9:30 AM
Nang makita ni Kert na merong kasamang babae si Dan napaisip siya bigla "hindi ka magugustuhan ni Dan sa ganda nung kasama niya saken tsaka mas mayaman at sikat yun kesa saken kaya wala akong laban dun"
" Kert para kang nakikipaglaban ng walang sandata kaya wag na wag kang maghahamon kung ayaw mong masaktan ok ba yun Kert?" Sabi ni Kert sa kaniyang sarili
" Ang dapat mong gawin magaral hindi makipaglandian" Kert
Papasok na si kert ng classroom ng bigla niyang makita si Dan at ung babaeng kasama ni Dan kanina kaya napayuko si Kert.
Umupo si Kert sa bandang harap medyo malayo kila Dan walang katabi si Kert dahil wala pa siyang masyadong mga kaibigan maliban kay Dan
Nang sumilip si Kert kila Dan may nakita siyang pamilyar na lalaki
Nakita niyang katabi nila Dan ung lalaking nakajacket kanina sa klase
"Kert wag mo na silang isipin aral muna bago landi" bulong ni Kert
3 Mins Later...
Nagulat ang buong klase ng biglang bumukas ng malakas ang pinto
At nakita nila ang napaka puti at sexy na babae at papunta ito sa upuan sa gilid ni Kert
"Hi Mister?" Random Girl
"Uhmm mister Huang" Kert
"Oh nice to meet you Huang BTW Im Lily Wang where the same surname but the spelling is not" Lily
" Can we be friends?" Tanong ni Lily
" Yeah sure" nandidiring sagot ni Kert
" Gaga dont worry hindi kita gusto ano maganda ba yung accent ko?" Tanong ni lily
" BTW nice outfit ha" Lily
" Gusto mo sayo na dami mong say eh" galit na sagot ni Kert kay Lily
Nahuli ni Lily na may tinitignan si Kert
" Gusto mo?" Tanong ni Lily
" Ah oo" sagot ni Kert
" Infairness bagay kayong dalawa ng tinitignan mo" kinikilig na sagot ni Lily
"Huh sinong tinitignan? Sa puno ako nakatingin" Gulat na sagot ni Kert
"Oh bat ka namumula" kinikilig na tanong ni Lily
"Hoy ikaw"
Nagulat si Kert ng marinig niyang sumigaw si Lily
"Hoy gaga wag ano ka ba isa Lily mamaya ka saken lily" galit na sagot ni Kert
Dali daling pinuntahan ni Lily sila Dan at...
Biglang natumba si Kert sa harap nila Dan at Kris habang hinahabol si Lily
"Ahh" bulong ni Kert
At naramdaman ni kert na may dalawang naka hawak sa kaniya pagkatingin niya nakita niya ang dalawang kamay nila Kris at Dan na naka hawak sa katawan niya
"Ok ka lng?" Sagot nina Kris at Dan
Sobrang pula na ni Kert ng mga oras na yun
"Ah oo naout of balance lang ako may nakaharang kasang bag" Nanginginig na boses ni Kert
Biglang hinila ni Kert si Lily palabas ng classroom
"Hoy ano bang pinagagagawa mo ha" galit na tanong ni Kert
"Bakit ano bang masama sa ginawa ko?" Galit na sagot ni Lily kay Kert
"Ha ginawa mo pero hindi mo alam? Inaasar mo ba talaga ako ha?" Galit na sagot ni Kert