"Ayoko naaa!"
"Bakit mo ako ginaganito?!"
"Ansakit sakit ng ginawa mo sa akin!"
"Pero diyan ka masaya kaya gusto kitang hayaan kaso ansakit-sakit"
"Bakit ikaw pa kasi?! Bakit?!!"
Sigaw ko dahil sa sakit at lungkot na nararamdaman ko ng mga oras na ito. Hindi ko alam ang mararamdaman sa mga nangyayari. Wala na akong gustong gawin kundi mag pakalayo-layo. Nagpaka-lasing nalang ako dahil sa nangyari.
"Ano ba yan?"
"Ang ingay niya naman"
"Baka hiniwalayan ng jowa"
"Baka nga!"
"Jusko kababaeng tao nagpapakalasing"
Bulong ng mga taong kasama ko na naka-pila sa bus station. Nakalimutan kong may mga tao pala. Hindi ko na pinansin ang sinabi nila at pumikit nalang para mag intay na dumating ang susunod na bus at maka-sakay nadin ako dahil ang haba ng pila dito sa bus station. Salamat nalang at naka upo ako at hindi naka tayo para pumila.
"Ne! Ne! Ne! Hoy babae?" Rinig ko sa isang lalaki na tumatawag sa akin na may kasamang pag tapik sa balikat ko
Napa dilat ako dahil dito at sinabing
"Bakit p—"
"Sumakay kana at baka maunahan kapa ng iba" sagot agad nito sakin.
Bigla akong napa-tayo at iniayos ang aking buhok sa sinabi ni kuya
"Ah, salamat po" sagot ko
"Sige pasok kana sa loob" sabi ni kuya
Mukha siyang nagta-trabaho dito sa bus station.
Pagka-akyat na pagka-akyat ko dito ay naghanap ako ng pwesto kung saan wala pang naka-upo. Nakahanap agad ako at umupo sa tapat ng bintana.. Hindi kaya ako masusuka nito? Aircon pa naman to.
Ramdam ko padin ang hilo at pagiging lunod ko sa alak
Bigla naman may umupo sa tabi ko maya maya kaya napatitig ako sakanya hanggang sa mai-ayos niya ang pagkakaupo niya.
"Bakit?" Sabi nito sabay titig sakin
"Ano? Bakit din?" Pagkakasabi ko ng hindi nag iisip at bigla akong umayos ng upo para maiglip
Hindi nadin siya sumagot sa sinabi ko.
"Ate! Miss!!" Sabi ng isang lalaki. Puta bakit ba lagi nalang akong ginigising.
"Bakit ano na naman!" Sigaw ko
Napatingin sa akin ang katabi ko pati nadin ang kundoktor na tumatawag sa akin...
"Bayad mo ho!" Sabi sa akin ng kundoktor
"Ha?" Sagot ko dito ng may pagdududa
"Bayad niyo po kailangan ko" sabi nito ulit
"Eh? Nagbayad na ako sainyo bago ako umakyat ha? Niloloko niyo ba ako?" Sabi ko, dahilan ng pag tingin sa akin ng katabi ko.
"Hindi pa ho" sagot sa akin ng kundoktor
"Aba niloloko niyo ba ako? Nagbayad na ako pagakyat ko kasi siningil niyo ako dito sa upuan ko
"Nag bayad na daw po pala siya" sagot ng katabi ko
"Hi-hindi pa nga, wag po kayong maki alam" Sagot ng kundoktor
"Sige ayaw mo maniwala ah, eto yung ticket ko.. teka..." Sagot ko at agad hinanap ang ticket ko
Dahil sa alam kong nag bayad ako ay hinanap ko yung ticket.. ngunit wala sa akin. Alam kong nag bayad ako pero wala akong ebidensiya
"O-o-oh diba wala kang maipakita?" Sabi ng kundoktor
Napa hinga nalang ako ng malalim at naisipan na mag bayad nalang dahil sobrang pagod na pagod na ako sa nangyari sa akin ngayon kaya ayoko ng may dumagdag pa
"Kuya sure ka ba talaga na hindi pa siya nag bayad?" sagot ng katabi ko
"O-oo! Oo naman!" Sabi naman ng kundoktor
Napa hinga ang lalaki na parang nag aalangan
"Oh ayan mag babayad nalang ako" iaabot kona sana ang bayad pero..
"Teka! Sure kaba na nag bayad kana?" Sabi sakin ng katabi ko
"Lasing yan si ma'am pano niya maaalala" sabat ng kundoktor
Napatitig ako sa kundoktor ng masama pero tinitigan ko ulit yung katabi ko
"Oo nagbayad ako.. pero ayan kunin mona to kuya" sabay abot ulit ng bayad pero hinatak ulit ng katabi ko yung pera pabalik sa akin
"Sure siya kuya" sabi ng katabi ko
"Hi-hindi nga siya nag bayad! Kulit mo" sagot ng kundoktor
Nabwisit na ako kaya iniabot kona ulit at nag salita
"Ayokooo naaa... Kunin mo na to please lang, gusto kona tumahimik yung buhay ko" sabi ko
Kaya wala ng nagawa ang katabi ko at kinuha nadin ng kundoktor yung pera na bayad sa akin at binigay ang ticket na iwawala ko din naman ulit.
"Something's off" bulong ng katabi ko sa sarili niya pero rinig ko din naman
BINABASA MO ANG
I'M A FAN OF A MARRIED IDOL
RomancePaano kung ang pinaka hinahangaan mong tao na nagpapasaya sayo ay isang araw ay i-reveal sa buong mundo na siya ay engaged sa taong nagpapasaya sakanya. Ano ang magiging reaksyon mo? Ano ang gagawin mo? Paano ka mag mo-move on? Talagang mapapasabi k...