______________
You have 14 unread messages! Tap to view them.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Francine habang nakatitig sa kanyang cellphone. Wala pa siyang balak buksan ang mga notifications niya dahil pasikreto niya lamang itong kinuha mula sa pinagtataguan ng kanyang ina. Grounded pa rin siya dahil nalalapit na ang exams at makukuha niya lang ito kapag natapos na ito.
She scrolled through the messages, halos lahat doon ay mga group chats na wala siyang balak buksan. Ang iba ay sa mga kaklase niya, isa na roon ay si Angel na paniguradong magtatanong nanaman about sa mga lessons nila. May chat rin si Thalia.
Pero napukaw ang kanyang pansin sa isang recent message.
"So tama nga, hinahanap nga ako ni lolo.." Bulong ni Francine sa kanyang sarili.
Basahin ko ba o hindi?
Mga ilang minuto pang tinitigan ni Francine ang kanyang cellphone. Nagdadalawang isip siya kung babasahin niya ba ito o hindi. Baka kasi mamaya ay hindi siya makapagreply, katulad nang nangyayari sa kanya noon.
Dahil pasikreto nga itong kinukuha, sa tuwing gagamitin niya ito ay nahuhuli siya ng kanyang magulang at sa bandang huli ay hindi niya pa rin nar-replyan ang mga nagc-chat sa kanya. Kaya lagi siyang nasasabihan na "snobber" o "mataray". Wala rin namang may alam sa kanyang sitwasyon maliban kay Thalia..
at kay Jungkook.
"Francine, try mong magreply dun sa tao. Mukha namang mabait, 'di ba gusto mong magkaroon pa ng kaibigan?"
Francine chuckled at her bestfriend's words. "Bakit ko gugustuhing magkaroon ng kaibigan? I have you."
"Eh basta-basta! Magreply ka kay kuyang table, may feeling ako na magiging important part siya sa buhay mo."
"Si lolo? Magiging importante? Psh." Bulong ni Francine sa kanyang sarili.
Hindi niya makuha ang rason ng kanyang kaibigan kung bakit niya sinabing magiging importante ang binata sa kanyang buhay. Isa lang naman siyang lalaking mataray, nagpapadugo pa ng ilong sa kasa-salita ng english.
Nakatitig nanaman siya sa kanyang cellphone, specifically sa message ni Jungkook. Wondering if she should open it or not.
"Buksan mo na nga Francine! Babasahin lang parang tanga naman 'e!" Pagsaway sa kanyang sarili sabay pindot sa kanyang cellphone.
________________
ate krim's note:
Hello! Sorry kung hindi ako nakapagupdate kaagad, hindi ko alam pero pagod ako noong nakaraan, wala naman akong pasok. Tsaka birthday ko kahapon so, pinahinga ko muna sarili ko! Hehe. As usual, please vote and comment! Tell me what you think! Ilysm!
YOU ARE READING
seen | j.jk
Fanfiction" ingatan mo sarili mo, mahal kita palagi. " - a jeon jungkook tagalog fanfiction ↪start: 07 | 28 | 2021 end: - ↪language: tagalog | filipino