Chapter 10

572 47 4
                                    

"OMG! Resh, tingnan mo 'to!"

Iniatras ko ang mukha ko nang halos ingudngod na ni Bobbie ang cellphone niya sa akin.

"I can't see it!" Tulak ko sa kamay niya palayo dahil sa sobrang lapit talaga ng cellphone niya sa mukha ko. Nabitawan ko na rin ang ginagawa ko.

"Ay, sorry..." saad nito na siyang inikutan ko lamang ng mga mata.

My forehead creased as I finished looking at what's Bobbie was trying to make me look at his phone. "Oh, tapos?"

"Bobita ka! Diba sabi niya wala siyang kahit na anong social media? Eh ano ito?" Bobbie said, almost scrunching his face.

"And..." I trailed off, totally not getting his point.

"Gaga ka! Kay Prof. Alvarez 'to!"

"Oo nga, nabasa ko," I dumbfoundedly stated. "Eh ano naman kung may FB account na si Prof. Alvarez? Matatapos ba niyan ang pagbuburda ko?" Mabilis kong pinulot ulit ang nabitawang tela. My face contorted when I saw that the thread entangled once again. "Geez, ba't ba kasi nabubuhol?"

"Minsan panget mo kabonding!" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Bobbie at nagpukos na lang sa aking ginagawa. This is due tomorrow!

Weeks have passed and I must say the class is indeed on. Kabi-kabila na ang mga long quizzes, group works at projects. Lalo na sa Contemp namin na halos kada linggo ay may ipinagagawa sa amin. Last week, we've made painting using coffee powder. Last last week, sculptor out of recycled materials, at marami pang iba. Tapos ngayon, embroidery naman!

I don't know pero kahit wala naman talaga akong art skills, kusa na lang nailalabas ang kung kahit anumang kakayahan kong maisagawa iyong mga arts na 'yon. Though I must say mine was not that good enough, but at least it was not mediocre.

Sometimes, I would doubt kung STEM ba talaga itong pinasok ko. Minsan kasi nagiging singer kami, minsan dancer, mananahi at kung anu-ano pa!

"'Wag mo kasing habaan masyado 'yung sinulod, sis!" Ani Bobbie sa akin. Akala ko sa cellphone niya na siya magdudukdok.

Tapos na ang klase at nandirito ulit kami sa parehong bench. Naghihintay ako kay Mang Selmo at gayon din si Bobbie sa sundo niya. O baka iyon ang akala ko.

At dahil bukas na ang pasahan ng embroidery'ng ito, talagang minamadali ko na at wala na akong sinasayang pa na oras kahit papauwi na ako. Nasa sa kalahating letter pa lang kasi ako. I decided to embroider my name on it, pastel pink was the dominant color I was using. And some would be in the shades of red na. Nasa sa pangalan pa lang ako at wala pa sa mga designs na roses!

"Nakakapagod kasi na paulit-ulit akong kukuha ng sinulid at ipapasok sa napakaliit na butas nitong karayom!" Medyo inis nang ani ko. Nagi-struggle kasi ako sa paulit-ulit na pagkakabuhol-buhol ng mga sinulid. My patience is what this art's testing me. Manually kasi dapat namin gawin 'to, bawal gumamit ng embroidery machine.

"Sa bahay niyo na lang kaya 'yan tapusin," suhestiyon ni Bobbie. "'Tsaka argh, iba din powers ni Marie, friends na sila ni Prof. Alvarez sa FB."

Bumungtong-hininga ako, sa wakas ay naayos ko na ang buhol. "Naghihintay lang naman ako kay Mang Selmo, then might as well gawin ko na 'to para hindi sayang ang oras." My words to his suggestion. Saglit akong tumigil sa pagbuburda at lumingon kay Bobbie. "How did you know na mag-friends sila?"

"Duh, si Marie 'yung nag chika sa'kin na may FB account na daw si prof. Mga last last week pa ata. Iba rin radar ng gaga, crushie nga talaga ata si Prof. Alvarez," he simpered.

"Eh ikaw, hindi mo crush?" I asked in monotone.

Bobbie looked at me in disbelief. "Gosh, no! Borta si Prof. Alvarez pero ekis, fully booked ako at the moment."

Thorns All Over the Stem (SHS Trans Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon