Nagmamamdali akong pumasok sa loob ng building at hinabol yung pasarang elevator.
Medyo hiningal pa ako ng unti kaya naman napakapit ako sa hawakan sa gilid ko.
"Good morning!"
Kahit di ko tignan, kilang kilala ko kung kaninong boses yun. Bakit siya pa nakasabay ko? Sa lahat ng pwedeng makasabay, siya talaga?
Buti nalang at nakayoko ako. Tinignan ko kung ilang paa nasa loob ng elevator. Pero dalawang pares lang ang nakita ko.
Napatingala ako sa kanya at itinuro ko ang sarili ko. Ang bobo ko sa bandang to. Malamang para sakin yun! Dalawa lang kayo duh?!
Di ko alam kung matatawa siya or ano. "Bonak ka talaga! May nakikita ka bang di ko nakikita?"
"Hehe Good morning!" Yun nalang din nasabi ko sa kanya.
"Tawa ka dyan. Buang. Yung payong ko?"
"Ay oo nga pala yung pa-"
Natigil ako sa pagsasalita. Pati siya napatigil din ng biglang bumukas yung elevator at may pumasok na babae.
Napatingin ako sa pumasok na babae sa loob. Medyo may katangkaran siya. Petite yung katawan nya at ang bango nya.
"Good morning Lea!"
Tinignan ko siya. The way she look at her, para siyang nakakita ng anghel an pumasok sa loob ng elevator.
He's eyes is sparkling the way she look at her. And she smiled back.
"Good morning Raf!"
"Late?"
"Hindi kanina pa ako dito may binili lang ako sa baba."
"Ah, kaya pala."
Pinakinggan ko lang silang dalawa mag usap. Bakit ba sila pa nakasabay ko? Kung minamalas ka nga naman.
Umaandar na yung elevator at nag bukas siya ulit sa sumunod na floor. May ibang pumasok sa loob at umusog papunta ko si Lea. Sa sobrang gulat ko sa ginawa nya, napunta ang pwesto ko sa gitna. Kaya kaming tatlo ngayon ang basa likod at lahat ng mga bagong sakay, sila yung nasa unahan namin.
.
Awkward. Tahimik lang kami sa likod. Nasa 5th floor pa kami at isang floor nalang pero bat parang ang tagal ko na sa elevator?Muling bumukas yung elevator kung saan ang floor na bababaan ko. Sumunod naman silang dalawa sakin.
Ang awkward talaga. Di ko rin alam bakit awkward pero nahihiya ako. Maganda at gwapo kasama ko tas ako eto, cute lang. >_<
.
Narinig kong nag paalam si Lea kay Rafael na mauuna na daw sa loob ng production. Di ko na siya pinansin at nag diretso ako sa locker ko."Uy! Ano nga yung sinabi mo kanina?"
.
Napatingin ako kay Rafael. Aaminin kong nagulat ako sa sa biglang pag sasalita nya sa gilid ko."Wala mamaya nalang po. Late na ako eh." Sabi ko sa kanya.
"Ah sige sunod na din ako sayo." Rinig kong sabi nya sakin.
Tumango nalang ako at nauna nang pumasok sa loob at nag hanap ng mauupuan.
Wala kaming designated area dahil paiba iba ang schedule namin minsan at mas maganda rin naman na wala kaming designated na upuan dahil nakakasawa na nasa iisang pwesto ka lang. Kaso first come first serve, pagandahan nalang ng monitor na makukuha at palambutan nalang ng keyboard.
![](https://img.wattpad.com/cover/277702092-288-k432790.jpg)
YOU ARE READING
What If?
Short Story"What if?" Mga tanong na bumabagabag sa isipan ni Maureen. Mga tanong na hanggang ngayon, di nya ba alam kung pag sisisihan nya ba kung gagawin nya o, baka mas pag sisihan nya kung sasabihin nya kung anong nilalaman ng damdamin nya. She hates regre...