I’m Inlove with my Father
May kanya-kanya tayong kwento pagdating sa pag-ibig. Sari-saring kwento na nakakawili, nakakakilig, nakakatouch, nakakaiyak at nakakasugat din ng puso. Mga kwento na magdadala ng iba’t-ibang emosyon at magbibigay ng kulay sa buhay mo.
Story na napamahal sa bad guy, sa good guy, sa seminarista guy, sa playboy, sa bestfriends forever guy, sa enemy guy mo, sa silent guy, sa rich guy, sa gangster, sa weird guy, sa bookworm guy, sa heartbreaker guy, sa matapobre guy, at sa stepbrother mo. Lahat ng yun, iisa lang ang naging ending “They lived happily ever after”.
Pero nakakita na ba kayo ng isang story ng isang babae simula ng imulat nya ang kanyang mga mata ay tanging ang lalaki lamang na nag alaga sa kanya ang iniibig nya at pinapangarap na makasama habang buhay?
Oo, ako yun! I’M IN LOVE WITH MY FATHER!
Hindi ko sya father in blood pero sya ang lalaki na kumupkop sakin, pinagtiyagaan ang makulit kong iyak araw-gabi, pinagtiisan ang pag aalaga sakin kasama na ang sapilitang pagpapakain dahil sa maarte ako, pagpalit ng diaper at paliligo, pagbili ng gusto ko dahil iyakin ako at matampuhin, at pagpapadama na palagi syang nasa tabi ko naka alalay, nagmamasid, nag papaalala, nag aalaga, sumusuporta at nagmamahal sakin. Nakaramdam na ba kayo ng nakakaibang feeling sa mga father nyo? Yung hindi fatherly love … yung feeling na tumitibok ang puso mo sa tuwing iniisip mo sya, kinikilig ka pag kasama mo sya at nababaliw ka na pag hindi mo masabi sa kanya ang lahat lahat ng iniisip mo.
Sabi nila…
“Love is dangerous”
“Too much of love will kill you”
“Love is sinful”
“Love is cruel”
Pero sa lahat ng nabasa ko eto lang ang pinaniwalaan ko..
“With love, you should go ahead and take the risk of getting hurt… because love is an amazing feeling.”
Hindi ko alam kung ano magiging ending ko sa pagtake ng risk sa kakaibang love life ko pero gagawin ko pa rin ang lahat para maging “LIVED HAPPILY EVER AFTER” kami.