Tandang Pananong

19 2 1
                                    

Nagtatago ako ngayon dito sa likod ng puno. Eh kasi sino bang hindi magtatago kung yung si Andy ay parang may dalang malaking question mark eh tanong ng tanong, ehhh sa ang kuliiiit!!

Oh! Andyan ka pala Sam! ()_()

Ay! Pesheng tandang pananong! Ano? Bat ka ba nangugulat? Bat ba biglang sumulpot to sa likuran ko.

Sam! Ba't ka ba nagtatago dito? angg kulleett!!

Pake mo? At nagsimula na akong maglakad. Wala palang silbi yung pagtatago ko T_T

Sam? Galit ka ba? Inuubos na niya pasensya ko ha!

Obvious ba? Nakooo!! Pag di ako nakapagpigil!!!(>_<)

Sam?! Ba't ang sungit mo?

Tanong mo sa lolo mo!! Konti na lang talaga!╰_╯

Eh, Sam ba't ka naglalakad? Isang pambobong tanong, at dapat may pambobong sagot.

Natural may paa ako Andy!! Kelan ba toh titigil!!

Sam busy ka ba? Urrghhhhh!!!!

Oo...busy sa kakaiwas sayo para di na to lumalim pa ang nararamdaman ko. Pero hininaan ko na yong boses ko pagkatapos ng Oo.

May sinasabi ka ba Sam? Nakooo Andy!!

Oo, natural may bibig ako! Konting tiis lang Sam!

Sam?

Ano?! Ba't ba ang kulit mo? Ba't ba ang ingay mo? Ba't ka ba tanong ng tanong?!! Napasigaw ako nang sinabi ko iyon.Yan tuloy instant center of attraction! -_-

Di naman siya nakasagot kaya nagsimula na akong maglakad ulit.

Kasi Sam .. mahal kita! Gusto ko lang naman na mapansin mo ako, nagtatanong ako kasi baka sakali dahil sa kakulitan ko ay magkagusto ka sakin! Sam mahal kita! Agad naman akong napatigil sa pag sigaw niya. Shett! (⊙o⊙) mapapa amin ako nito ng di oras!

Eh Andy tinanong mo ba ako kung mahal kita? Ba't ba kasi ang kulit mo! Yan tuloy nahulog ka sa puso ko. Leche ! Ang corny ko!! →_→←_←

Mahal mo ako Sam?! Eh may topak pala to eh!

Ay hindi! Yung lalaking may pangalang Andy ang mahal ko! Pesstttt!! Napapamura ako ng dahil sa lalaking to eh.

Bigla naman siyang lumapit sa akin..

Sam ... pwede ba kitang ligawan? Leche seryoso ba tong nangyayari?

Oo... basta ako lang ang liligawan mo. Syempre oo, give it a chance ika nga.

Lumapit siya sa akin at nag back hug, ≧﹏≦ naghiyawan naman ang nanonood sa amin! Ano to live drama? At kailangan namin ng audience. Saka ko lang napansin na sa may hall way pala kami.

Sam???

Hmm?? Kinikilig pa rin ako! = ̄ω ̄=

Alam ko na kung bat ka masungit ngayon?

At bakit aber?

Sam... anong brand ng napkin mo? May tagos ka.. wengya tong lalaking tohh. Panira ng moment ! >////<

namula naman ako sa sinabi niya .. langya talaga!!

Andy? Nakaback hug parin siya sa akin. Mabuti nalang at walang teacher na napapadaan.

Hmmmm??

Gusto mo bang break na tayo agad?? Palambing ko pang tono pero halatang sarcastic na pagkasabi ko .Nagulat naman siya.

Bakit? sasagutin mo na ba ako??Halatang excited ang loko,.. pero sorry dalagang pilipina ata to.

Depende kung mahulaan mo ang brand ng napkin ko.

End~~

A/N: Hope you enjoy it!

~ Angelica


Tandang Pananong ( one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon