Kabanata 1

2 0 0
                                    


"Didiretso ka na ba dun sa coffee shop or uuwi ka muna sa apartment mo?" tanong ni Aya habang binabaybay namin ang kahabaan ng koridor palabas ng campus.


"Uuwi muna ako. Iuuwi ko tong mga gamit ko tapos maliligo muna ako. Mag o-OT ako mamaya kaya kailangan kong maligo kung ayaw kong mangamoy dun. Mahirap na, baka walang mag- order dahil sa amoy ko." Tumatawa kong sabi sabay tingin sa magkabilang gilid para makita ko kung may sasakyan ba. Malaki ang campus kaya hindi na ka taka- taka kung may mga kotse dito sa loob.


Pagkalabas naming ni Aya, kinawayan ko na siya dahil may bahay naman sila dito sa baguio. Nasa opposite direction kasi ang apartment ko so hindi kami nagkakasabay sa tuwing umuuwi.


"Alis na ako, ingat ka!" Tumango ako at nagsimula ng lumakad. Medyo mainit pa dahil alas tres pa lang ng hapon. Pero hindi siya iyong tipong sobrang init na nakakapaso dahil sa lamig ng klima dito.


Nilakad ko nalang ang pag- uwi sa apartment ko. Hindi naman kasi ganoon ka layo iyon sa school. I've been walking for five minutes now bago ko nakita ang gate ng apartment ko. Nagmadali na akong pumasok para makaligo na ako.


"Oy, tinang!" Napatingin ako sa may gate ng marinig kong may tumawag sa palayaw ko. Nakita ko si Aling Lordes- ang may ari ng apartment na tinutuluyan ko.


"Magandang hapon po, Aling Lordes. Bakit po?" Hindi ko na muna tinuloy ang pagbukas ng pinto sa apartment. Lumapit ako kay Aling Lordes sa gate at binuksan iyon.


"May titira na sa kabilang apartment. Mamayang gabi daw maghahakot dahil mamaya pang alas otso y media ang tapos ng klase niya. Huwag mo nalang i kandado itong gate ha? Wala kasi akong spare key, eh." Sabi ni Aling Lordes sabay turo sa pintuan ng apartment sa tabi ng sakin.


"Hihiramin din pala niya ang spare key mo sa gate mamaya or bukas para makapagpagawa siya ng kanya sa SM. Kayo nalang bahala mag-usap kapag nagkita na kayo. Huwag kang mag- alala, mabait iyon tsaka laking amerika kaya pala ingles. Marunong ka naman mag ingles kaya ikaw na bahala makipag negosasyon sa kanya, na no- nosebleed ako eh." Nakangiting sabi ni Aling Lordes bago siya nagpaalam na at bumalik sa bahay niya na mga sampung hakbang ang layo sa apartment.


Napabuntong- hinga ako at inilibot ko ang tingin sa bakod ng apartment ko at sa tabi nito. Magkadikit ang apartment ko at ang katabi nito, iba lang ang pintuan pero iisa lang sila ng haligi. Nahahati lang ito sa isang semento kaya para itong isang malaking bahay na may dalawang pintuan kung titignan.


Naglakad na ako papunta sa pintuan at binuksan ito. Nang makapasok ako, umakyat na muna ako sa ikalawang palapag at nilagay ang gamit ko sa kwarto bago naghubad ng damit at naligo na.


Nasa unang palapag ang kusina, sala, extra room, at common CR kung saan ako naglalaba. Nasa itaas naman ang kwarto ko na may sariling banyo at study area. Naisipan kong tumira dito dahil kumpleto sa gamit, walang problema sa tubig at sa signal, maaliwalas at hindi maingay.


Nagsabon na ako at nagshampoo bago lumabas at nagbihis na ng simpleng denim jeans at black tube na pinatungan ng denim jacket. Sinuklay ko na ang mahaba kong buhok. Hindi na ako nag- abala pa na I- blowdry ito dahil malelate na ako. Nagmadali kong isara ang apartment ko at nilakad na ang coffee shop. Iniwan ko nalang na bukas ang gate at hindi na kinandado ito dahil sa bilin ni Aling Lordes.

I chose you, I doTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon