Chapter 1

5 0 0
                                    

Krystal's POV

Namimiss ko parin si mama kahit na tatlong buwan na simula nung nawala siya.

Anong oras na kaya? Gusto ko na umalis nang mabisita ko na si mama at malagyan ng bagong mga bulaklak at kandila ang kanyang burol.

"Miss Gonzales..."

Magkano pa ba qng natitura  kong pera?

"Miss Gonzales?

Pwede pa ata ito, sakto lang hanggang pang pamasahe pauwi.

"Miss Krystal Anne Gonzales, are you listening?" pasigaw na tanong ng class adviser namin.

"P-po?" pagulantang kong sagot.

"I have been calling you for the fifth time now, are you even with us?"

Tumingin ako sa paligid, lahat ng mga kaklase ko ay nakatitig na saakin. Ang iba ay umiiling iling pa, at ang iba ay halatang nagpipigil pa ng tawa.

Hindi ko rin napansin pero bakit ako nakatayo? Takte nakakahiya ka talaga Krystal.

"I'm sorry po ma'am" nahihiya kong sagot.

Napabuntong hininga na kang ang class adviser namin sabay sabing "Pinapatawag ka sa Principal's Office".

"Oh..." sabay sabay na hiyaw ng aking mga  kaklase.

"Okay po, ma'am." sabi ko sabay tayo sa upuan ko at labas ng room namin.

Bakit naman ako gustong makita ng Principal namin? Wala naman ginawa at consistent honor student naman ako. Hala! Ganito ba kabilis kumalat ang chismis na lutang ako sa klase namin kanina? Jusko, huwag naman sana.

Nanlalambot na ang mga tuhod ko. Sige Krystal kaya mo 'yan. Ang kailangan mo lang naman gawin ay kumatok, pumasok, sagutin ang mga tanong niya, at umalis.

Simple lang naman diba?

Pero bakit parang hinde?

Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto.

"Miss Gonzales, have you been standing there the entire time? Come in."

Sumunod ako sakanya sa loob sabay upo sa bakanteng upuan na nasa harap ng kaniyang desk.

"If you're asking as to why I called you here, don't worry, this is no bad news." nakangiting sabi ni Principal.

Masyado bang halata na kinakabhan ako? Pero buti nalang sabi ni Principal na "no bad news" ibig sabihin wala akong kasalanan at hindi ako pinatawag upang pagalitan o parusahan.

So bakit niya ako pinatawag?

"So bakit niyo po ba ako pinatawag?" ngiti ko pabalik.

"Open it" sabi niya sabay abot ng puting envelope.

Okay? Ano nanaman kayang pakulo ito? Pero infairness, ang sosyal naman ng envelope na 'to, may pa red stamp pang nalalaman.

Teka...

Pamilyar ang seal na ito ah.

Dali dali kong binuksan ang envelope uoang kumpirmahin ang hinala ko.

"Congratulations, you have been granted a full scholarship to Adamson's University."

"Congratulations, Krystal. I know you've worked so gard for this. And now, all of your work has been paid off. We arw so proud of you."

Nakatulala parin ako, hindi makapaniwala sa nakikita ko.

"M-ma'am, maraming salamat po" naiiyak ako sa tuwa. Ang saya ko!

Tumayo na ako. Hahakbang na sana ako palabas ng pinto nang biglang may pumasok na dalawang lalake na naka suit.

"Oh, I forgot to tell you, you need yo leave now for your admission to Adamson's University. Your class starts on Monday." mahinhing saad ni Principal.

"Pero paano po ang mga gamit ko?"

"Everything that you'll be needing for your entire stay in the University has already been taken care of, Miss Gonzales." sabi ng isa sa mga lalaking naka suit.

"Pero..."

"Please follow us, Miss Gonzales. We are running late on schedule."

Wala na akong maggawa kundi ang sumunod sakanila. Sayang rin naman ang scholarship, kung andito lang sana si mama, sigurado akong matutuwa siya.

Teka, si mama!

"Kuya, kung okay lang po sana, pwede ho bang magpaalam lang ako sa nanay ko kahit saglit?" nagmamakaawa kong tanong.

"Okay, but you have to be quick. Our time here is numbered."

Sinabi ko na sakanila ang lugar at siyang kanilang agad tinunguhan.

Maya maya nakikita ko na ang pamilyar na daan pampuntang sementeryo kung saan nakaburol si mama.

"You have five minutes" tumango na lamang ako bilang sagot.

Palabo nang palabo na ang mga nakikita't dinaraanan kong mga puntod. Bawat apak na aking tinatahak ay unti unting bumabagal. Tila musika sa aking tainga ang huni ng mga ibon at ang pagbagsak ng mga dahon sa lupa.

At doon, nakita kong muli ang isang pamilyar na pigura sa di kalayuan.

"Mama, andito na po ako."

Ibinaba ko na sa kaniyang puntod ang mga bulaklak sabay tirik ng kandila.

"Mama, malapit na pong matupad ang mga pangarap natin. Biruin niyo po, nakatanggap po ako ng scholarship. Hulaan niyo po saan. Opo, sa Adamson's University po..." kung sana andito ka lang ma, sana nayakap ko na po kayo.

"...Libre po lahat ma, wala na po kayong popoblemahin. Tirahan, pagkain, may allowance pa po!" maligayang sabi ko habang pinupunasan ang kaniyang puntod.

Tila mas lumakas ang hangin na tila binibigyan ako ng yakap at halik sa pisnge. Napangiti ako.

"Mama naman, huwag naman ho kayong manakot." sabi ko sa gitna ng aking pagtawa.

"Mama, payag naman ho kayo diba?"

Mukha na akong tanga na kinakausap ang sarili ko. Pero alam kong nakikinig siya saaking ngayon mula sa itaas.

"Namimiss na po kita, ma. Mahal na mahal po ki-"

"Miss Gonzales, I'm sorry but we have to go". Pagpuputol ng isa sa mga lalaking naka black suit na kasama ko.

"Ma, mauuna na po ako, kailangan na po kasi naming umalis." sabi ko sabay tayo at ayos ng palda ng uniporme ko.

Agad na rin akong sumunod at sumakay sa kotseng sinasakyan namin.

Sumilip ako sa huling pagkakataon. Sinusubukang isaulo ang paligid at ang lugar kung nasan naroroon si mama.

"Ma, konti na lang po. Malapit na ako."

-----

YOU, My Dream. (ON GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon