12:00 PMTanghali na pero tulog padin si Kert samantalang ang kaniyang mga kaibigan na sila Kris, Dan at Lily ay kumakain na ng tanghalian hindi muna nila ginising si Kert dahil baka pagod pa si Kert sa nangyari kagabi
Makalipas ang ilang minuto nagising na si Kert dahil narinig niyang may tumatawag sa kaniya kanina pa kaya nagising siya sa ingay
"Hello?" Inaantok na sinabi ni Kert
"Gising ka na ba?" Tanong ni Kris
"Hoy ano oras na gumising ka na" Sigaw ni Lily
"Eto na kakagising pa lang ng tao eh" Kert
Biglang nanlaki ang mga mata ni Kert ng maalala niya ang mga nangyari kagabi na...
"Bakit ako nasa kuwarto? Eh diba nasa sofa kami ni Kris natulog kagabi?" Pagtataka ni Kert
"Huwag mong sabihing panaginip lang yun... SHITTTT KERTTTT" Sigaw ni Kert habang pinupokpok niya ang kaniyang ulo
"Ano bang nangyayari saken" Kert
Nagulat si Kert ng biglang bumakas ang pinto at nakita niya si Kris na papasok sa kuwarto kaya dali dali siyang nagayos
"Hi Kert" Kris
"Oh hello Kris" Kert
"Tapos na ba kayo kumain?" Tanong ni Kert
"Ah hindi pa pinapasundo ka lang sa akin ni Lily para sumabay ka na daw saamin" Kris
"Ah sige susunod na ako" Kert
Lalabas na sana si Kris ng kuwarto ng tawagin siya ni Kert
"Uhm Kris?" Kert
" Oh yeah? " Kris
" Ah ano bang nangyari kagabi?" Kert
" Ah kagabi ang tibay mo ha ikaw huling nalasing sa ating lahat ahahaha bago pala sakin ahaha bakit may naalala ka bang hindi maganda?" Pangasar na tingin ni Kris kay Kert sabay tawa
Tinignan ni Kert si Kris ng galit na galit kaya tumakbo na ng mabilis si Kris palabas at hinabol siya ni Kert
(FLASHBACK)
Si Kert at Kris na lang ang natira na umiinom samantalang sila Dan at Lily ay bagsak na
" Ah kert kaya mo pa ba?" Tanong ni Kris
"Ako? Ahahahshajs" Sagot ni Kert
"Ako pa ba kaya ko pa ahahasjde" Lasing na sagot ni Kert
"Hindi mo na kaya matulog na tayo ano oras na din" Kris
Binuhat ni Kris si Kert pero sa sobrang kulit ni Kert biglang natumba si Kris kaya napahiga silang dalawa sa sahig habang nakahiga sila hindi maalis ni Kris ang kaniyang mga tingin sa mukha ni Kert at biglang nagising si Kert at tinuro turo ang mukha ni Kris
"Ikaw bakit hindi mo ko gusto ha? Bakit hindi na lang ako piliin mo ha? Bakit hindi ako?" Sinabi ni Kert at bigla siyang umiyak at niyakap niya si Kris
"Wag kang magalala sa una pa lang ikaw na pinili ko" Bulong ni Kris habang umiiyak si Kert sa kaniyang leeg
Ng tumigil sa pagiyak si Kert pinunasan ni Kris ang mukha ni Kert gamit ang kaniyang mga kamay at sabay sabing...