five

138 2 0
                                    

"Should I accept it or nah?" Tanong ni Francine sa kanyang sarili.

Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan, isang friend request lang naman ito 'di ba?

Gusto niya sanang kausapin at sabihin kay Thalia ang nangyayari sa kaniya ngayon pero naalala niyang busy ito magreview para sa contest na sasalihan nito.

Kinuha ulit ni Francine ang cellphone niyang nasa higaan, dali-daling tinignan ang notification na nagpayanig sa mundo niya.

______

Jeon Jungkook wants to send you a message!

Accept | Decline

_______

"Bahala na nga!" Sabi niya sabay pindot ng accept button.

seen | j.jkWhere stories live. Discover now