2

4.7K 231 14
                                    

MIRACLE POINT OF VIEW

It's been a month a Fucking one a hell month!

Kelan ba ako babalik geez! Now I'm only 1 year old! But I'm really 17 !

Gustong gusto ko Nang umalis sa kwartong ito na nag mistulang kulungan ko sa loob ng isang buwan, wala rin akong kakayang maglakad o magsalita kaya napaka-hirap yatang makatakas sa kwartong to.

sa loob ng isang buwan ko sa mundong ito natuklasan ko kung kaninong katawan ang katawan ko ngayon, at sa aking pagkabigla napunta ako sa katawan ni lady miracle Calista Phoebe Griffin. ito ang ngalan ng partikular na karakter sa panaginip ko. Ayoko man isipin na nasa mundo ako kung saan ang lahat ng nangyayari ay hindi totoo at panaginip lang, may tyansa parin na nasa panaginip ko nga ako. 

pero panaginip nga ba talaga?

or baka katulad nung mga nasa palabas na bumalik ako sa past?

pwede ring sa libro?

madaming posibilidad, na kahit imposible pwedeng mangyari katulad nalang ng nangyayari sakin ngayon.

at kung tama ang aking nahihinuha na nasa mundo ako kung saan isa akong antagonist sa love life ng prinsipe at step sister ko. at base sa panaginip ko mamamatay ako sa kamay ng sariling ama ng katawang ito. 

And im not letting that happen!

i need to make a plan to change my fate and bandly want to go back home.

nasa gitna ako nang malalim na pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang maid na nagaalaga sakin. 

Nang makita nila akong gising na,  tila may katanungan sa kanilang isipan habang nakatingin sa akin . Siguro dahil hindi kumikibo sa kanilang pag-dating.

Noong nakaraang pagbisita nila sa akin narining ko ang kanilang usapan na himala raw na ako ay nanatiling buhay. Dahil sa hindi malaman na dahilan halos isang linggo daw na may sakit ang katawan kong ito at bago ako magising sa katawang ito, tumigil daw ang aking paghinga na hudyat na patay na dapat ako. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan bumalik ang patibok ng puso ng katawan na ito na para bang walang nangyari.

At isa pa sa aking mga nalaman ay kasalukuyan pala akong nasa south mansion kung saan limitado ang aking paglabas, limitado rin ang pagpasok ng mga tao rito . Dahil ito ay mistulang tapunan ng mga bagay na inabandona ng mga griffin .

So sa madaling salita isa akong inabandonang anak. 

Bumalik ako sa pagiging alerto ng maramdaman ko ang palapit ng dalawang nagaalaga sakin.

"Good morning lady Phoebe" nakangiti nyang sabi ang pag kaka-alala ko ang pangalan nya ay miya ngumiti lang ako sa kanya. na nag palawak Nang ngiti kanyang ngiti.

"Ang ganda ganda mo talagang bata ka "sabi ni miya bago ako kinarga upang painumin ng gatas na hanggang ngayon Hindi ko parin gusto pero wala akong magagawa dahil wala pa akong kanyang kainin kundi ito

"Sana Hindi ka lumaki na katulad Nang iyong Ina"  sabi nya na ikinagulat ko dahil sa aking panaginip hindi manlang sya lumitaw sa kahit anong eksena. kahit ang ngalan nito ay hindi nabanggit.

" Nais kong ikwento sa iyo ang iyong pinagmulan kahit ito ay mahigpit na ipinagbabawal ng duke, ngunit hindi mo rin naman maiintindihan ang aking mga sasabihin kayat nais kong ikwento ang bagay na ito sa iyo." sabi ni miya na nag pagulat sa kanyang kasamang maid

"Miya, alam m- " Balak nitong pagpigil kay miya.

" Hindi  ko alam ang buong istorya at mga detalye ngunit isa ang alam ng lahat. Nag taksil ang duke sa kanyang asawa , at ikaw ang ang bunga ng pagtataksil ng duke kasama ang iyong ina . Noog nalaman nang lahat ang tungkol dito wala ng nagawa ang duke kundi gawing second wife ang iyong ina. At sa araw ng kanilang kasal doon rin inanunsyo ang pagdadalang tao ng totoong asawa ng duke." Mahinahong pagkwento nito, ngunit may bahid na lungkot sa kanyang mga mata.

abandoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon