Synopsis

7 0 0
                                    


Nasubukan mo na bang itanong sa iyong sarili kung kailan ang tamang oras upang gawin ang isang bagay? O kung kailan mo makakamit ang tunay na tagumpay? O kung kailan mo makikilala ang iyong kabiyak? O kung kailan ka mamamatay? Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayo na alam ko ang sagot sa lahat ng iyan pagdating sa aking sarili?


Ako ay nanggaling sa isang angkan na kilala bilang Familia Lardizabal- ang bukod tangi at kakaibang angkan. Ang tanging angkan na alam ang sagot sa lahat ng tanong na kailan.


Kaarawan. Ito ay ang araw kung kailan kaming mga Lardizabal ay opisyal na may buhay, may karapatan, may katungkulan, at may tatlong petsa at oras na nakatago sa aming katawan. Tatlong petsa na siyang magdidikta kung kailan mangyayari ang tatlo sa pinaka importanteng okasyon sa tanang buhay ng isang Lardizabal.


Ang isa at unang petsa sa nakatakdang oras ang siyang magdidikta kung kailan namin makakamit ang aming pinapangarap sa buhay. Ang pangalawang petsa sa nakatakdang oras ang siyang magsisilbing gabay sa kung kailan namin makikilala ang tao na aming magiging katuwang sa buhay. Ang pangatlo na siyang pinakahuling petsa sa nakatakdang oras ang magdidikta kung kailan namin lilisanin ang katawang lupa para sumakabilang buhay.


Itinuturing na biyaya at swerte ng aking angkan ngunit bangungot para sa kagaya ko na kakaiba. Ako si Mariya Florentina Lardizabal. Ang una at bukod tanging Lardizabal na hindi masaya sa nakikitang mga petsa at oras na nakamarka sa ibabaw ng aking kanang dibdib. Sa halip na tatlong marka, dalawa lang ang nakikita. Walang may alam kung kailan mangyayari ang pangatlo kaya ito ay nagbigay kilabot sa amin. Mga marka na nagbibigay kilabot at nginig sa akin at sa aking pamilya. Mga marka na kailan man ay hindi mapipigilan nino man.


June 6, 2026- 8:50amJune 6, 2026- 9:50am


Anong petsa nga ba ang huling marka? May magbabago ba? Kagaya rin ba ng dalawa na magaganap sa iisang araw at isang oras ang pagitan?


Tunghayan ang kwento ng isang dalaga na puno ng takot at pangamba kung kailan ang huling araw niya sa mundo. Isang kwento ng dalaga na malilito sa buhay pag- ibig niya. Isang kwento ng dalaga na siyang pipili kung kailan ang kamatayan niya.

I chose you, I doTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon