Chapter 09

584 51 9
                                    

"Saluhin mo, Ressia!"

And then I sucked. My arms are starting to get redder and redder. Sa tingin ko, ako pa ang magiging rason kung bakit matatalo ang grupo namin!

Kanina pa ako salo nang salo ng bola. I managed to hit it with my arms, pero ang kaso, hindi ko siya magawang maipasa pabalik sa kalaban dahil nga sa halos walang lakas itong mga braso ko.

Today's Wednesday at nasa sa P.E. subject na kami ngayon. And I couldn't be more honest to say that I am struggling now. Real hard.

"Ressia, pa-sub ka na," tawag ng isa sa mga ka-grupo ko sa akin.

"Isa na lang. I'm sure I'll do it right this time!" I stubbornly said. Kanina pa kasi ako nila gustong papalitan dahil nga daw napupunta na sa alanganin ang team namin dahil sa akin. But being the competitive person that I am, then I'll try this out for one last time.

"Okay, I'm done," I told to myself when I didn't hit the ball at naka-score na naman ang kabilang team. Nakipagpalit na ako sa isang ka-miyembro namin.

"Iba! Akala ko kakampi mo 'yung kalaban niyo, ang galing sis! Ang galing mong magpa-panalo ng kalaban." Inaasar pa rin ako ngayon ni Bobbie about do'n sa performance ko sa P.E. namin.

Break time na at nandirito na ulit kami sa room. Undoubtedly, he was right. I somehow acknowledge that it was mostly my fault kung bakit kami natalo. Ba't ba kasi napaka-stubborn ko sa mga bagay na wala akong alam? 'Yun tuloy, natalo kami.

Pero hindi naman ako sinisisi ng mga ka-members ko kanina, so I guess it was fine. Of course, it was! Nakita naman siguro nila na sinubukan ko eh.

Ilang minuto lang din ay pumasok na ng silid ang guro namin para sa pangatlong asignatura namin ngayon. And then the time goes by with so much lessons being inputted into our minds with the two last subjects in the morning. Both subjects ay nagkaroon kami ng quizzes. One was a 20-item quiz while the other one was 30 items.

My face was just stoic habang tinitingnan ang dalawa kong quiz papers sa dalawang asignatura, pasado naman. Passed but not perfect. Tsk.

I then put it in one of the compartments of my backpack's together with the quiz paper that I had in Basic Cal that has been given to us yesterday by Prof. Alvarez.

Lunch time then came. Kahapon, napag-usapan namin ni Bobbie na magbabaon kami ng pagkain. Medyo nakakasawa na rin kasi ang pagpunta-punta sa canteen. Hindi rin kasi kami nakakabalik ulit do'n sa bistro last time dahil talagang seryoso na ang klase ngayong week at sa mga magdadaan pa.

Mabilis na natapos ang lunch break at ngayo'y nasa sa klase na nga ulit kami.

"I like this one." Turo ni Prof. Cabrigais sa isa sa mga proposed titles namin for the second time around. Third subject, Practical Research na namin ngayon.

Tumango kaming lahat sa desisyon niya. Our research study has something to do with the perception of the STEM students towards Research subject. One of my classmates proposed that title.

"Paul, tingnan mo nga 'to oh." Binuhat ko ang upuan ko palapit sa puwesto ni Paul at ipinakita ang isang related study na nasa sa aking cellphone. Kanina pa kasi ako patayo-tayo at palapit-lapit sa kanya, nakakapagod na, so it would be better this way.

Kanina ay maagang umalis si Prof. Cabrigais para mapag-usapan na raw namin ang kanya-kanyang studies ng bawat grupo. Kanina pa rin kami nagusap- usap, at ngayon, kaming dalawa na lang ni Paul ang nagpa-plano para sa Chapter 1 ng grupo namin.

I can see from here na wala naman ding ginagawa ang ibang grupo kundi ang mga kanya-kanyang businesses lang din naman. Kasama na roon si Bobbie. That's why, medyo maingay ngayon dito sa room.

Thorns All Over the Stem (SHS Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon