Nagising si Jenica dahil sa tunog ng alarm clock niya. Matututlog pa sana siya pero mahuhuli na siya sa klase. Gaya ng nakasanayan niya araw-araw, babangon siya at dudungaw sa bintana. Ang bintana niya kasi ay saktong tapat ng bintana ng kuwarto ng crush niya: si Dave. Sa kabilang side nga lang ng daan. May pagitan kasi silang kalsada. Sa pagitan ng kurtina niya sumilip siya at nakita niya si Dave.
Mula Grade 1, palihim nang nagkakagusto si Jenica kay Dave. Pero hanggang ngayon na nasa 3rd year high school na sila, hindi man lang nagkamali kahit minsan na tumingin si Dave sa kanya.Maganda naman si Jenica, matalino, mabait, at palakaibigan. Pero simple lang kasi siya, tahimik at average lang ang yaman ng pamilya.
Nagbihis na si Jenica at mabilis na kumain. Hindi na nagtaka ang mga magulang niya dahil ganyan na ang ugali niya tuwing umaga. Ang dahilan niya ay gusto niyang pumasok ng maaga pero ang totoo, gusto lang niyang abangan ang paglabas ni Dave sa gate ng kanilang bahay.
Tumambay siya sa gate ng bahay nila at sa siwang ng mga grills, sumisilip siya sa gate ng bahay nina Dave. Maya-maya pa, narinig na niya ang gate nina Dave na tumutunog na para bang may nagbubukas. Inayos naman niya ang kanyang buhok at saka lumabas sa gate nila. Saktong paglabas niya, sumunod naman si Dave. Hindi niya ipinahalata na nakita niya si Dave pero sa totoo niyan, mamamatay na siya sa kilig.
"Naku po. Heto na. 5 years ko ding pinagplanuhan ang tagpong ito. Sana hindi pumalpak," pikit matang sabi ni Jenica. "Ok. Overview! Ilalaglag ko ang panyo ko.... tapos... yieeee, anubayan kinikilig ako... tapos pupulutin niya. whaha. tapos hahabulin niya ako yaaaaaaay! tatanungin niya pangalan ko... tapos... aaminin niya na crush niya ako. Sasagutin ko na siya. Magpapakasal kami. YAAAAAAAAAAA!"
Naisigaw pala ni Jenica ang huling pangungusap ng palno niya. Napalingon siya at nakita niya si Dave na nakatingin sa kanya at nakakunot-noo. Kasama nito ang kaibigan niyang si Angelo.
"Waaaaah! Nakakahiya 'to!" bulong ni Jenica sa sarili niya. "Pero kailangan ko nang magconcentrate dito. Nakasalalay dito ang future lovelife ko. Kaya ko to."
Hinay-hinay na dinukot ni Jenica ang panyo sa kanyang bulsa at sinadyang ilaglag ito. Ginandahan na niya ang paglalakad baka sakaling mapansin na siya ni Dave.
Maya-maya pa...
"MISS!" Nako ayan na! Ayan na! MAy tumatawag na sa kanya. Naku! Eto na ang simula ng kanyang buhay pag-ibig. OK Dalagang Pilipina mode ako, isip niya. Di muna siya lumingon para di halatang desperada siya.
"Miss, sandali lang!" ulit muli ng lalaki. Eto na lilingon na ako....
Waaaaaah!
"Bakit? Ano yun?" with matching beautiful eyes pa. Pero para naman siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang si Angelo ang lumapit sa kanya at nag-abot ng kanyang panyo.
+_+ hindi ko tanggap. 5 years kong plinano to tapos palpak lang?????? sa isip niya.
"Ah, hehehehehe. Salamat a. Ang laki-laki ng pasalamat ko sayo. Totoo yun. Dahil sa'yo hahaha natupad ang plano ko." sabi ni Jenica.
"Ha?" tanong ni Angelo na di naintindihan ang tinuran ng dalaga.
"Wala! Sabi ko... masarap ang pancit canton pag may halong itlog. Salamat a!" tsaka ngumiti. Kainis naman o. Naglakad na siya ulit.
"Miss!"
Chineck ni Jenica ang panyo niya. "Di ko naman nalaglag a." Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
"Miss, sandali lang."
AISH. Ano kayang kelangan ng Angelo na yan? Badtrip naman o. Binilisan na lamang ni Jenica ang paglalakad.
Nagulat na lamang siya nang may humigit sa braso niya pero mahina lang. Napaharap siya sa taong humigit sa braso niya.
+_+
0_0
*0*
What the hell! Bangkang papel!
"Sorry Miss a, di ka naman kasi lumilingon e."
Tulala pa rin si Jenica. Ang inasahan niya kasing makikita niya ay si Angelo, pero mali siya. Ang taong kaharap niya ngayon ay isang anghel galing sa langit na nahulog sa lupa para paibigin si Jenica.
"H-ha? S-s-s-sorry a. Di ko kasi narinig. A-ano ba yun?" ENEBEYNEMENYEN! BULOL!
Tumawa ng mahina si Dave."By the way, I'm Dave... Dave Alcantara. Ikaw anong pangalan mo?" Napatunganga si Jenica sa malamig at malumanay na boses ni Dave. Ito na ba ang simula? First time siyang kinausap ni Dave. Hindi ito ang plano niya pero OK na din.
"A? J-Jenica Isabelle Arnaiz." sabay shake hands. Grabe a. Anlambot nman ng kamay nito.
Sabay na silang naglakad. Nauna na si Angelo dahil may practice pa daw sila.
Pangiti-ngiti lang si Jenica at kung minsan ay nagnanakaw pa ng tingin.
"Ahm, Jenica?" mahinang sabi ni Dave.
Lumingon si Jenica. Nananaginip lang ba ako? Isip niya.
Inaabutan kasi siya ni Dave ng isang pink envelope at isang red rose.
Napalunok si Jenica at inabot ang sulat at bulaklak. Pagkatamis-tamis na ngiti ang binigay niya kay Dave. Ayos a. Mukhang mapapadali naman yata ang plano niya.
Nagsalita si Dave.
"Diba bestfriend mo si Kylie? Nakikita ko kasi lagi kayong magkasama. Puwede pakibigay naman yang sulat at bulaklak sa kanya o."
Natapilok naman si Jenica sa narinig. BASAG LANG? Tinulungan namn siya ni Dave na tumayo.
"O, ok ka lang?" tanong nito.
Lumingon si Jenica kay Dave.
0_0
????
"Jenica bat ka umiiyak?" tanong ni Dave.
"Huhu. Alam mo yun???? Yung akala mo, diretso na yung dadaanan mo. Naka chin up ka pa na parang rumarampa tapos di mo alam may bato pala... tapos nadapa ka. ANG SAKIT EEEEEEEH! ANG SAKIT SAAAAAAAKEEEEEEEET! huhuhu."
AUTHOR'S NOTE
Thanks for reading. Pavote naman kung nagustuhan. Kung hindi, comment na lang. Owkei? Chalamat. ALABYU ALLLLL!!!!! Midterm Exam na namin bukas saLogic, Rizal and Gen Zoo. Wish me luck!!! Ui suggest dn kau ng cast a. Thanks. Bye2
