UD Chapter 2

61 0 4
                                        

Bella's POV

One month na kaming magbestfriends ni Margaret. Hindi na ako nagkaroon ng ibang kaibigan kasi walang kumakausap sa aking iba.

"Bella, kain tayo sa parking." sabi sa akin ni Margaret. Marge na ang tawag ko sa kanya kasi nakakatamad ng Margaret palagi. Tawag naman niya minsan lang sa akin ay La.

"Sure" sagot ko naman.

--PARKING--

"Marge, ang init ngayon. Bilisan natin ha. Sa classroom na kaya tayo kumain?" sabi ko.

"Ayaw! Dito tayo, pleaseeee" sabi niya sa akin. Um-oo na lang ako sa kanya. 

Iba ang binili ko sa binili ni Margaret. Dun ako sa kabilang tindahan. Pagkatapos ko bumili nakita kong di pa rin nakakabili si Marge. Nagtago muna ako sa likod ng parang wall. Hehehe. Gusto ko lang makita yung mukha ni Marge.

HAHAHAHAHA!! Nakakatawa yung itsura niya. Paikot-ikot. Tapos parang nawawalang bata sa mall. Sorry naman, mababaw kaligayahan ko eh.

"Anong ginagawa mo dito?" may biglang nagtanong sa akin na lalaki. Nasa likod ko siya.

Hindi ako tumingin sa kanya kasi busy akong nanonood kay Marge.

"Pinagtitripan yung bestfriend ko." sabi ko pero nakatalikod pa rin ako.

"Ah.... Ano ba yan di ka manlang humarap para kausapin ako. How rude" sabi nung lalaki.

Aba naman! Siya nga yung epal dito eh. Humarap na lang ako sa kanya at nagulat ako. Siya yung lalaking tumabi sa akin dati. Shocks! Gwapo talaga nito. Tapos nalaman ko pa varsity siya ng soccer. At siya ang pinakamagaling, ayun yung nakita ko. Nung isang beses kasi niyaya ako ni Marge manood ng training ng soccer. Landi landi nung babaeng yun, haha. Dejoke. Lahat na kasi ng varsity ng soccer crush niya ata pero di naman niya kilala.

Di ko pa alam pangalan niya. Napangiti na lang ako para medyo magmukhang friendly naman ako para sa kanya pero friendly naman talaga ako eh.

Napansin ko lang, nagulat din siya. Lumaki yung mata eh. Bakit kaya?

Luke's POV

Nagulat ako nung humarap siya. Siya yung babaeng tinabihan ko. Yung may magagandang ngiti at mukha. Napatingin ako sa uniform niya. First year pa lang. Hmmmm... Paano na yan?

"Oh, ikaw yung babaeng tinabihan ko sa GYM nung first day of classes. Hindi kasi ako matanda para makalimot. By the way, I'm Luke and you are?" tanong ko sa kanya.

"Ah. HAHA!! Oo nga noh, ikaw nga yung tumabi sa akin. I'm Isa---" napatigil siya kasi may nagsalita biglang babae. 

"Bella! kanina pa kita hinahanap. Baliw ka talaga" sabi nung babae.

So, Isabella pala name niya. Ganda. Itong babae siguro yung bestfriend ni Isabella.

Napansin bigla ako nung babae at nagsabi ng "Oh, Hi!"  

"Sige Luke, bye" sabi ni Isabella. Nagwave goodbye na lang ako sa kanya.

Ang ganda niya talaga. Isabella, ang ganda parang siya. Okay! Sorry corny. 

Bella's POV

 Omg. Luke pala pangalan niya. Shocks! Nakipag-usap pa sa akin. Sino ba ang hindi kikiligin pero syempre pinigilan ko talaga yung sarili ko. Di kasi alam ni Marge na may crush ako kay Luke.

Pero kahit ganon, bastos siya ha! Wala manlang 'hi' bago magtanong sa akin kanina. Okay lang syempre yun! 

Nalaman ko na rin sa wakas kung anong year niya. Third year pala. Paano na yan? Mahihirapan ako tumingin sa kanya. Joke lang.

STALKER MODE,ON!

"Hoy Bella, kumain ka nga dyan. Mamamayat ka niyan, sige" sabi sa akin ni Marge. 

"Baliw" sagot ko naman sa kanya.

Nakakainis yun eh. May iniisip ako bigla bigla akong kakausapin.

After 5 hours

Dismissal time na. Biglang sumigaw si Marge.

"DISMISSAL NA!!" OA? Parang ngayon lang makakalabas ng classroom? Tinignan ko lang siya. Siya lang kaya sumigaw. 

"Marge, uuwi na ako ha. May gagawin pa kasi ako. BABUSH!" tumakbo na ako pababa ng stairs ng biglang...

*BOOG*

May nakabangga ako at natapunan pa ng ice cream ang blouse ko. Chocolate pa. Ughhh. Sino ba 'to?

"Oh nooooo!" napasigaw na lang ako. Tumingin ako dun sa nakabangga sa akin kasi sinabi niya name ko.

"Isabella, sorry talaga. Bakit kasi tumatakbo at di pa nakatingin sa dinadaanan. Ayan tuloy. Sayang ice cream ko" Sabi ni Luke. Siya pa ang may ganang magalit. Well, parehas naman kaming may kasalanan eh.

"Sorry naman" Ayan na lang nasabi ko at dali-dali na akong pumunta sa CR.

Nakakainis!!! Kung hindi lang kita crush, pinaguidance na kita eh.

Diba nga sabi ko kanina crush ko siya. Pero di nga alam ni Marge. Ang alam lang niya si Daniel Padilla ang crush ko.

Nilinis ko na yung blouse ko pero nagmantsa na yung chocolate eh .-___- Nagjacket na lang ako kahit mainit.

Lumabas na ako at nagtext kay mommy.

To: Mommy

Mommy, maglalakad na po ako pauwi ha. Pakitawagan na lang po si Kuya Leo. Thank you po. Muah!

Message sent

*ting*

May nagtext na. Si mommy.

From: Mommy

Sige. Ingat ha.

To: Mommy

Opo. Kayo rin po.

Message sent

Umuwi na ako at dali-daling pumasok sa room ko.

In-on ko yung laptop tapos nahiga sa kama.

IT IS TIME TO DO SOME RESEARCH. *evil smile*

Sinearch ko muna ang name niya sa facebook para malaman ko yung full name niya. Okay. It's Luke Martin Pierro.

Google. Sinearch ko na yung Luke Pierro.

Sikat pala family niya. May company sila eh. Tapos iba't iba pang website akong pinuntahan, 

Ang dami kong nakuhang info at pictures! *evil laugh*

Napatingin ako sa gilid kasi para akong baliw dito tumatawa mag-isa.

After ng aking research naligo na ako at kumain ng dinner.

Makikita ko ulit siya bukas ^_^

------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Kamusta naman? Hahaha!! After a week ko pa to pinublish eh. Okay lang, wala naman nagbabasa eh :'( Pero sana may magbasa diba.

UPSIDE DOWN ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon