Kabanata 5

3 0 0
                                    


Pagkauwi so sa apartment, dumiretso ako sa kwarto para kumuha ng gamit pamalit bago ako naligo sa banyo. After taking a bath, nagbihis na ako at bumalik sa kwarto sa harap ng vanity mirror ko. I combed my long hair and blow dried it before I went down to drink some water bitbit ang bag ko na may lamang wallet, phone, at ang letter ko for temporary leave.


Nagsimula na akong maglakad papunta sa coffee shop. If I'm not mistaken, nakarating ako doon, mag aalas syete y media na ata. Binati ko sila Alyana at tinanong kung nasa office pa ba si manager and they nodded kaya imbis na umupo muna sa silya, inuna kong magpaalam nalang.


Kumatok ako ng isang beses bago nagpakilala.


"Ms. Bea? Si Tina po ito." Pinakiramdaman ko muna kung narinig ba ako ni Ms. Bea at nung sinabi niyang pasok ay hindi na ako nagdalawang isip pa na buksan ang pinto. Ngumiti siya sa akin sabay muwestra sa upuan sa harap ng table niya.


"Anong sadya mo, Tina?" Nakangiting tanong ni Ms. Bea habang inaayos ang mga papeles na nakakalat sa mesa niya.


"Ahm, magpapaalam po sana ako, Ms. Bea. Magfa-file po sana ako ng temporary leave dahil sa upcoming event po sa school namin." Nilagay ko sa harap niya ang letter na pinadala ni Ms. Ara. Kinuha niya naman ito at binasa.


Pagkatapos niyang mabasa ang letter ay tumango siya at may ginawang letter din kung saan niya ako pinapirma. Isang letter na may kasunduan which states that I will be temporary on leave sa job ko as cashier. Pagkatapos ng pirmahan, nagpaalam na akong lumabas at pumanhik sa table sa right corner ng shop.


"May gusto ka bang kainin or inumin, Tina?" Agad na lumapit si Alyana dala ang isang papel na susulatan niya sa order ko.


Napaisip ako kung anong gusto kong kainin at inumin. Sa huli, napabuntonghininga ako at nag- order ng alak. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang marka na bigla nalang lumitaw sa ibabaw ng dibdib ko kanina. Hindi ako mapakali at feeling ko may nakaligtaan akong importanteng bagay na hindi ko ma pinpoint kung ano.


"Isang bucket ng beer nalang, Aly. Tsaka pasuyo na rin ako ng isang order ng sisig, please." Tumango agad si Alyana at pumunta sa kabilang shop kung saan may nagbebenta ng mga inuming alak at mga pulutan, wala naman kasing alak dito sa shop. Habang naghihintay, iginala ko ang paningin ko sa palibot sa shop. Buti nalang wala masyadong tao ngayon, kung hindi ay baka sa kabila nalang ako pupwesto para hindi na makaabala pa dito.


Pagkabalik niya, dala na niya ang mga order ko kaya nagbayad ako at hindi na hiningi pa ang sukli para sa tip ko sakanya. Nagsimula na akong magbukas ng isang alak at tinungga ito. Napapikit pa ako sa hapding dala nito sa aking lalamunan. Napangiti ako ng mapait. Paano kaya ako mamamatay? Sa masakit na paraan ba o hindi? I wish I'd die painless. Maybe getting hit by a big truck and be dead on the spot. Or like a gun shot on my head where I'd feel nothing but shock. Pinilig ko ang ulo ko sa mga senaryong naiisip.


Sa pag- iisip ko sa mga bagay- bagay tungkol sa kamatayan ko, ni hindi ko na namalayan na mag- aalas dyez na pala! At ubos na rin ang isang bucket ng beer kasama ang sisig. Damn! That's why I feel like the world is spinning, tsk. Nagpaalam na ako sa mga tao sa shop at nagsimula ng lumakad. Noong una, hindi pa ako pinayagan nila Aly umuwi ng mag-isa dahil sa kalasingan ko but I insisted that I'm fine. Besides, two blocks from here, nasa apartment na ko so I think I can manage. I hope so.

I chose you, I doTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon