oras na iginugol niya sa panonood, ang natandaan lamang ni Bong sa kanyang talumpati ay ang linyang tinawanan nang lahat.

"Ang ganda niya eh, dapat si Mayor ang nauna."

Ang pagkakatanda ni Bong, isang krimen ang panghahalay. Sa pagtawa ng lahat, naisip niya na baka hindi naman ito ganoon kabigat. Baka kapatapatawad? Nangyari naman na, wala nang magagawa pa ang atoridad at hindi na ganoon kabago ito sa balita.

Tumatak iyon sa isipan ni Bong.

Simula din noon, magkadikit na ang salitang 'maganda' at 'gahasa' sa munti niya pagiisip. 

Nakita ulit ni Bong ang matanda. Ngayon naman, bigla itong nanghalik ng babae sa balita. May isang nagpaliwanag na parte daw ito ng isang kultura at maaring makita bilang isang biro.

Tumawa ang ama niya.

Tumingin siya sa telebisyon, tumatawa din ang nagpaliwanag.

Muli uli niyang binaling ang tingin sa natatawang tatay.

Ang paghalik pala ay parang paghawak ng mabaho at pagpapaamoy ng kamay sa kalaro, para pala itong pagtatago ng gamit ng kaklase na ilalabas mo lang kapag malapit na siyang umiyak. Simpleng laro. Simpleng biro.

Tinandaan iyon ni Bong.

Simula noon, sa hindi niya sinasadyang mga pagkakataon, dinadahilan ni Bong na biro lang ang lahat kapag may nagagawa siyang ikinagagalit ng iba. 

Madaling lusot. Tinatanggap pa ng nakakatanda.

May isang panayam na ipinalalabas sa balita. Mag-isa lamang nun si Bong sa salas. Dumalaw kasi ang iba nilang kaanak. Walang magawa noon si Bong, wala siyang kalaro, wala siyang bagong laruan, at bawal din naman siyang lumabas. Binuksan na lamang niya ang t.v para may marinig na ingay.

Isinandal ni Bong ang likod sa sandalan at tumingala. Ipinikit niya ang mata. Bakit kasi hindi isang batang lalake na kaedad-an niya ang anak ng bisita nila. Bakit isang batang babae pa na walang ginawa kundi maglaro nang manika.

"I lifted the blanket... I tried to touch what was inside the panty..."

Nagulat si Bong, hindi naman ito naipaliwanag nang maigi pero natatandaan niyang hindi dapat ginagawa ang bagay na iyon. May mga bagay na hindi dapat hawakan or galawin. Pero pinanood ni Bong ang mga nakapaligid sa matandang nagtatalumpati. Wala namang nagalit.

Kiniliti nang pahayag ang pagkausyoso ni Bong. Ano nga ba ang nasa loob ng panty? Bakit ninanais ng matanda na silipin. Naalala ni Bong si Clara na nakaidlip sa kwarto ng Mami at Dadi niya.

Wala naman silang kasama, lahat asa labas at nagkekwentuhan.

Walang makakaalam.

Walang masama.

xxx

Tatlong dekada na ata ang lumipas, nilisan na ni Bong ang mundong ibabaw. Ang huling alaala niya ay ang rehas na tinitirahan niya kasama pa ang ibang bilanggong kagaya niya. 

Masikip, mainit, walang makain.

Pero, ang bilangguang kinalalagyan niya noon ay wala masyadong pinagkaiba sa kasalukuyan. Mainit. Wala pa ding makain. Subalit ngayon, hindi na sila nagsisiksikan.  May bago din silang kasama... 

Ang matanda sa telebisyon na madalas niyang mapanood. 

censoredWhere stories live. Discover now