CHAPTER 16

47 6 0
                                    

Amber Pov   

Nakita kong na ngangatog na yung kamay niya “Ano pala pangalan mo?” napalingon naman siya saakin

“Hachiro Shikichi po” sabay yuko niya, sinuway ko naman si Eros gamit ang mata ko kase hindi niya parin tinitigil yung pag titig niya.

“Pre na love at first sight kaba kay Hachiro?” biglang singit ni Kenneth na ikinatawa naming kahit si Hachiro e natawa sa sinabi ni Kenneth “Kalmahan mo lang kase pre halata ka e” binatukan lang siya ni Eros.

“Huwag kang kabahan baby boy hindi na ngangain yan” shutek tama ba ako nang narinig? Baby boy? Si Aera sinabi yon? “What?” napansin niya kasing nagulat kami sa sinabi niya.

“May lahi ka boss?” tanong ni Aria “Para kaseng may lahi ka e” dugtong niya pa. paano ang singkit at ang puti niya tapos ang tangkad pa.

Bagay na bagay sakanya yung suot niya na naka plain white t shirt at black trouser “Half Japanese lang po”

“Nga pala ako si Amber, eto si Eros si Kenneth atsaka si Aria, Aera” medyo napa tingin uli siya kila Aria siguro hindi niya napansin na kambal yug dalawa

Agad na kipag kamay si Aera kay Hachiro, nako mukang gusto ata ni Aria ang isang to. Sunod si Aria at Kenneth makikipag shake hands din sana ako nang tapikin niya ang kamay ko at sila na ang nag kamay.

“De joke lang yung kanina pre, bati tayo wag ka mag alala welcome to the squad!” ngiting sabi ni Eros kay hachiro at inakbayan pa.

“Squad?!”

“Yokai yan for sure”

“wag mo akong ipag palit pare!” eto namang si Kenneth seloso kuno, “wag kana mailang saamin hachi a” sabay sabay na kami pumasok at baka mahuli pa kami.

Dinaan muna namin sa registar office si Hachiro at nag antay sakanya, doon niya kase makukuha yung schedule niya and kung saang section siya.

And luckly mag kakaklase kaming lahat, para sakanya pala yung isang bakanteng upuan sa likudan kung natatandaan niyo.

“Pa attendance lang tayo tsaka sibat” wala rin naman kaseng gagawin ngayon dine, pero syempre hangang dito lang kami sa loob ng university “Tara canteen tayo libre ko”

“Eto talaga inaantay ko”

“Salamat naman at nakaramdam”

Sabay sabay kaming pumunta sa canteen kaso sarado kaya tamang hanap lang kami ng booth kung saan kami kakain.

Kaya hindi kami kasama sa mga nag aayos sa booth e yung ibang member kase ay nag donate na lang ng pera at yung mga officer na lang ng club ang nag aaskikaso.

Ako nag donate na lang ako para rin naman sa foundation yung pera kaya hindi nakaka hinayang.


Kung ano anong inukutan naming mga booth at yung ibang booth ay may mga samples ng mga binebenta nila at si Aria ay tamang tikim at chika sa iba.

Nang mahinto kami sa isang booth na puro damit ang binebenta “Amber maganda ba?” may pinakita siy saaking t shirt na pastel violet na may design lang sa likod “Oo, bagay sayo”

Sawakas ay nakahanap kami ng booth na tama lang and dami ng tao sakto at may Japanese food “Wag kang mahiya Hachiro libre ko” Paalala lang ni Aria kase parang nahihiya parin siya.

“Oy ano iyo? Ganon na lang rin saakin hindi naman ako maarte” biglang sabi ni Eros katabi ko kase siya dapat si Aera kaso nakipag palit siya ng upuan kay Eros edi siya tuloy kasama ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at buti na lang may taong pupunta sa table naming para hingiin kung ano yung order naming hassle kung kami pa. buti na lang talaga resto style to.

Habang nag sasalita si Aria ay kinakabahan na ako takot kase ako sa ganito tamang bulong lang ako ng sasabihin ko at baka mag kanda utal utal ako.

Kaso nung ako na yung mag sasalita ay lalo na akong kinabahan “Ano po isang Teri~”

“Two teriyaki and two sashimi, Sushi dalawa rin tsaka sa drinks two lemonade” biglang singit ni Eros, umalis na yung lalaki. Shutek na kakahiya yon “Ang bagal mo, takot ka pala mag order sana sinabi mo”

Shutek ako takot? “Hoy hindi a” hindi naman kase talaga hindi ako takot no “kinakabahan lang ako jsume” Tumawa lang, clown ata ako sa pangin nito palagi na lang ako tinatawanan.

“Wag ka mag alala hindi ka nag iisa kinakabahan din ako pag nag oorder” dareretsong sabi ni Hachiro napa palak pak naman sila Kenneth ng marinig yung boses niya.

“Tama yan pare mag salita ka lang” Proud na inakbayan ni Kenneth si Hachiro samantalang si Aria nakipag high five na masayang ginantihan ni hachiro.

“Akala ko naputol na yung dila mo” paano ngayon na lang siya nag salita simula nung kanina iniisip ko na nga na hindi siya masyadong nakaka intindi ng tagalog.

Habang nag aantay kami ng mga pag kain ay tamang dinadaldal lang naming si Hachiro “Sama ka samin mag laro minsan a libre kita Pc” Nako sabi ko na nga e aayain nila siya mag laro.

“Nako tigilan mo nga yang si Hachi” na iiling na sabi ni Aria kila Kenneth.

Kaso mukang Gamer ang kuya mo “No it’s fine, I love playing games” At ayon Gamer nga isang to.

Mag rereklamo nasana si Aria na sobrang tagal ng pagkain tatayo na sana siya nang matanaw naming na hawak hawak na ni Kuya yung mga pag kain namin.

Paano ba naman ang dami niyang inorder kaya siguro natigilan “Kalma ka lang Aria” halatang gutom na gutom ang ate mo hindi ata nag umagahan sakanila.

Actually hindi rin naman ako nag breakfast kaya medyo gutom na rin ako pero keri na “Galit galit muna tayo mga sister” at pag katapos kong sabihin yon ay hindi na nasundan.

Ansarap nung pag kain feeling ko nasa japan na ako, masarap talaga siya no cap.

Natatawa na lang ako kaya Aria kase kain na kain talaga ang ate mo, at fyi lang siya pa nauna matapos saamin. Bilib na talaga ako sa babaeng to.

Inobserbahan niya lang kami kumain, medyo sanay na ako sakanya kase ginagawa niya talaga to after kumain “Gutom pa kayo? Sige lang order lang kayo mayaman ako today”

Tuwang tuwa sila Aera sa narinig niya “Sana every day” minsan ba naman ay may pagka kuripot siya pero pag bumawi e bawing bawi.

Nang matapos kami kumain ay umalis na agad kami, tamang lakad lakad lang.

Ilang oras pa ay nag sisimula na silang makipag daldalan kay Hachiro at pansin ko lang na hindi siya masydong nag sasalita pero nakikinig naman siya when someone is talking.

“I love this guy!” sabay yakap niya kay Hachiro. “Grabe pinag Palit mona talaga ako” jusme sinabi lang ni Kenneth yun kanina.

Sino ba naman kase hindi magugustuhan ang lalaking to bukod sa guwapo na mabait pa.

Kahit saglit palang kami nag kakilala muka namang totoong tao to, no shit.

Yung ibang nakakasalubong namin ay may mga tingin saakin, shutek wala naman akong ginawa sakanila a.

Kahit papaano ay nakalimutan ko ang mga eagle squad at ang mga bulungan nila saakin.

Pero syempre hindi naman yun pang matagalan, katulad ngayon wala naman akong ginagawa pero ang mga mata nila nako.

Sobrang perfect kase ng mga dagang to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Nerdy Girl's Big Revenge [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon