May magkakaibigan kaming naimbitahan sa Linggo. Casual visit na sana'y mauwi sa panata. In God's name, may this symbolize the beginning of their relationship with Him.
Nakakataba ng puso, ang laki ng pagpapasalamat ko at nagagawa ko ang tungkulin ko.
"Iba talaga kapag nakilala na si Lord 'no?" sabi ko kay Machi.
"Oo, super blessed natin bhe, isa tayo sa mga magmimission sa L.A! Grabe, very fulfilling talaga na isa kang faithful disciple."
Nagtuloy ang kwentuhan-- sa mga magiging plano namin sa L.A, mga churchmate na kikitain, mga unfinished task sa church, hanggang sa napagusapan na namin si Ivan.
Si Ivan yung dati naming kasama mag worship, pero nung umaming may boyfriend at napagsabihan ng pastor namin, bigla nalang 'di nagparamdam.
Naiintindihan ko naman na hindi napipigilan ang damdamin. Pero, wala kasing mas lalakas pa sa pag-ibig ng Diyos. Malinaw kung ano ang tama, at mali.
Sana talaga, bumalik na si Ivan.
"Tignan mo tong si Ivan, may oras mag facebook pero walang oras sa church. Laging busy."
Sinilip ko ang newsfeed ni Machi. Isang mahabang naka all caps na post ang nakita ko. Nakakatamad basahin. Sa dulo mayroong hashtag na #MarcosNotaHero.
"Lam mo, minsan, di ko na din alam saan ako maniniwala." Sabi ni Machi.
"May nabasa akong, fake naman yan. Like, behind the scenes, hindi lang nakita how Marcos really improved our country. Manipulated ng Aquino ung naipasang information on textbooks."
Tumango-tango lang si Machi. Tanong niya pa, "Pero diba nung nakaraan lang guilty si Imelda ng corruption?"
"Di ko sure eh. Pero pakana pa din ata ng mga Aquino."
"Ahhh, okay. Pero ayun, sana bumalik na si Ivan 'no?"
"True."
Naputol na ang aming usapan.
Pag-uwi, habang nagpapalipas ng oras sa higaan, bigla kong naisip isearch ang Facebook ni Ivan. Umuulan ng mga kwento tungkol sa mga "biktima" noong martial law.
Tsk. Mga uto-uto. May mga tao talagang ang daling mapaniwala.
Madalas naming mapagusapan nila Lola kapag dumadalaw ako sa kanila. Buhay na sila nung mga panahong yun. Nagttrabaho. Mga sumusunod sa batas.
Ang mga namatay lang naman nun ay mga terorista.
Nagmessage ako kay Ivan. Pinaalala ko kung ano ang tungkulin namin bilang mga alagad ng Diyos. Inimbitahan ko na din siya sa magiging activity namin ngayong Linggo.
Tinapos ko ang gabi with my devotion.
Ako'y asa isang madugong kwarto.
Ang sakit-sakit. Hindi ko masikmura kung ano ang ginagawa nila saamin.
Bakit? Mas nakaramdam pa ng kapayapaan ang hayop na kinatay para ilatag sa palengke.
Paso. Pagpunit ng balat. Nakakapasong lamig. Pambababoy.
Ano ba ang ginawa namin para matanggap ang ganitong pangmamaltrato?
"Putangina ka ah, sabi namin sa inyo sumunod kayo sa batas..."
Sa isang iglap, nagising ako sa kinalakihan kong silid at higaan.
Bangungot pala.
Muli akong nagdasal, sa pagbulong ko ng panalangin, naglaro saaking isipan kung ano ang pakiramdam ng mga taong isinabuhay ang bangungot na yun.
Napailing nalang ako. Hinditalaga magandang nag-babasa ng toxic things bago matulog.
"Amen."
YOU ARE READING
censored
Short StoryTopics we wish are discussed during family dinners. Issues we wish that are given attention. Controversies that we need to put light on. CENSORED, snippets of the whispered stories that we need to act on.