Ilang segundo lamang ay nakita kong lumabas sa bahay nila ang kanilang yaya. Nakakunot ang kaniyang noo papuntang gate.
Agad na lumiwanag ang emosyon ng kaniyang mukha nang makita niya ako. Ngumiti rin ako pabalik kay Yaya Delya.
"Naku, Ilyza ikaw pala!" natutuwang sabi ni Yaya Delya habang binubuksan ang gate.
Pagkabukas niya nito ay agad ko siyang niyakap. Agad din naman niya naman akong ginantihan ng yakap. "Yaya Delyaaaa! I miss you!" malapit din ako dati sa kaniya noong magbestfriend pa kami ni Paul. Siya lagi ang taga luto ng meryenda namin noon ni Paul sa tuwing naglalaro kami dito sa bahay nila.
"Ikaw na bata ka! Bakit ngayon ka lang napadalaw dito ha? Dalawang taon ka ring hindi pumunta dito. Ramdam na ramdam ko ang galit mo sa alaga ko dahil pati kami hindi mo na nadadalaw" malungkot na sabi ni yaya. Agad naman akong nahiya sa sinabi ni yaya. Tama naman sila, wala silang kinalaman doon pero pati sila hindi ko na naabibisita.
"Sorry po yaya ha. Pero 'ya promise ko sa'yo bibisitahin na po kita dito—pero hindi naman lagi ha" tumatawa kong sambit kay yaya.
"O sige sabi mo iyan ha? O halika muna pasok ka muna doon sa loob mainit dito sa labas" saad ni yaya habang iginigiya niya na ako papasok sa bahay nila Paul habang nakahawak parin siya sa aking bewang.
Medyo nag-alinlangan muna akong pumasok noong una pero sinabi niya na wala daw si Paul sa bahay nila kung siya ang ikiba-kabahala ko. Kaya pumayag na rin naman ako nng tuluyan.
Pagkapasok namin sa bahay nila Paul ay lumilinga-linga ako sa loob ng kanilang bahay.
Their house design had changed. Sa pagkakaalam ko punong-puno noon ng mga family pictures nila sa kanilang living room pero ngayon purong puting pintor na lamang ang makikita sa kanilang dingding.
"Upo ka muna iha, pagtitimplahan kita ng juice."
Nang makaupo ako ay muntik ko nang nakalimutan ang pakay ko.
"Ah yaya, you don't need to make juice na po. Ibibigay ko lang po sana saglit itong niluto na ulam ni mommy kay Paul.
"Naku salamat sabihin mo kay mama mo. O sige akin na iyan at ilagay ko muna sa kusina" kinuha na ni yaya ang aking dalang ulam.
Tanghaling tanghali wala si Paul? Saan kaya nagpunta iyon?
Aba'y teka? Why am I being curious on where he is right now?
Bigla naman akong natauhan. I need to go home now! Baka maabutan pa niya ako!
"Yaya Delyaaa, alis na po ako! Babalik nalang po ako ulit! Ingat po!" pasigaw ko na lamang na sabi at patakbo nang umalis.
Pagkalabas ko ng gate, luminga-linga muna ako sa paligid. Sinisigurado kong hindi pa nakakauwi o wala pa sa daan pauwi si Paul.
Nang makita kong walang pigura ng isang Paul ay agad na akong nagpadyak gamit ang aking bike.
"Arggghh! Thank God he's not there mommy" sambit ko pagkapasok ng bahay. Nadatnan ko naman si mommy na naghahanda ng makakain sa table.
"Good job baby!" napabuntong hininga na lamang ako. Naglakad ako papuntang sala at pinagpatuloy ang pinapanood ko kanina.
"Mommy please don't do that again. Mamaya, he's going to piss me again if he'll knew that I went there. Knowing that I didn't went there for 2 years. Oh gosh!"
"Don't worry baby, hindi naman niya alam na ikaw ang naghatid. I was just kidding earlier" mommy said with a wide smile. Oh God buti nalang.
"But I told him last night na ipagluluto ko siya ng paborito niya. Hindi niya malalaman na ikaw nagbigay nun—unless yaya Delya will tell Paul."
Yeah right! Baka sabihin ni yaya Delya. Aahhh sana hindiiii kundi baka gisahin niya ako ng maraming tanong kapag nagkita kami.
I focus on watching again when I heard a phone ringing beside me here on the couch. Oh! It's mommy's phone.
"Mom someone's calling on your phone."
"Can you answer it for me baby? I'm still busy preparing here!" replied by her. When it comes on preparing food, ang tagal talaga gumawa ni mommy.
I really don't know kung ano pa ang pinaggagawa niya sa lamesa. But hinahayaan ko lang siya, tuwing day off lang kasi na napag-aasikasuhan ako ni mommy. When it's weekdays, it's yandeng's duty.
I sit closer to the phone and look at the screen to see whose calling. Napataas ang kaliwang kilay ko nang makita ang pangalan ni Paul. Agad din naman akong napakunot. Anong sasabihin nito kay mommy?
I picked up the phone and answered the call.
"What do you need?" I asked it purposely to piss him.
"Woah!" he replied exaggeratedly kaya napalayo ako ng phone sa tainga ko.
"The next time I checked, 'hello' was the right word to say when answering a phone call" he said on the other line. I can sense that he's smirking right same as mine.
"Oh really?" I answered him with a playful voice.
"You just said two seconds ago that hello must be the right word to tell first on talking to someone phone. E bakit woah sinabi? Nagtitiktok ka ba? Hindi na uso ang woah woah ngayon" pabalang kong sagot.
"Pakialam mo ba? Di ka lang marunong magwoah e!" sagot niya. "Alam mo kaya nasasabihan ang mga kabaatan ngayon na wala nang manners because even just responding on a phone call, wala nang manners!" here we go again with Paul. Ang ayaw patalo at napakadaming satsat. And worst part, sinabihan akong walang manners?!
"Excuse me?!" pasigaw kong sabi. "I do have manners but ofcourse I only give it to those people who deserves it!" I said in a sweet voice but emphasizing the phrase 'who deserves it'.
"Wow! So are you saying that I don't deserve to receive a good manner from you—?"
"Yes. True. Fact!" I answered while rolling my eyes.
"Baby ba't ka sumisigaw diyan? Sino bang tumawag sa akin?" sunod sunod na tanong ni mommy habang papalapit sa akin.
"Oh! I'm sure it's Paul. Hindi ka naman ganiyan magsalita kung hindi si Paul ang kausap mo" yeah you got it mommy. I immediately gave the phone to her.
Ayoko nang marinig ang boses ng lalaking iyon. Dami daming sinasabi. 'Hello' daw dapat ang unang sinasabi sa tawag. E paano kung gusto lang magprank ng iba tapos ang sasabihin "natatae ako".
Agad namang lumayo si mommy para kausapin si Paul. Pero naririnig ko parin siyang nagsasalita.
"Hello Paul! Nakain mo na ba yung bigay kong ulam?" masayang tanong ni mommy.
"Talaga?! Nagustuhan mo ba? Kung kulang punta ka lang dito sa bahay. Marami pa dito o kaya hahatiran nalang kita ulit." Ofcourse mommy! you should really be the one na naghahatid ng ulam na niluluto mo for Paul.
Napairap nalang ako habang pinapakinggan ang sinasabi niya. Ayoko nang mapakinggan ang pag-uusap nila kaya nilakasan ko nalang ang volume ng pinapanood ko.
Nakakasira ng mood ang lalaking iyon! Dahil diyan, hindi pa kami makakakain ni mommy nang tanghalian because of his phone call. Gutom na ako! Gusto ko na ulamin yung favorite kong chicken curry!
Itinuon ko nalang muna ang buong atensyon ko sa pitong lalaking nagpapasaya sa buhay ko na nasa TV. Nawala agad yung inis ko. These seven men are really my home. By just watching them, they can immediately boost up my mood and energy.
BINABASA MO ANG
Kunwari, Tayo (SLOW UPDATE)
Teen FictionTwo friends decided to became enemy with each other because of one reason. But got connected again and build a fake relationship. At first, they keep denying their true feelings within each other, maybe because of just their fake relationship. Later...