CHAPTER 1: BLACK FAN MURDER CASE

5 2 0
                                    

ELLIE inhaled and exhaled at napatingin sa camera.

"8:15 am, July 19 2021 another Black Fan Murder case was discovered here in the middle of the forest here in Pangasinan. Same style of murdering, a black hand fan made of steel with sharpened stem like a dagger, the victim was buried in the dried leaves, the weapon was left by the culprit and the victim was identified. Her name was Cara Torres. Her name was carved in the stem of the handfan. This is the 10th victim of the Black fan Murder case and the culprit was still unidentified. This is Ellie Sydney Del Rey, of 24/7 CASE SOLVED! reporting."

"Cut!" Sigaw ng direktor. Napabuntong hininga si Ellie pagkatapos ireport ang kaso patungkol na naman sa Black Fan murder.

Ibinigay niya sa camera man ang mic na hawak hawak niya kanina. Napahawak siya sa kaniyang baba at lumapit sa kulay yellow na linya na may na nakasulat na 'police line: do not cross' naroroon pa rin ang katawan ng biktima. May saksak ito sa leeg, kaliwang braso, kanang kamay, at malaking sugat sa likod— mula sa batok hanggang sa pigi nito. Halatang pinahirapan ang biktima bago patayin. Makikitaan mo rin ito ng galos at pasa sa katawan.

Siya ang newscaster sa segment na ito. Ilang buwan na ang nakaraan nang mistulang lumitaw muli ang black fan murder case na 25 years na rin na hindi nasosolve ang bumabalot sa misteryong ito. Isang taon pa bago ipinanganak si Ellie nang mangyari ang nasabing murder case. At ngayong taon, lumitaw muli ang black fan murder case at siya pa ngayon ang naatasang magcover ukol dito.

She was curious about this case. Hindi parin masolve ang nasabing murder case dahil ang mga biktima ay pawang walang koneksyon sa isa't isa kaya mas nakakalito at palaisipan talaga kung sino ang may kagagawan nito.

"It's you again." Anang baritonong boses na nagpagulat sakanya.

Napatingin si Ellie sa gilid niya. Nanuot sa ilong niya ang pabangong gamit ng taong iyon. He has this intimidating presence. Matangkad ito, manipis ang mamula-mulang labi. His hair was fixed at parang dinilaan ng kabayo dahil maayos talaga ito na akala mo'y kahit signal no.10 na bagyo ay hindi magagawnag guluhin ang buhok nito. He has this broad jawlines and hawk-like eyes at bumagay rin rito ang makapal niyang kilay. Matangos ang ilong nito. Katamtaman lang ang pangangatawan nito na mahahalata mo naman na mine-maintain nito ang pigura sa pamamagitan ng pagwo-work-out.

In short, jaw-dropping gorgeous hottie.

Biglang nagharumentado ang kaniyang puso. Bago pa magmistulang puso ang kaniyang mga mata ay iniwas na niya ito sa lalaki.

Oo, ito ang pinagpapantasyahan niyang pinakabatang police detective. Si Police Detective Smart Galvin Augustus or Private Investigator Smart Galvin Agustus. Katulad nga ng pangalan, talagang matalino ito, maihahalintulad mo kay Einstein. Or sadyang exaggerated lang siya sa pagkukumpara kay Einstein at Smart dahil crush niya ito.

Napangiti na lamang si Ellie sa binata at yumuko ng bahagya upang itago ang namumulang pisngi niya. Animo'y hinihirapan siyang huminga dahil lamang sa presensya ni Smart na ngayon ay nakatayo sa tabi niya at nakatutok ang mga mata sa crime scene. Umiilaw pa ang flash ng camera ng mga forensics at busy rin sa kakahanap ng posibleng ebidensya sa paligid.

Sa kalkulasyon ni Ellie ay 42 hours nang walang buhay ang biktima base sa rigor mortis nito.

Namulsa si Smart. He was oozing in this overflowing confidence. That cold aura that suits him. Ni hindi manlang nakita ni Ellie ni minsan na ngumiti ang lalaki.

"So, what do you think about this case, Ms. Reporter?" Biglang tanong sakanya ng binata.

Napaurong ang dila ni Ellie at nangangapa kung ano ba dapat ang sasabihin niya. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita.

"Sa tingin ko, pinahirapan muna ang biktima bago... Patayin. There's still a visible bruise beside her lips, pati na rin sa pulsuhan na may bakas ng lubid, small scratches, nangingitim rin ang ilalim ng kaniyang mga mata, There was still traces of dried blood on the side of her lips." She said.

"Pinahanga mo ako." Papuri ni Smart sakaniya na dahilan upang magharumentado ulit ang kaniyang puso.

Uggh baby, tama na ang pambobola. Baka bigla kitang halikan diyan eh! Aniya sa isipan habang imaginary na nilalandi ang crush niyang si Smart.

"Are you okay, Miss reporter? May sakit ka ba? Namumula yung mukha mo." May halong pag-aalala ang tono ng boses ni Smart. Nakakunot ang makapal nitong kilay habang minamata siya nito.

"Ah—hahaha— oo, okay lang ako..." Natataranta pang sagot ni Ellie saka pilit niyang pinapakalma ang sarili.

Be professional Ellie! Hold yourself. Panenermon niya sa kaniyang sarili dahil umaandar na naman ang pagiging makiri niya.

Tumango-tango nalang ang detective at sumuot sa police line. Abala pa rin ang mga forensics sa pag-iimbestiga. Smart squatted next to Franz, a forensic officer.

"Oh, ikaw pala 'yan, Detective." Aniya ni Franz ng mapansin siya saka sumaludo sakanya. Napahawak sa baba si Smart. He looked at the woman's body.

Visible rope marks, bruises all over the corpse, sobrang gulo rin ng buhok nito, dried blood all over her body. Galos, at malalalim na saksak at sugat na hindi niya mabilang.

Death caused by torturing. Aniya sa isip. This is the tenth case of the black fan murder, yet he noticed the same thing.

The murderer kills a woman with a mannequin like body. He/she tortures his/her victims before killing it.

A maniac? Napailing-iling nalang siya sa kaniyang naisip. Para sa kaniya ay isa pa ring misteryo kung sino ang  may kagagawan ng karumal-dumal na krimen na ito. Malinis, walang witness, walang kahit anumang bakas na posibleng magturo sa suspect.

Now, my head hurts!




ELLIE SYDNEY DEL REY






NAPALABI na lamang ako nang makita kong sumuot sa police line si baby—este Detective. Tumalikod na lamang ako saka lumapit sa aming service van. Nandoon sa labas sina Dabi, Javy at Hani. Si Dabi naman ay scriptwiter ng aming team at sina Javy naman ay ang aming camera man at assistant naman ni Direk si Hani, at driver na rin ng aming service van. Si Direk naman ay nakaupo sa kaniyang foldable chair sa gilid ng service van habang pinapaypayan ang sarili. Minsan kapag on the spot ang balita ay hindi na si Dabi nakakapagsulat ng script at sinasabi ko nalang kung ano ang nasa utak ko.

"Saan ka na naman nagsususuot ha, Sydney?" Masungit na saad ni Direk. Napakamot naman ako sa aking batok.

"Sa scene po," magalang na sagot ko sakanya. Napairap na lamang si Direk at itinuon ang paningin sa kuko niya. Nasanay na kasi si Direk sa akin eh. Alam nyo na, pasaway rin kasi ako.

Then Direk Gabbie rose up to his seat and clapped his hands. "Bumalik na tayo sa office but before that dadaan muna tayo sa resto para maglunch. Stand by tayo baka may mga emergency ulit mamaya." Then nauna siyang pumasok sa service van. Kinuha naman ni Javy and foldable chair na inuupuan kanina ni Direk saka nilagay iyon sa back compartment ng sasakyan. Pumasok na rin ako.

Bago umandar ang van ay nakita ko pa si baby— I mean si Detective hottie na nakahawak sa sentido niya at nakasandal sa police car. Hayst, naiistress na si baby pero bakit ganun? Kahit stress na stress ma siya at ang init-init na ay gwapo pa rin? Samantalang ako kapag maistress, yung mukha ko parang hindi madrawing.

Argh.

"Alam kong may gusto ka kay Detective, Sydney. Kahit kailan pakarat ka talaga! Ang sarap mong kurutin sa singit!" Masungit na sabi ni Direk at natawa na lamang ang mga tao sa loob ng van.

Dead EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon