"Hi! This is Maureen from Love delivery Express. How are you today and please tell me how can I help?"
"Naku Mauwreng! I disconnect mo nayan! Mag daldalan tayo dito!" Rinig Kong sigaw ni Rannie sa likuran ko.
"Teka wait lang! 5 minutes!" Sigaw ko sa kanya. Yes sigaw pero yung agwat lang namin, isang upuan lang ang pagitan. Buti nalang talaga at naka chat kami, like chat support ganun at malayo ang pwesto namin sa mga nag call.
"Ano ba issue nyan? Refund ba need nyan? Magkano ba? Please tell your member that money is not the problem here hahaha! Diba Rannie? " Rinig kong sabat ni Sheriline sa likuran ko.
Napailing nalang ako sa kanilang dalawa at nag focus muna sa member ko na galit galit na sakin ngayon.
'I need a refund. My item didn't arrived but it's shows delivered! For God's sake! You don't know how long I've waited for that to be delivered to my wife! Now she wants to get divorce from me! Please tell me where is my item now!'
Tinignan ko yung item na sinasabi ng member ko. At napataas ako ng kilay sa nakita ko.
''Oa naman neto, eh chocolate lang naman to bat need ba ipadeliver? Wala bang chocolate sa grocery store nila? At need nya pa mamorhisyo dito dahil lang late nadeliver yung item nya?''
"Bitter ka lang wala kasing nag bibigay sayo ng chocolate!" Kahit di ko lingunin, alam Kong si JR yun.
"Di ko kailangan ng may mag bibigay! May pera akong pambili!"
"Sus mas masarap Mawreng kung may mag bibigay sayo ng chocolate!"
"Che! Epal!"
Di ko na siya inimik at sinagot ko na yung customer ko na galit na sakin.
"I'm so sorry for the inconvenience that we have bought to you. I know how important this item to you and I'm so sorry we didn't delivery this item on time. No need to worry I can guarantee that we will process your refund back if you still haven't received the item within 48 hrs or if ever you receive the item, the shipping fee will be refunded. Again, I'm so sorry for the inconvenience. "
Mga ilang type pa yung ginawa ko bago ko napakalma yung member ko na galit na galit. Buti nalang talaga at nadaan sa pang uuto tong member ko.
"Teh! Ang 5 minutes mo plus 10 minutes ah! " Rinig Kong sabi ni Sheriline sakin.
"Mahal na daw nya yung member!" Patol na sabi ni Rannie
"Mga buang! Teka ilang minutes bang available tayo ngayon?"
"Avail na. Last customer mo na yun eh mag uuwian na din. "
Napatingin ako sa screen ko matapos sabihin ni Rannie yun sakin. 12:30 pm, 30 minutes nalang uwian na.
Napatingin ako sa kanila at medyo lumapit sa pwesto nila. Di ako lumayo sa pwesto ko dahil mahirap na, baka may pumasok ulit na chat.
"So, ano na yung kwento mo? Ituloy mo yan!"
Napatingin muna ako Kay Sheriline bago ko ituloy yung kwento ko.
"Ganito kasi yun."
Flashback
Two days ago.
YOU ARE READING
What If?
Short Story"What if?" Mga tanong na bumabagabag sa isipan ni Maureen. Mga tanong na hanggang ngayon, di nya ba alam kung pag sisisihan nya ba kung gagawin nya o, baka mas pag sisihan nya kung sasabihin nya kung anong nilalaman ng damdamin nya. She hates regre...