Prolouge

10 2 0
                                    

Simula nang araw, na naging heartbreaker siya, hinding-hinding hindi ko na siya ituturing na kaibigan pa. I know that he have his reason on why he started doing it. But that reason is not valid to hurt those girls who just want to confess their feeling towards my FORMER BESTFRIEND.

At first, I thought hanggang isa lang ang papaiyakin niya, but I'm wrong. Masyadong naging mabait ang tingin ko sa kanya. Hindi ko aakalain na aabot hanggang benteng babae na ang papaiyakin niya. Hindi naman ako dapat maging problemado, pero nakakairita na!

Pano ba naman? Okay it is given that the students in our school, known us as bestfriends. Ang nakakainis, ako ang tinatakbuhan nila sa tuwing tinaboy na sila ng magaling kong dating kaibigan.

Mukha silang mga sirang plaka na paulit-ulit binabanggit ang mga salitang "pwede mo bang kausapin ang kaibigan mo na balikan ako?"

Like duh! HELLO? Hindi ako si Raffy Tulfo na takbuhan sa tuwing may nagaganap na sumbungan o bangayan.

Because of that scenario, doon ko tinapos ang pagkakaibigan namin ni Paul.

"Paul, gusto ko lang ipaalala sa'yo, hindi ako si Raffy Tulfo ha! Kaya pwede ba kapag nakikipagbreak ka sa mga haliparot na babaeng jinojowa mo, iseminar mo sila na hindi ako ang dapat nilang gawing takbuhan. Nakakarinding marinig ang mga iyak nila at pagmamakaawa na sabihin kong balikan mo raw sila! Hindi ka na ba talaga magbabago? Hindi na ikaw yung Paul na kilala ko! Mas mabuti putulin na natin ang pagkakaibigan natin! I don't want to have a friend who loves to break hearts!" ayan ang mga huling kataga na sinabi ko kay Paul.

Pagkatapos niyan ay hindi ko na siya muling kinausap pa. Kailangan kong panindigan sa kaniya ang mga sinabi ko. Iyan na rin siguro ang isang paraan para tumigil siya sa pagkaplayboy niya. Sana matauhan siya sa sinabi ko.

But I was wrong all along. Nagtuloy-tuloy parin ang ginagawa niyang pagpapaiyak sa mga babae. I thought also na hindi kami muling mag-uusap pa.

Pero, nag-iba ang lahat pagsapit namin sa last grade ng JHS. We got to be close again. It started when he just beat my high score on my favorite game. He gave me a dare to stay close with him for one week.

Until I didn't expect that we will build this fake relationship out of nowhere. Who would have thought na papayag ako sa gusto niya because I also want to experience the scenario of being inlove, even in a fake way?

   

Kunwari, Tayo (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon