Part 1.

323 3 0
                                    

TESSA POV

Nakakainis na yung jaime na yon! Akala nya madadala nya ako sa mga pakindat kindat nya?  NapakaFEELING!! although sobrang gwapo nya, npaka ayos at malinis sa pananamit, at maganda ang pangangatawan hindi ko parin gusto ang inaasta nya sa tuwing nagkrukrus ang aming landas!Ubod ng hangin ang JAIME ALFEROS na yon. I swear im gonna kill that man!

"O bat nakasalubong na naman ang mga kilay mo?" tanong ni Amy na tila ikinagulat ko pa,ng bigla na lamang itong sumulpot sa tabi ko.

I JUST REALLY HATE that man!! Bulalas ko pa, sabay lingon sa kaibigan ko, at sya naman ay inosente sa mga pinagsasabi ko!

"And who's that man are you talking about?" pangungulit pa ni Amy!
"Alam mo ikaw tessa, bawas bawasan mo nga yang pagsusuplada mo sa mga lalake, look 20 kana at hindi kapa nagkakaboyfriend! why dont you just let yourself to be happy? " Pagsesermon pa ng kaibigan ko.

Happy? E araw araw yata akong binubwisit ng lalakeng yon! pagdadahilan ko pa.

I was at the canteen a while ago, Tapos nagkasabay kaming nagbayad sa cashier ni Mr Alferos. Sabi nya "Hi Tessa, Pwede ako nalang?"
No thanks, I have my own money and i can afford it! pagsusungit ko pa.
"No ang ibig kong sabihin, Pwede ako na lang ang unang papasok sa puso mo? " Naghiyawan ang mga barkada nya na nasa likuran namin at nabalot ng kahihiyan at pagkainis ang mukha ko. Kaya hindi ako nag alinlangan na tadyakan ito.

Tila nasaktan naman ito ng bahagya at panay ang tukso ng mga kaibigan nito sknya. At ikinatuwa ko naman ang bagay na iyon. After ko kumain ng lunch, ay agad kong tinungo ang library,2:30 palang so i can stay long there besides 4:30pm pa last subject ko

Hi. Ako nga pala si Tessa Ramirez, Graduating ako sa isang kilalang Unibersidad dito sa Maynila, 20 years old na ako. NBSB
Sadyang malayo ang loob ko sa mga lalake, bibihira lang ako nakikipag usap sa mga kaklase kong guy. Nag iisa akong anak, Ang Mommy ko ay isang Bank Manager, At yung Daddy ko naman isang Businessman. Yea! Doing some monkey business, kaya siguro tuluyan silang nagkahiwalay.
Di Gaano masaya at di gaano malungkot ang buhay ko kasama ng mommy, sakto lang. Bagamat lumaki ako na may karangyaan, Hindi ako yung Spoiled Brat , Hindi ako gumigimik or kung ano ano pa. Mas madalas nga atang lumabas si Mommy kaysa sa akin.

Hayyy!! This is Our Last sem in school, Masayang masaya ako kasi ilang buwan nalang graduate na ako!Masaya ako kasi, ito yung pinakamagandang regalo ko kay Mommy! At sobra ang saya ko kasi Malapit ko ng HINDI makita ang Pagmumukha ni Jaime Alferos. Same Course kasi kmi kaya di nakakapagtakang araw araw kong nakikita sya!

"Class dismissed" Pagkarinig ko palang ay agad na akong lumabas ng classroom at hindi ko na nagawang magpaalam kay Amy dahil kausap na naman nya ang boyfriend nya sa cellphone. 7pm eksaktong dumating si Kuya Gary, Driver ni Mommy,Para sunduin ako. Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ng may humawak sa braso ko at pilit inaagaw ang bag ko!

Napasigaw ako ng Kuya Gary, Kuya Gary! at bumalikwas sya palabas ng sasakyan, Ng Biglang may Humampas na lng sa holdaper, At sadyang nahilo ito at tuluyang humandusay sa kalsada.

"Are you okay love?" Nagulat ako ng makita kong si Jaime Alferos ang nagligtas sa akin.
At nainis na naman ako sa pagtatawag nyang "LOVE" sakin.

"Can you stop calling me that way?!" Pagsusungit ko at hindi ko nagawang magpasalamat

"I saved your life! Ni hindi ka man lang magpasalamat? " Pagdudugtong pa nya

Hello! Of All people na magliligtas sakin, bakit ikaw pa? Ang yabang yabang!

" Maam Tessa, tumatawag na po ang mommy nyo," sabat ni Kuya Gary at tuluyan na syang pumasok ng sasakyan.

Papasok na ako sa sasakyan ng bigla na lamang akong hinila ni Jaime, at mahina nyang binigkas ang mga salitang "Kiss lang okay na ako," nakañgiting sambit nito na tila nang aasar. I demand him na bitawan ako, at ng binatawan nga nya ako ay bigla kong Inihampas ang Bag ko sakanya at tuluyan na akong napasok ng sasakyan. Bakas sa mukha ni Jaime ang sakit ng hampas ng bag ko sa dibdib nya..Kaya nakaramdam ako ng konting Konsensya.. Hayyy! Paano naman kasi Napakabastos! Maginoo ba yun? Shit!

Nakarating na kmi ng bahay at agad namang naikwento ni Kuya Gary lahat ng Pangyayari kanina. Alalang alala si Mommy sakin, kaya naman napayakap ako sknya.

"Nextime hija, be more careful,Nakakatakot na ang panahon ngayon" Pagliliwanag ni Mommy

"O by the way, change your clothes na so that you can help me bake cupcakes. I will distribute it to my team, and para mabigyan mo din yung Taong nagligtas sayo,schoolmate mo dw sabi ni Gary. Say Thankyou for Me. "

Tila naiinis pa akong tumango. At ng matapos ko ng matulungan si Mommy ay Umakyat na ako sa kwarto at natulog.


Kinabukasan ay dala ko ang isang box ng red velvet cupcake na para kay Mr JaimeAlferos, for moms sake pipilitin kong mag thankyou!!

Papalapit na ako ng classroom ng sinalubong ako ni Amy!

"Uyyy Girl! Is that for me? Omygashhh! " Pag iinarte pa nito.

"No its not! Lets just say its a reward! Okay? Para kay Mr Yabang ito. Pinapabigay ni Mommy! Can you just give it to him? "pakiusap ko pa sa kaibigan kong tila nagulat!

"OMG! Why? Jowa mo na? Kailan? Bat dika nagsasabi? Wow ha buti pa sya may cupcake! The More You Hate, The More You Love!" Pang aasar pa nya sakin.
Okay! Ako na nga lang! Hmmmp pagtatalikod ko sa kaibigan.

Pagpasok ko ng room, Agad kong tinungo ang kinaroroonan ni Jaime, Ng biglang humarang si Daniel at muntikan kong mabitawan ang box ng cupcake.

"Sweet naman ni besfren! para sa akin ba yan? sabay ngiti sa akin" Hindi no! dyan ka muna usap tayo mamaya, paliwanag ko sa kanya.

Tila, malalim ang iniisip ng isang to ngayong araw. Madalas naman napaka Papansin nyan, pero ngayon mukhang nakakapanibago. Pero di ako nagpadala at Ipinatong ko nalang ang box sa armchair nya..

"Tinitigan nya ako ng,ilang segundo at napansin kong ang gwapo parin nya kahit seryoso, yung mapupula nyang labi at ang mga mata nyang tila nangungusap, pero ilang saglit ay nagsalita ako. Oh! Its from my Mom, she says Thankyou for saving my life! sabay walk out!

Ngayon ay kausap ko na si Daniel, Siya ang lalakeng makulit pero marespeto. Matagal na din syang nangungulit sakin  Pero ganon talaga, wala akong amor sa lalake. Pero besfren ang tawagan namin, Madalas kasi namin sya kasama ni Amy! Kaya close din kami. Masyado lang syamg vocal pagdating sa nararamdaman nya.

Timeless Love (Galor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon