CHAPTER 1

2.2K 67 6
                                    

Amber Pov 

Nandito ako sa loob ng aking kuwarto kagigising ko lang at agad kong naisip na ngayon na pala yung unang araw ng pasukan.

makikita ko nanaman ang aking mga kaibigan dalwa lang naman sila, onti pero masaya naman ako kasama sila kaya kahit sila lang masaya na ako.


Agad akong bumangon at nag check ng aking IG at FB tinignan ko kung meron bang bagong update na picture yung mga kaibigan ko at pag katapos non pumasok na ako sa banyo para maligo mahirap na baka ma late pa ako first day pa naman.

Pag katapos kong isuot ang uniform ko isa itong long sleeve at may necktie na black at ang skirt naman ay hangang kalahati ng aking hita kulay itim ito at isang mahabang medyas hanggang tuhod ko sapat na para hindi masyadong ma expose ang aking mga hita.

wala naman akong mga sugat sa hita o kahit anong peklat hind lang talaga ako komportableng na e-expose sila.

Lumabas na ako ng aking kuwarto at  handa ng mag almusal ng nasa gitna pa lamang ako ng pag lalakad pa puntang kusina ng may marinig ko ang halakhak ni Mom masayang naglalambingan sila Dad at Mom napangiti na lang ako at tinahak ang dinning table, busy ang dalawang mag lambingan kaya hindi nila napansin ang pag punta ko don.


"ehem" peke kong ubo para maagaw ang pansin nila, ngunit tila wala silang narinig at tuloy lang sa pag lalambingan.

"ehem" ulit ko sa pangalwang pag kakataon, pero tulad ng kanina parang wala parin silang naririnig.

"ehem" at sa pangatlong pag kakataon ay lumingon na sila saakin, suot ang nagtatanong nilang mga muka.

"Amber ayos ka lang ba? mukhang malala ang ubo mo a" nag alalang tanong ni Mommy saakin.

"Okay lang po ako, Good morning Daddy , Mommy "napaka sweet naman ng mommy ko.

"Ikaw ba ay nag patigin na sa Doktor amber? baka lumala yang ubo mo a" segunda pa ng tanong ni Daddy.

"Ayos lang po talaga ako, kain na po tayo" aya ko sakanila, siguro inaantay talaga nila akong bumaba dahil wala pang bawas yung pagkain sa harap.

Ng matapos kaming kumain ay nag paalam na akong papasok sa school dahil 30 mins na lang ma l-late na ako.

Agad akong nag pahatid kay manong papuntang school eksaktong 15 mins bago mag simula ang klase ay naka dating na ako sa school dumaan muna ako sa may bulletin Board para makita kung anong section ko this school year.

sana kaklase ko sila Nicole at Kristine para masaya naman itong school year na ito para sakin.

Pang limang beses ko inulit nang tingin pero wala talaga ang pangalan nila sa listahan mukang hindi kami mag kakaklase this year.

Nag simula na akong mag lakad papunta sa building A3 dahil naandoon yung classrom ko mga 5 minuto pa ako mag lalakad bago maka punta doon kaya minabuti ko na lang na tumakbo sa papunta doon dahil 6 mins na lang mag s-start na ang klase kaya ang 5 minuto na pag lalakad naging 3 mins na lang dahil tinakbo ko payon.

Nasa may hagdanan na ako ng may kabunguan pa ako kung minamalas ka nga naman talagang ngayon pa ako naka bangga first day na first day ganto na agad ang ngayari ayos talaga.

"Sorry hindi ko sinasadya nag mamadali kase ako sorry"Hingi ko ng tawad dito hindi na ako nag abalang lumingon sa kanya pero alam kong lalaki ito sa bulto pa lang ng katawan nya alam mo ng lalaki.

aalis na sana ako ng hawakan nya ang wrist ko ng mahigpit malamng sa malamng mamumula yon o baka mag kapasa pa nga dahil sa higpit ng hwak nito saakin.

"what the fuck? " Galit nitong tanong saakin at mas lalo pa nyang hinigpitan ang hawak nya ng mag pumiglas ako.

kaya nag angat na akong tigin sa sakanya na patulalana lang ako sa lalaking nasa harap ko mala Greek God ang kanyang mukha at matipuno ang katawan habang ang kanyang mata ay nanlilisik na nakatigin saakin. 

Ang kanyang mga panga ay nag iigting nalalo pang nag pa guwapo sa kanya aakalin mong anghel ang nasa harap mo ngayon pero hindi.

"Nag sorry na po ako sainyo hindi ba? so please paki bitawan na ho yung kamay ko" magalang kong sabi saknya ngunit hindi manlang nag iba ang reaksyon nya.

"okay I'll let this pass, just for today." sabi nya saakin sabay bitaw sa wrist ko na hinawakan nya.

wala na akong sinayang na oras at agad na tumakbo walang lingon lingon na tumakbo para maka alis.

Nang makapasok ako sa classroom ay agad akong umupo sa may dulo tatlong upuan na lang ang bakante sa dulo.

isa sa may bandang bintana pinili ko na lamang umupo sa may gitna dahil alam ko namang walang tatabi sakin kaya sa gitna na ako umupo.

nang maka upo ako wala pang isang minuto ng dumating si kenneth bukod kila Nicole siya lang yung kumakausap saakin tulad nila Nicole sikat rin siya sa buong unversity.

dahil kahit nerd sya ay matalino ito pero di gaya ng kasikatan nila Nicole dahil siya sikat siya sa mga bully.

Dumapo ang kanyang tigin sa gawi ko nginitian naman nya ako  sabay kaway nag lakad sya papunta saakin at umupo sa kaliwa ko.

"Hi Amber, Good morning! mag kaklase ulit tayo a" bati nya sakin, napaka maaliwalas nang muka nya ngayon tila ba masarap ang tulog nya o sadyang masaya lang ang umaga nya.

"Hello Good morning, rin oo nga ano mag kaklase ulit tayo" Masayang bati ko sakanya.

maya maya pa ay dumating na ang aming teacher nag pakilala naman ito at ng mag papakilala na ako sa harap ay biglang pa dabog na nag bukas ang pintuan at ang salarin ay yung lalaking naka bunguan ko kanina.

Ang suwerte ko talaga today!  garabi naman ang suwerte ko ngayong araw







The Nerdy Girl's Big Revenge [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon