Chapter 3

0 0 0
                                    

Krystal's POV

Ang sarap ng tulog ko...

Kinusot kusot ko muna ang aking mgaata bago tuluyang binuksan ang mga ito.

Tumingin muna ako sa orasan.

Alas sais na pala ng hapon.

Nagunat muna ako bago tumayo at dumeretcho sa harap ng cabinet para maghanap ng pamalit.

Ayon sakto! May maong shorts at black v-neck na t-shirt. Ito nalang ang gagamitin ko.

Sinukat ko na ang mga damit, pero ang creepy lang dahil kuhang kuha nila ang size ko. Nasobrahan ata sila pag background check.

Napailing nalang ako dahil ano ano na ang pumapatok sa utak ko. Nangilabot ako, pero slight lang.

Harap ako sa full length mirror katabi ng vanity table para tugnan ang itsura ko sa suot ko ngayon.

Parang may kulang...

Kumuha nalang ako ng brush para suklayan ang buhok ko.

Brush, brush, brush para mukhang presentable kahit papaano.

Bibitawan ko na sana ang brush pabalik sa lugar nito nang may nahagilap ang mga mata ko...

Make up?

Grabe na, kasama rin pala ito sa scholarship package nila?

Kumuha nalang ako ng pangkilay dahil nga kilay is life at naglagay na rin ako ng konting pulbo at lip gloss.

Perfect! No make up look!

Kumuha na ako ng white shoes mula sa shoe rack na nasa dulong bahagi ng kwarto malapit sa pinto.

Oo may shoe rack sis at puno ito ng iba't ibang klaseng sapatos. Mapa heels, school shoes, rubber shoes, sandals, boots pa man yan.

At syempre kuha nanaman nila ang size ng paa ko.

Binuksan ko na ang pinto at lumabas na ng kwarto at agad na nakita sina Christina at Kyla na nakabihis na rin habang nanonood ng TV sa may sala.

"Hi" bungad ko sakanila na nagdulot ng sabay na paglingon nila sa gawi ko.

"Thank God you're done na sa wakas. Let's go have some fun sa plaza." sabi ni kyla.

"Oo nga gutom na rin ako, feeling ko nabawasan na ako agad ng 3lbz sa sobrang gutom ko" reklamo ni Christina habang hinihimas yung tiyan niya.

"Sige, gutom na rin ako. Maglibot libot nalang tayo pagkatapos nating kumain."

Nasa plaza ma kami ngayon naghahanap ng stall ng mapagkakainan.

"Teka pala wallet ko naiwan ko yata sa kwarto, balikan ko muna." sabi ko habang kinakapa ang suot kong shorts.

"Nako Krystal, may cash kami ni Christina kasi nagclaim kami kanina ng allowance namin sa office. Libre ka nalang muna namin ngayon." tumango tango lang si Christina sa tabi niya.

"O-okay, salamat." bayaran ko nalang talaga sila pagdating sa apartment. Nakakahiya naman kasing magpalibre.

"Look, may barbecue stall! Tara doon tayo!" sigaw ni Christina habang tinuturo ang barbecue stall.

Agad na naming pinunyahan ang tinuro niyang stall at humanap ng table for three sa loob ng tent nila.

May lumapit agad saamin na waiter ng stall. Pero mukha rin naman siyang studyante dito. Hmmm siguro by club ang pagpapatayo ng stall?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YOU, My Dream. (ON GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon