Chapter 1 (SKF)

53 0 0
                                    

November 14, 2000

"Talaga? Aalis na kayo dito? Sayang naman Josh. Hindi na tayo mag-kalaro," ani ko sa kaibigan kong naka bihis panlakad na. Suot niya ang sumbrerong bigay ng Daddy ko noong ikaw siyam niyang kaarawan.

"Oo nga eh. Hindi ko rin naman mapilit si papa," tugon ni Josh.

"Bakit nga kasi aalis pa kayo dito ng papa mo?Mawawalan na tuloy ako ng kalaro. Hindi naman kami mag kasundo ni Marc diyan sa tapat ng kabilang kanto" banggit ko habang nilalaro ko ang rubber band na suot ko.

"May mas malaking bahay daw dun sa Maynila. Mas maraming kalaro at masasarap na pagkain," ani Josh.

"Ah! Kaya pala. Oh, sige Josh. Dalhan mo na lang ako ng maraming laruan pagka uwi mo dito," sabay senyas ng high five sa kalaro kong tila nag mamadaling umalis. Bumubusina na rin ang si Tito Ren sa kanya kaya kinailangan niyang umalis.

Iyon ang kahuli hulihang nasabi ko kay Josh. Siya ang naturingan kong bestfriend. Pero aalis sila ng Papa niya patungong Maynila kung saan maganda raw ang buhay. Pero hindi na rin napigilan ang pag alis ni Josh. Sa mga sandaling iyon, nalungkot ako dahil naalala ko ang mga araw na kalaro ko siya at napaisip ako sa mga pagkakatong iyon kung sino na naman ang magiging bago kong kalaro.

Tree house and dating tambayan naming ni Josh. "Hide" ang tawag naming sa maliit na barong-barong na iyon. Pinagawa namin iyon sa sarili naming mga ama bago pa pumanaw si papa dahil sa diabetes. Nagsilbi na rin iyong ala-ala ni papa para sa aming dalawa. Tuwing Sabado, pagkatapos naming mag siesta, nag sisidala kami ng mga kakanin namin at mga sarisariling naming mga laruan doon.

Mag aalas dies na nang tumayo ako sa kinauupuan ko sa Hide. Nababagot na rin ako kakalaro ng game boy kung kaya't nag isip ako ng mga bagay na pwede kong magawa.

Sumilip ako ng bintana.

Nalanghap ko ang hangin na nagsasabing papalapit na ang pasko. Lalo kong naalala si papa at lahat ng mga mga bagay na nagagawa namin pag pasko. Lalo akong nalungkot dahil ang tanging nagging kaibigan ko ay umalis na rin. Taging si Mama na lang ang makakasama ko sa pasko.

Ngunit, nawala ang lungkot ko ng may makita akong di kilalang kotse sa tapat ng dating bahay nila Josh. Nagtaka ako.

Ilang minuto ang lumipas at bumaba sa kotse ang pinakamagandang bata na nakita ko sa buong buhay ko.

Hindi ko pa alam ang kahulugan ng salitang pag-ibig noon pagkat bata pa ako. Pero batid kung may konting pagkagusto ako sa kanya. Sampung taong gulang ako noon at ano pa ba ang aasahan mo sa mga ganung edad.

Umihip ang malakas na hangit at humaplos ito sa kanyang mahahabang kulot na buhok at maputing balat.

Tinawag ko siya.

"Pst!" tanging nasambit ko pagkat di ko rin naman siya kilala noon.

Inulit ko dahil di niya ako naririnig.

"PST!"

Lumingon ang batang babae kasabay sa ihip ng hangin. Sumabay ang buhok niya rito at lumitaw ang kanyang mala anghel na mukha sa di kalayuan. Maitim at mabilog ang mga mata niya at mapupula ang bata niyang bibig.

'Anak mayaman' ang nasa isip ko.

Kumaway siya.

Sa hiya ko, nagtago ako pero naisip ko rin namang dumungaw ulit.

Laking gulat ko na lang at nandun pa rin siya, kumakaway at sa pagkakataong ito, nakangiti siya na dahilan para lumitaw ang mapuputi niyang mga ngipin.

Sumenyas ako sa kanya na umakyat siya dito

"Ano? Di kita maintindihan!" sigaw niya.

"Umakyat ka dito!" sigaw ko rin sa kanya.

Ngiti ang iginanti niya. Tumakbo siya sa Mommy niya at sa makakakita noon, malalamang humihingi siya ng pahintulot.

Tumango ang Mommy niya na hudyat para payagan siya. Humalik siya dito at bitbit ang stuff toy niang pink, dumiretso na siya patungong tree house.

Sulat kay FloranteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon