UD Chapter 3

42 1 1
                                    

Bella's POV

"Isabella, ang ganda ganda mo talaga kahit nagagalit ka na ang ganda ganda mo pa rin" sabi ni Luke.

KInilig naman ako. Hahaha!! Totoo ba yun? Nagagandahan ba ang isang Luke sa isang Bella?

"A-ah. Thank you. Sige, baka hinahanap na ako ng kuya ko. Bye"

Ang awkward kasi kapag di pa ako umalis. Paalis na ako pero hinila bigla ni Luke yung kamay ko kaya napaikot ako sabay sambot niya sa akin. Yung position na parang sa dulo ng dance. A W K W A R D.

"Luke, kailangan ko na talaga umalis." sabi ko sa kanya pero di niya ako pinansin. Bastusan lang?

Nakatitig lang sa mukha ko si Luke tapos palapit ng palapit na yung mukha niya ng bigla siyang nagsalita.

"Ang ganda mo talaga." sabi niya. Kinilig na lang ako.

"Paulit-ulit?" sagot ko naman. SOBRANG lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Konting galaw na lang at boom mangyayari yung kiss. Ito na ng biglang......

"ATE! ALAM MO BA 7:00 o'clock NA?!" sumigaw si Danna. Uhh. Nakakairita talaga yung boses niya na pang-gising. Buti panaginip lang yun. Ayaw ko pa magkafirst kiss noh.

"Ate! Ano ba? Gising na!!!"

"Oo, oo, ito na oh. Tatayo na" dumiretso ako sa CR at syempre naligo.

--SCHOOL--

Oh, no. Absent si Margaret :(

Salita lang ng salita si Ms. about something. Di na ako nakinig, nagsulat sulat na lang ako sa notebook ng "Luke" iba't ibang design.

*RING*

Recess na. Bumaba na ako sa cafeteria para kumain syempre at nagdala na rin ako ng book. Ang maganda dito sa Astra, 1 hour ang Recess at 1 hour and 30 mins. naman ang lunch. Bumili ako ng food tapos naghanap ng table. Ang daming tao ngayon. Isang table na lang ang nakita ko. Nakakainis kasi e, yung iba 2 lang ang nakaupo sa 4-chair table. Yung iba naman 3. Eh di naman ako masyado nakikipag-usap basta basta sa mga tao.

Naupo na ako. After ko kumain nagbasa na ako. I still have 45 minutes.

basa basa basa basa basa ..............

"Ms., pwede ba kaming maki-upo? Puno na kasi lahat ng tables. Yung iba naman dalawa lang ang naka-upo. Eh tatlo kami isa ka lang. Sakto para sa isang table" sabi nung lalaki. Kailangan i-explain? Hahahaha!!

Nakayuko lang ako habang nagbabasa kaya di ko nakita mukha niya.

"Sure" sagot ko. 

Lumipat na lang ako sa kabilang upuan.

basa basa basa basa basa....

Ang tahimik nila grabe. Bigla silang nag-usap. Nakakabasa ba yung isa jan ng utak??

"Magpakilala kaya tayo para hindi naman awkward or kaya para di tayo magmukhang masasama" Boy 2

"Ikaw bahala" Boy 3

"Hoy, ikaw magsimula. Ikaw naman nagsabi" Boy 1

"Sige"  Boy 2

Nakayuko pa rin ako. Biglang.....

"Hi ms. Ako si Joshua" nagpakilala yung katapat ng katabi ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Hello, I'm Carlo" pakilala naman nung katapat ko. With matching smile pa ha nung nagpakilala siya. Tumingin din ako sa kanya at ngumiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UPSIDE DOWN ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon