WARNING: SPGHabang nag mamaneho ako ay wala namang tigil sa pag ring ang cellphone ko,Nakailang beses na itong nag ring pero hindi ko ito pinapansin.
Alam kong si Dad lang yun kung hindi naman ay si kuya na nakahanda nang mag sermon sa akin.
Mag aalas nuebe na ng gabi,sinadya ko talagang umuwi ng ganitong oras para sana pag uwi ko ay wala pa si dad sa bahay at hindi na ako maaabutan.
Pero mukang nag kamali ako dahil simula kaninang alas singko ay tumatawag na sila,kung hindi si kuya ay si Daddy. Nag text sa akin si kuya na umuwi ng maaga si dad kanina.
Mukang hindi sila titigil hanggat hindi ko ito sinasagot pero dahil matigas ang ulo ko ay hindi ko ito sinagot maski isang beses man lang.
Nang malapit na ako sa subdivision namin ay wala akong kabang nararamdaman pero nang makapasok na ako at bumukas na ang gate namin ay doon ko naramdaman ang kaba ko.
Alam kong inaantay nila akong makadating kaya naman nang makapag park na ako ay domoble pa ang kabang nararamdaman ko.
Alam kong may hindi magandang mangyayari pero nakahanda ako kung ano man iyon,alam ko ring may kasalanan ako kaya kailangan kong harapin lahat ng kagaguhang ginawa ko.
Nang makapasok ako sa loob ay isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko,Sobrang lakas non na animoy namanhid ang buo kong mukha.
Pero kahit na anong sakit non ay ni isang patak ng luha ay walang tumulo galing sa mga mata ko.
Pagod na akong umiyak ubos na ubos na....
Nang mahimasmasan ay tsaka ako dumiretso ng tingin sa taong may gawa non at nakita ko ang ama kong namumula na sa galit.
Katabi niya si kuya na blanko ang mukha,Nasa tabi din nila si mommy na mahahalata sa mukha ang pagka dismaya sa akin.
"Congratulations" sarkastiskong bati ng aking ama.
"Sasabunin niyo ba ako? Pakibilisan nang mabanlawan ko na" pabalang kong sagot.
"At talagang! You are a bullshit Bia! Ikaw ang mali kong nagawa sa mundong ito! Ikaw na ikaw lang! Nag sisisi akong anak kita!"
"All this time you're being THAT girl na minsan hindi ko naimagine sa utak ko! If you think na hinding hindi ko malalaman kagaguhan mo nagkakamali ka Bia! nagkakamali ka!"
"Sobrang dismayado ako sayo! Hindi ko alam anong gagawin ko nung malaman ko ang kababuyan mo! Ang bata bata mo pa Bia! Hindi kapa nakakapagtapos sa kurso mo! Sisirain mo ba talaga ang buhay mo?!"
"Wala ka na bang pakealam sa pagkatao mo? Ganyan kaba ka desperada ha! Wala ka nabang natitirang respeto diyan sa sarili mo hah?! Wala kang delekadesa!"
"Umalis ka dito,ayokong makita ulit yang pag mumuka mo puno ka ng kahihiyan sa buhay ko,mabuhay ka mag isa wala akong pakealam sayo!"
Galit na galit akong tinalikuran ni dad,aakyat na sana siya sa hagdan nang magsalita ako.
"Salamat..." I said.
Lahat sila ay gulat na napatingin sa akin,Taka akong tinignan ni mom at ni kuya pero lalo lamang nagalit si dad nang marinig ako.
"Sumusobra ka na talaga ano pabang gusto mo-"
"Ito...Salamat,Salamat dahil sa hinaba haba ng panahon ngayon niyo lang ako napansin"
And just like that,I left them without hesitation.Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero nag maneho lang ako ng tuloy tuloy.
Huminto ako sa pag mamaneho nang may makita akong dagat,Bumaba ako sa kotse at pumunta sa tubig.
BINABASA MO ANG
Trapped into you
RomanceWas it really possible? That from one night... Turn into thousand nights... That from one night with her... Turn into be with her for life... That from our body needs... Turn into love?